CHAPTER 7

2.6K 61 7
                                    

PADABOG na ibinato ni Kathryn ang susi ng kotse niya sa may couch  niya. Sinipa naman niya ang sapatos niya ng tanggalin niya ito.

Nag ring ang cellphone niya na nasa bulsa ng dress niya kaya kinuha niya ito.

Julia calling..

"Why?" malamig na tanong niya pagkasagot niya ng tawag.

"Nakauwi ka na ba?" tanong din nito sa kanya.

"Yeah." malamyang sagot niya.

"Bukas na lang kita tatanungin kung bakit ganyan ka. Gabi na ako makakauwi. Bye. Take care." sabi lang nito at agad pinutol ang tawag.

Napabuntong hininga na lamang siya.

Muling nag ring ang cellphone niya.

Unknown number calling..

Napakunot noo siya pero sinagot niya pa rin ang tawag.

"Who's this?" sagot niya sa tawag.

Mga ilang minuto na ang nakakaraan bago sumagot ang tao sa kabilang linya.

"K-Kath?" parang natatakot pa na tanong nito. Nabosesan niya ito.

"Lester.." malamig na sambit niya sa pangalan nito.

"O-Oo. Ako nga. G-Gusto ko lang itanong kung okay ba ang takbo ng motor mo. Wala ba masyadong problema? Kasi kung meron free naman ang pa-enhance eh." sabi sa kanya ni Lester.

"I didn't tried it yet. I'll just inform you when there's a problem. Thank you." malamig na sabi niya rito.

"G-ganun ba? Sige."

Ibinaba na niya ang tawag.

Napakamot siya sa leeg niya dahil sa inis. Nagbihis na siya ng damit niya. Nagsuot siya ng isang fit na grey levi's shirt, maong short shorts at boots. Ito ang tamang oras para masubukan niya ang motor niya. Nakapony tail din ang kanyang buhok na kinulot niya ang mga dulo.

Pababa na siya ng hagdan at nakita niyang nakaabot na ang katulong niya sa kanya ang susi ng motor niya.

Nakasabit sa braso niya ang itim niyang leather jacket habang nasa kamay niya ang cellphone niya.

Sa kabilang kamay naman niya ay ang itim niyang shades. She's really ready to roll.


NAPANGIWI si Lester ng marinig niya ang pagpatay ni Kath ng tawag mula sa kabilang linya.

"Hindi mo man lang natanong yung iniutos ko." singhal sa kanya ni Daniel.

Hindi naman kasi talaga gustong itanong ni Lester kung may problema ba sa motor niya si Kath. May tiwala siya sa mga staff niya dahil mga mapagkakatiwalaan ang mga ito at talagang magagaling. Inutusan kasi siya ni Daniel na tawagan ito at kamustahin pero sablay ang utos nito. Hindi niya nagawa sa sobrang kaba dahil nakakatakot ang boses nito.

"Bakit ba kasi ako ang pinatawag mo sa kanya kung gusto mong bilhin niya ulit ang shares sa kompanya mo? May number ka naman niya ah!" sabi niya kay Daniel.

"Galit siya sa akin dahil ininsulto ko siya. Hindi ko naman alam na mayaman pala siya." Nakayukong sabi nito saka umupo sa couch na naroroon sa shop niya.

"Ayan kasi ang problema sa'yo. Pinairal mo na nga yang pride mo, sinabayan pa ng katangahan mo. Galing mo pre." sarakastikong sabi nito sa kanya.

Gusto sanang batukan ni Daniel si Lester kung hindi lang siya tinamaan sa sinabi nito.

"Use your mind dude. Not your pride. Look at you. You're loosing in the game." sabi nito saka pailing-iling na pumasok sa opisina nito.

Nagbuntong hininga na lang siya saka nagsimulang maglakad palabas ng shop ni Lester.

Steal the BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon