CHAPTER 14

1.8K 60 3
                                    

HINDI mapakali si Daniel ng tanghaling 'yon. Hindi niya alam kung saan nakuha ni Kathryn ang number niya at tinawagan siya para sabihing makipagkita siya dito. Pabalik-balik siyang naglalakad sa loob ng opisina para lang pakalamahin ang sarili niya.

"Sir, there's a call for you." sabi ng assistant niya. Hindi niya napansing kumatok ito ng mahina sa pinto niya kaya bahagya pa siyang nagulat ng magsalita ito.

"Galing kanino?" kalmadong tanong niya pero sa loob niya, na-eexcite siya na baka si Kathryn ulit 'yon.

"From your wife, sir."

Bahagya siyang napatigil. Ang asawa niya ang tumawag sa kanya. Hindi si Kathryn. Bakit hindi niya maitago ang disappointment sa mukha niya?

"Ah, okay. Send her on the line." Sabi niya at umupo sa upuan niya kaharap ng lamesa niyang puno ng ilang dokumento na kailangang pirmahan niya.

"Babe?" Sabi niya ng i-angat niya ang telepono.

"Now that sounds good."

Halos mabitawan niya ang telepono dahil hindi niya inaasahan na si Kathryn ang nasa kabilang linya. Akala niya ay si Hope 'yon.

"Bakit mo sinabing asawa kita?" Ng makabawi ay sinabi niya iyon dito.

Hindi naman kasi alam sa opisina niya na may asawa na siya. Hindi niya talaga ipinaalam 'yon. Hindi naman kasi siya ang tipo ng lalaki na show-off.

"Why? Is it a crime? Anyway, I didn't call because of it. Did you consider my request?" Muntik na siyang malito dahil sa tulin nito magsalita. Para siyang nakikipag-usap sa isa sa mga foreign investor niya.

"May problema ba kaya ka nakikipag-kita sakin?" tanong niya dito. Parang kama-kailan lang kasi ay galit ito sa kanya. Pagkatapos ngayon ay kusa na itong lumalapit sa kanya.

"You saved my life." simpleng sabi nito na para bang nagtanong siya ng one plus one at obvious naman na two ang sagot.

"Hindi mo naman kailangang--"

"Are you going or not?" putol nito sa sinasabi niya. Napabuntong hininga lang siya dahil hindi siya makapag-isip ng maayos.

Dumaan ang ilang segundo.

Sasagot na sana siya ng bigla itong magsalita.

"Okay. I'll take that as a no. Bye." sabi lang nito at wala na siyang narinig kundi ang dial tone sa kabilang linya.

Nataranta siya kaya ibinaba niya ang telepono at ibinalik ulit sa tainga niya. Pero ibinaba niya ulit ang telepono sa mismong receiver at pinindot ang intercom.

"Diane? Please cancel my appointments this afternoon. I have a business to deal." sabi lang niya.

***

"AKALA ko hindi ka na dadating." Nakangiting sabi ni Kathryn sa kanya at ramdam niya ang saya nito. Niyakap siya nito ng mahigpit na ikinagulat niya. Pigil niya ang paghinga niya ng nanatili itong nakayakap sa kanya.

"I missed you." Tiningala siya nito at nginitian siya.

Namiss niya ang ganoong ugali ni Kathryn noong sila pa. Lagi siya nitong yayakapin kapag nagkikita sila saka nito sasabihing namiss siya nito.

"I missed you too." Pabulong na sabi niya dito habang nakatingin sa mata nito at niyakap niya ito pabalik.

Lumapad pang lalo ang ngiti nito at mas niyakap siya ng mahigpit. Nawala sa isip niya na nasa isang park sila at nakatayo sila sa tapat ng kotse niya at magkayakap. Parang bumalik lang sila sa nakaraan.

"Come. Let's buy ice cream." sabi nito at hinawakan siya sa kamay at hinila siya sa isang stand na bilihan ng ice cream.

"Dalawang chocolate flavor kuya." sabi nito habang hindi pa rin binibitawan ang kamay niya.

Napangiti siya. Hindi niya alam kung bakit.

"Thank you po." sabi ni Kath at iniabot ang bayad sa nagtitinda. Inabot naman sa kanya ni Kath ang isang ice cream at kinuha naman niya pero tinitigan niya lang ito.

Nagsimula itong kainin ang ice cream nito. Para itong bata kumain. Hindi pa rin ito nagbabago. Napatingin ito sa kanya kaya mas nakita niya ang mukha nito. May kaunti itong ice cream sa gilid ng labi nito.

Kumunot ang noo nito.

"May problema ba?" tanong nito sa kanya.

Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatingin dito. Bumuntong hininga ito.

"Sorry ha. Bigla na lang ako bumalik sa dati. Sinabi kasi ni Julia na may asawa ka na pero hindi ako naniniwala. Hindi naman totoo 'yon diba? Kasi ako lang ang mahal mo. Nabalitaan ko din na ipinahanap mo ako sa isang investigator sa New York pero hindi mo ako nahanap. Mahal mo ako diba? Mahal mo pa rin ako diba? Nagbibiro lang si Julia na asawa mo na si Hope diba?"

Parang isang bata ang kaharap niya na inagawan ng candy. Maluha-luha ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Puno ng lungkot at pag-asa.

"Totoo ang sinabi ni Julia. Asawa ko na si Hope." sabi niya dito.

Bahagyang umawang ang labi nito kasabay ng pagtulo ng luha nito. Nalaglag din ang ice cream na hawak nito.

Isinara nito ang labi at pinunasan ang luha. Ngumiti ito sa kanya pero tuluy-tuloy pa rin ang bagsak ng luha nito.

"G-ganun ba?" tumawa ito ng peke.

"S-sige. Uuwi na pala ko. M-may kailangan pa akong tapusin eh. Ingat ka ha?" sabi nito habang umiiyak. Binitawan na nito ang kamay niya at paalis na sana ng bigla niya ring binitawan ang ice cream niya at hinila ito papalapit sa kanya.

Pinahid niya ng hintuturo niya ang mga pumatak na luha nito saka mariin itong hinalikan sa labi. Halik na tanda ng paghihirap, lungkot at saya.

"Mahal kita. Mahal na mahal kita." bulong nito sa kanya ng matapos niyang halikan ang labi nito ay hinalikan niya ang tungki ng ilong nito at pinaglapat niya ang noo nilang dalawa.

"Mahal na mahal din kita. Wala na akong pakialam sa mga susunod na mangyayari. Ang mahalaga, kasama na ulit kita." bulong niya dito saka muling inangkin ang labi nito.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Hello guys! Kamusta? Sana may nagko-comment naman kahit papaano para marinig ko yung mga suggestions niyo. Medyo nakakawalang gana na din pong mag-update, ano po? Anyway,

SPECIAL MENTION TO MY NEW FOLLOWERS:

khangbernardo, KkanjiBae, itskayedistrajo0326, angelayran26, kandriadeejohn26, myrindacles, TheBitterSweetCoffee, sweetieella and kissesblgts

Hello, hello sa inyo! (~~ >__>)~~
Dedicated sa inyo ang chapter na 'to. :)

Sa mga silent readers, uso po ang mag-ingay. xD Pero maraming thank youuuu sa walang sawang suporta sakin at sa mga story ko.

Love you all sagad. :*
-mySACHIgirl

Steal the BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon