Heto na ang promised update ko. Enjoy guys~!
- - - - - -
NAKASUNOD lang si Daniel kay Kathryn at Zion. Pumasok ang dalawa sa isang restaurant kaya sumunod siya. Nakita niyang tumakbo si Zion sa isang lamesa na nasa gilid kaya agad niyang sinabayan si Kathryn sa paglalakad.
"Pwede ko bang malaman ang mga gustong pagkain ni Zion? At kung may allergies siya?" tanong niya kay Kath.
Tumingin ito saglit sa kanya bago ibinaling ulit ang tingin kay Zion na nagtatawag na ng waiter. Grabe. Tatlong taon lang ba talaga ang anak niya?
"Gusto niya yung mga pagkain na maraming cheese. Allergy siya sa kahit anong isda." sabi nito. Nang makarating sila sa kinaroroonan ni Zion ay agad siyang umupo sa tabi nito kaya pinagmasdan siya agad ng bata. Si Kathryn naman ay nakasimangot lang na umupo sa katapat na upuan nila.
" Nasaan na yung tinawag mong waiter, Zion?" tanong niya dito kaya kumunot lalo ang noo nito.
"What?" sabi nito.
"Hindi siya nakakaintindi ng tagalog." sabi ni Kath sa kanya.
"Mom, why is he sitting beside me?" nakakunot noo ulit na tanong nito.
"Don't you like it?" singit niya.
"I'm asking my mom. Not you." sagot nito sa kanya.
"Zion..that's rude." saway naman ni Kath dito.
Whoa. May attitude pala ang anak niya.
"Well, do you like me sitting beside your mom?" tanong niya kaya napalingon si Zion at Kath sa kanya.
"No! You're not my Dad! My Daddy Harry's the only one allowed to be beside my mom." paliwanag nito sa kanya habang naka cross arms.
Napainom si Daniel ng tubig.
"Bakit ba kasi si Harry ang pinakilala mong tatay niya?" tanong niya kay Kath.
"May problema ka ba do'n?" mataray na tanong ni Kath sa kanya at nag-text.
"Oo. Malaki. Anak ko 'to eh." sabi niya at ginulo pa ang buhok ni Zion.
"Hey!" sabi nito sa kanya at kinagat ang kamay niya.
"AAAHHH!" Sigaw niya dahil bumaon talaga ang lahat ng ngipin nito sa kamay niya.
Tawa naman ng tawa si Kath dahil sa nangyari.
"That's my baby." nakangiting sabi ni Kath kay Zion at hinalikan pa ang pisngi ng anak niya.
"I love you mommy." nakangiting sabi ni Zion kay Kath at nagpa-cute pa ito.
"I love you too, baby." sagot ni Kath dito. Parang walang kasama ang dalawa. Parang hindi siya nag-eexist sa paligid.
At sabay pang nag-giggle ang dalawa. This is the family he missed.
***
KUMAKAIN na sila ngayon at hindi siya tinitigilan ni Zion sa mga tanong nito. Natutuwa siyang kinakausap siya nito. Napansin niya kanina habang umoorder sila ay nakatingin lang si Kath sa menu pero si Zion ang umoorder ng pagkain nito. Sabi ni Kath ay ganoon daw talaga ito. Marunong na itong magbasa dahil nag-aaral daw ito sa ibang bansa at summer doon ngayon kaya isinama nito dito. Paunti-unti ay nakikilala niya ang anak niya. Maayos ang pagpapalaki dito ni Kath, nakikita niya ito ngayon.
May table manners si Zion at may accent sa pag-i-english. Nakita niya ring may mga galaw itong kaparehas ng kay Harry.
"Do you have a girlfriend, Mr. Villacarlos?" pormal na tanong sa kanya ni Zion. Kung kausapin siya nito habang kumakain sila ay parang isa siya sa mga kabusiness nito.
Sumulyap siya kay Kathryn na tahimik lang kumakain at nagmamasid sa kanila.
"I have a wife.." sabi niya at bahagyang tumikhim.
"..and a daughter." pagpapatuloy niya.
Sumulyap ulit siya kay Kathryn pero parang wala itong naririnig dahil tuloy lang ito sa pagkain.
"You're married. So why do I sense that you like my mom?" diretsuhang tanong nito.
Nabilaukan si Kath kaya napainom ito ng tubig.
"Zion.." warning ni Kathryn at sinamaan pa siya ng tingin.
"Wag mo na ngang sagutin ang tinatanong niyan." naiiritang sabi sa kanya ni Kath.
"Nagtatanong eh." sabi niya at nagpatuloy sa pagkain.
"You didn't answer--"
"Be quiet, baby. We are eating. You shouldn't be asking too much about him." saway ni Kathryn kay Zion kaya naputol ang dapat sinasabi sa kanya ni Zion.
"I'm just curious--"
"Zion.." naroroon na naman ang warning tone ni Kath.
"But mom--"
"Zion Ashton Mendoza!" iritang sabi nito kay Zion.
Nakita niya ang pagyuko ni Zion.
"I'm sorry, mommy." sabi nito habang nakayuko.
"Kath..wag ka namang ganyan sa bata. Normal lang na magtanong siya ng magtanong sakin kasi ngayon niya lang naman ako nakilala." sabi niya kay Kathryn kaya siya ang nabalingan ng masamang tingin nito.
"Wala kang alam tungkol sa kanya kaya wag kang makialam kung paano ko dinidisiplina ang anak ko. Wala kang karapatang diktahan ako kung anong dapat gawin ko sa kanya dahil wala kang karapatan sa kanya." mariin na sabi nito bago pabagsak na ibinaba ang hawak nitong kubyertos.
Binuksan nito ang pitaka at naglapag ng isang libo bago nito hinatak patayo si Zion.
"Let's go, Zion." sabi nito at hinila nito paalis ang anak nila.
***
HINDI na niya alam kung saan nagpunta si Kathryn at Zion. Alas dos na ng hapon kaya nagdesisyon siyang pumasok na sa opisina. Sinalubong naman siya ng sangkatutak na trabaho doon dahil hapon na siya nakapasok.
Alas diyes na siya nakauwi at pagdating niya sa bahay ay nadatnan niya si Amanda na natutulog sa kandungan ni Hope sa may living room nila.
"Bakit gising ka pa?" tanong niya kay Hope at hinalikan sa pisngi si Amanda na natutulog.
"Sabi niya, hintayin ka raw namin. Nakita niyang kasama mo si Zion at Kath kanina sa mall." bulong na sabi ni Hope sa kanya.
"H-Ha? Paano..Paanong nangyari 'yon? Nasa school kayo diba?" naguguluhang tanong niya.
"Oo. Pero isang oras lang ang klase niya, diba? Nagyaya kasi siya eh." rason naman ni Hope.
Napabuntong hininga si Daniel at ginulo ang buhok niya.
"Consider my suggestion, DJ. Mas mabuti kapag nasa Laguna kami ni Amanda. Kung gusto mong makasama ang anak mo kay Kath, ayokong makita 'yon ni Amanda. My daughter is too young to be involve." sabi ni Hope sa kanya.
Napatingin siya dito at napaisip. Hindi niya kayang wala si Amanda sa paligid niya. Pero ayaw niyang nakikita nito ang paghahangad niyang makasama si Zion kahit hindi pa naman talaga pumapayag si Kathryn na makasama ito.
Naisip niya si Kathryn. Paano nito nagawang palakihin si Zion na iba ang kinikilalang ama? Anong mangyayari sa kanya at sa mga anak niya?
"So? Anong desisyon mo?"
Napatingin siya sa kay Hope.
Ano nga bang desisyon niya?
To be continued...
- - - - - -
SPECIAL MENTION TO MY NEW FOLLOWERS:
DreamerXXX_525, __YAM__009 and KristineJoyBeira
Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa at pagsuporta!
Malapit na ang Pangako Sa'yo. Teehee! Wala pa man din, kinikilig na ko ng bongga! Ang hot ni Baby Boy ngayon. Hiyang talaga siya kay Madame Baby! xDAnyway, Please continue to vote, comment and follow~!
Sabay sabay tayong mag-countdown para sa Pangako Sa'yo.
:* :)-mySACHIgirl
BINABASA MO ANG
Steal the Bodyguard
ActionFormer Title: I'm in Love with My Bodyguard 2 (book 2 of THE BODYGUARD) After Daniel found out that Kathryn is alive, he decided to find her but failed. He thought he lost her again. He decided to move on and marry Hope, firing up his friends hatred...