CHAPTER 11

2.1K 47 1
                                    

Merry Christmas everyone! :)

<3
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"GOOD evening, ladies and gentlemen. Welcome to the anniversary celebration of the Lohiaman Merchandise Makati Branch.."

Napalingon si Daniel at Liza ng magsimula ng magsalita ang emcee sa unahan.

Hindi mapakali si Daniel ng makita niyang bumaba ng hagdan si Julia. Kinabahan siya lalo na ng magtama ang tingin nila.

Marahil ay galit pa rin ito dahil sa nangyari tatlong taon na ang nakakalipas.

"The party is extravagant, don't you think?"

Biglang nanlaki ang mata ni Daniel ng may nakisalo sa lamesa nila at biglang naupo sa may tapat nila.

Si JC. Tatlong taon na niya itong hindi nakikita at nakakausap.

"Hi J!C" natutuwang bati ni Hope dito.

"Tol, kamusta?" naiilang na bati niya kay JC.

Pero inismiran lang sila nito at tumayo na rin agad.

"You guys aren't still okay, are you?" mahinang tanong ni Hope sa kanya.

He just give her a sly smile then hold her hand.

"..to give us a message, may we call on one of the two darlings of intelligentsia of Lohiaman Merchandise, Miss Julia Guerrero!" the emcee announced.

"Julia never change." puna ni Hope habang pumapalakpak at nakasunod aang tingin kay Julia na kasalukuyang naglalakad papalapit sa unahan.

Tumango siya. Hindi nagbago ito ngunit parang mas naging sopistikada ito.

"Thank you, Andrew for that small introduction, anyway let me just correct everything here. I'm not supposed to be in front of you delivering a message. Dapat si Kathryn talaga but unfortunately, she's still busy with something important.." sabi ni Julia na bahagyang nakangiti.

Nagbulungan naman ang ilang bisita.

"..don't worry. Nothing serious about it. Okay, so moving on, I would like to thank everyone for being here. We didn't expect every invited guests will come but luckily, almost of you came, so let's cheers to that!" sabi pa nito saka itinaas ang glass wine.

Ginaya naman ito ng mga bisita saka nagpalakpakan.

"I'm hoping that everyone will have a good time specially our employees, thank you for your efforts. Though, madalas ay natatarayan kayo ni Kath. Pagpasensyahan niyo na siya. It's for the best naman eh, diba?"

Nagpalakpakan ang mga empleyado nila.

"That's all. Thank you." sabi lang nito saka bumaba na muli.

Nang nakita niya kung saang lamesa ito dumiretso, nakita niya si JC at Seth na naroon.

"Oh, gosh. Seth's also here." bulong ni Hope sa tabi niya.

Hindi niya kinakaya ang lahat ng mga mangyayari. Ano pa ang susunod? Ano pa?

***

NAGPAALAM si Hope na pupunta muna sa comfort room. Kumakain na ang lahat ngunit hindi pa rin niya nakikita si Kath.

Tumayo siya mula sa kinauupuan niya saka siya nagdesisyong umakyat sa isa sa mga hagdan doon.

Paakyat pa lang sana siya ng biglang may humawak sa braso niya.

"Saan ka pupunta?"

Nang lingunin niya ito ay nanlaki ang mata niya. Nasa harapan niya ngayon si Seth at seryosong nakatingin sa kanya.

Steal the BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon