MALABO ang paningin ni Kathryn ng subukan niyang magmulat. Ipinikit niyang muli saglit ang mata niya saka muli itong iminulat.Iginala niya sa paligid ang paningin niya.
Puro puti. Walang ibang kulay ang nakikita niya kundi puti.
"Kathryn.." halos pabulong na sabi ni Julia ng makita niya ang kaibigang nakamulat.
"H-hi.." halos pabulong naman na sagot ni Kathryn saka sinubukang umupo.
"Wag ka munang bumangon. Magpagaling ka pa muna. Hindi mo pa kaya." maagap na sabi nito sa kanya.
"Ilang oras akong natutulog?" tanong niya sa kaibigan at sinunod naman ang sinabi nito.
"Tatlong araw." bahagyang nakangiting sabi nito.
Napatangu-tango siya. Hindi na siya gaanong nagulat ng marealize niyang nasa ospital siya. Nararamdaman niya pa kasi ang pamamanhid ng braso at binti niya.
"Mahal na mahal talaga ako ng ospital, no?" mapaklang ngiti na sabi niya.
"Nasa kulungan na ang mga Cognescente. Hindi mo na kailangang mag-alala." sabi ni Seth, kaya napalingon siya dito. Nakaupo ito sa couch sa may bandang paanan niya.
Matagal na silang may komunikasyon ni Seth. Sa totoo lang ay kaibigan ng pamilya ng mga ito ang pamilya nila Julia.
"Ano ba ang gusto ng mga 'yon sa inyo? I mean, hindi naman kayo ang may-ari ng Lohiaman pero kayo ang pinuntirya nila." tanong ni JC na nakaupo din sa couch at katabi si Seth.
"Can't you see JC? Sila ang utak ng Lohiaman. Silang dalawa ang nagpapayaman sa kompanya nila Uncle Saffy. They have so much benefit. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi na lang nila kayo pinakidnap." paliwanag ni Seth.
"Alam nila ang background namin. We found out na pina-imbestigahan nila kami. Nalaman nilang we're elite agents." sabi ni Julia.
"Agents?" nalilitong tanong ni JC.
"Didn't you knew?" tanong ni Kath.
"Didn't I knew what?" naguguluhan pa ring tanong ng binata.
"Kaya bodyguard ni DJ dati si Kath kasi agents kami 2 years ago. We kill people if we are assigned to." Paliwanag ni Julia.
"And not just that. We have pseudonyms to keep ourselves a secret." dagdag naman ni Kath.
"Holy macaroni." pabulong na sabi ni JC habang nanlalaki ang mata.
"Yeah bro. Na-speechless din ako ng marinig ko yan." sabi ni Seth habang tinatapik-tapik sa likod si JC.
"Nasaan pala si Daniel?" tanong ni Kath sa kanila.
Ilang segundo sila nanahimik bago nagsalita si Julia.
"Kasama niya ang asawa niya Kath. He's not your business." sabi ni Julia.
"Of course he's my business. He was my business 2 years ago yet he's still my business, kahit hanggang ngayon. Wala akong pakialam sa asawa niya." sabi ni Kath.
Tahimik lang na nakamasid si Seth at JC sa dalawa.
"We're done dealing with him, Kathryn. Sana ikaw din." sabi ni Seth.
Sabay na lumabas ng pinto si Seth, JC at Julia. Iniwan siyang mag-isa.
***
"PWEDE bang tigilan mo na si Daniel? May asawa na yung tao, Kathryn! Hindi ka ba nadadala? Gusto mo bang matawag na home wrecker?!" sigaw ni Julia kay Kathryn pero parang walang naririnig ang isa. Nakataas pa ang paa nito sa lamesa suot ang itim na branded boots nito. Nakatingin lang ito sa kulay dugo na kuko at hinihipan iyon.
Dalawang linggo na ang nakakaraan ng makalabas ng ospital si Kathryn at wala itong ibang ginagawa kundi ang magpa-schedule ng meeting sa kompanya nila Daniel.
"Ang kapal ng mukha ni Daniel para tanggihan ang lahat ng ino-offer ko pero, no. I won't give up on him." sabi ni Kathryn habang nakatingin pa rin sa kuko nito at sinisipat ang pagkaka-kyutix sa kuko nito.
"Shit. Hindi ka ba makikinig sakin? Akala ko ba bumalik tayo dito para maghiganti sa kanya? Hindi tayo bumalik dito para balikan mo siya!" sigaw na naman nito. Wala itong pakialam kahit umalingawngaw na sa buong floor na iyon ang boses niya.
"Cut it out Juls. Take a chill pill, yeah?" Sobrang cool lang na sabi ni Kathryn.
"Chill pill? May gana ka pang mag-offer ng chill pill? What the hell, Kathryn! What has gotten into you?! You're out of your Godamn mind! Your insane!" Sabi nito sa kanya.
Sa pagkakataong 'yon, marahas na ibinaba ni Kathryn ang paa nito sa lamesa at tumayo sa harapan ni Julia. Hinawakan nito ang kwelyo ng blouse ni Julia, choking the hell out of her.
"Insane? Is it insanity when you love a person so much? Tell me, Julia. Na-inlove ka na ba katulad ng pagkaka-inlove ko ngayon? Because if yes, maybe I will stop drowning the demons inside me." malamig na pagkakasabi ni Kathryn kay Julia. Parang nagbubuga ng apoy ang tingin nito sa kanya.
"N-no." Halos pabulong na sabi ni Julia dahil sobra ang pagkakasakal ni Kathryn sa kanya.
Marahas din nitong tinanggal ang pagkakasakal sa kanya saka sinabing, "Then no. You can't stop me. No one can stop me. I will have him." sabi nito bago lumabas ng pinto at pabalibag na isinara ang pintuan ng opisina nito.
Wala siyang nagawa kundi ang ilang beses na magbuntong hininga. Hindi na niya kilala ang Kathryn sa harapan niya. Nabulag na ito sa sobrang pagmamahal kay Daniel. Kay Daniel na may asawa na.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Hello guys! Maikli lang 'tong part na 'to kasi filler chapter lang.
Hiatus na ang story na 'to pero sinusuportahan niyo pa rin!
Maraming salamatssss! You guys rock! \m/
I posted my new story entitled That Cliché Love Story sana basahin niyo din. Then may bago pa akong ipopost na series story, Pools of Blood: The Hiding Soul ang title. Sci-fi naman siya. Sana basahin niyo din! It will be a big accomplishment for me.
Pasensya na. Nakalimutan ko talaga na mag-update kasi sobrang na-carried away ako sa script na ginagawa ko para sa movie project namin sa school. Matapos lang yun, babawi ako sa inyong lahat. :)
Thank you. Please continue to support my stories. I lab lab lab you all! :* xoxo.
BINABASA MO ANG
Steal the Bodyguard
ActionFormer Title: I'm in Love with My Bodyguard 2 (book 2 of THE BODYGUARD) After Daniel found out that Kathryn is alive, he decided to find her but failed. He thought he lost her again. He decided to move on and marry Hope, firing up his friends hatred...