CHAPTER 18 part II

1.7K 49 4
                                    


NAGISING si Kathryn na nakatitig sa puting kisame. Ang naalala niya ay nakahiga siya sa couch ng bahay niya at dinadaluhan siya ng nag-aalakang mukha ni Harry at Julia. Sobrang sakit din ng balakang at likod niya. Hindi niya nakita si Daniel bago pumikit ang kanyang mga mata.



Bigla siyang napabangon at agad din naman niyang naramdaman ang sakit ng kanyang balakang. Baka iniwan na talaga siya ni Daniel..



"Kath..you need to rest."



Napalingon siya sa malambing na boses na iyon. Si Harry.



Pinagmasdan niya ang paligid. Nasa kwarto niya siya.



"B-bakit ka nandito? Nasaan s-si Daniel?" tanong niya dito at binawi niya ang kamay niyang hawak nito.



Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at nakita niya roon si Daniel.



"DJ.." bulong na sabi niya at lumuha. Agad naman siyang nilapitan ni Daniel at umalis sa tabi niya si Harry.



Nakita niyang lumabas ng kwarto si Harry kasama si Julia habang nag-uusap.



"How are you feeling?" tanong sa kanya ni Daniel at masuyong hinaplos ang pisngi niya. Umupo ito sa gilid ng kama. Inipit naman nito sa likod ng kanyang tenga ang ilang hibla ng  takas na buhok na nasa mukha niya.



"Better." nakangiting sagot niya dito. Napapikit siya ng hinalikan nito ang noo niya.



"I..I'm sorry.." bulong nito sa kanya at hinagkan ang ilong niya.



Umiling siya.



"It's not your fault." bulong niya rin dito pabalik.



"I still can feel my baby inside me, so I think I'm okay." sabi pa niya at bahagyang hinaplos ang tiyan niyang parang walang buhay na nag-eexist doon dahil maliit.



"..I'm sorry if I have to let you go." sabi nito na ikinagulat niya.



Napakunot ang noo niya.



"..I can't do this. God knows how much I love you but things are complicated now, Kath." bulong nito sa kanya at muling hinagkan ang ilong niya.

Steal the BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon