CHAPTER 2

2.6K 60 6
                                    

MAHIMBINGna natutulog si Kathryn ng magising siya dahil sa pag-ring ng cellphone niya.

"Ugh. Give me five minutes." bulong niya sa sarili niya at saka nagtaklob ng kumot.

Tumigil ang pag-ring nito ngunit wala pa yatang isang minuto ay bigla muling tumunog.

Marahas niyang tinanggal ang pagkakataklob niya sa kumot saka bumangon at nagkamot ng ulo.

Kinuha niya ang cellphone niyang patuloy na nagriring saka sinagot ang tawag. Hindi na siya nag-abalang tingnan pa ang caller.

"What do you want?" naiinis na tanong niya sa kabilang linya.

"Alas nueve na babae. Nasaan ka na?"

Napaikot ang mata niya dahil sa nabosesan niya ang tumawag.

"Juls, do you have any idea that you ruined my beauty rest? I need more sleep." kakamut-kamot sa ulo na sabi niya.

"Aba. May ideya ka rin ba na pwede kang paalisin sa kompanya dahil ikaw na lang ang hinihintay rito?" mataray na tanong nito sa kanya.

Nanlaki ang mata niya. How could she forget that they have a meeting?

"Oh ano? Tulaley ka na? Bilisan mo na. karakarakaraka!" sabi nito bago pinutol ang tawag.

"Karakara-- what?" hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Saan nga ba niya narinig ang salitang yun?

Kay Vice! Oo tama! sinasabi iyon ni Vice Ganda! Pagkauwi kasi nila kahapon ay nanood ito ng isa sa mga movies ni Vice Ganda. Nahawa siguro ito.

Tumayo na siya at nag-inat saka pumasok ng banyo.

SAKTONG eleven ay nakarating na siya sa main office ng Lohiaman Merchandise. Isa ito sa mga branches ng Lohiaman International na nakabase sa California. Nakasuot siya ng blue dress na may puting manipis na belt at saka nag-heels na kulay cream. Nakaheadband naman siya ng silver at kulot lang ang dulo ng buhok niya.

Saglit siyang dumaan sa information desk saka sumakay sa elevator. Nasa may pinakatop floor ang mga ito.

Nag-ring muli ang cellphone niya. Si Julia na naman.

"I'm on my way there Miss Panic." kalmadong sabi niya kay Julia sa kabilang linya.

"Dapat lang. Bilisan mo. Marami pa tayong kailangan idiscuss." sabi ni Julia bago nito pinatay ang tawag.


TATLONG oras ang itinagal ng meeting nila Kathryn at Julia sa Lohiaman Merchandise. Isang buwan lang ang balak niyang pananatili sa Pilipinas. Pero mukhang mas higit pa sa isang buwan dahil marami silang kailangang ayusin sa nasabing kompanya.

"Saan ka pupunta after this?" tanong ni Julia ng makasakay na sila sa elevator.

"Gotta get my baby." sabi ni Kath saka tinanggal ang headband niya at ipinusod ang buhok paitaas.

"Haaaay oo nga pala. Ngayon dadating ang kotse mo. Ang sakit sa ulo ng presyo ng Ferrari mo. Hindi ka pa nakuntento sa Lamborghini mo. Ano pa ang susunod mong bibilhin ha?" sarkastikong sabi nito sa kanya.

"Monster Ducati. I'll get it customized and make it red. Cool isn't it?" simpleng sabi niya rito.

"Ewan ko sayo." sabi lang nito sa kanya na tinawanan lang naman niya.


PABALIK-BALIK ang lakad ni Daniel sa opisina niya habang tinititigan ang picture na isinend sa kanya ni Lester kaninang umaga. Hindi na rin niya natapos pa ang breakfast date nila ng asawa niya. Idinahilan niyang may biglaan siyang meeting na naintindihan naman nito.

Picture ni Kath.

Palagay niya, kakadating lang nito sa bansa dahil halatang sa airport kinuhanan ang litrato. Kasama nito sa litrato si Julia at mukhang may pinag-uusapan ang mga ito. Mukha na silang turista.

Nagring ang cellphone niya at nakita niya ang pangalan muli ni Lester roon.

"Hello? Ano nang balita?" tanong niya agad dito pagkasagot niya ng tawag.

"May nareceive akong message galing sa isa sa mga branch ko. May order daw si Kath sa shop ko." sagot agad ni Lester.

May business si Lester na Motor Shop. Pero lahat ng sasakyan doon, iniimport niya galing sa iba't-ibang bansa. They were exclusive and expensive.

"Anong order niya?" tanong ni Daniel at saka umupo sa upuan niya doon.

"Monster Ducati latest edition. Customized and exclusive." maangas na sabi ni Lester sa kanya.

Napamulagat siya.

"Hindi siya marunong magmotor sa pagkakaalam ko. Imposible yang sinasabi mo. At wala siyang ganoong kalaking pera para bumili ng ganyan." hindi makapaniwalang sabi ni Daniel.

"Tol, tatlong taon na ang nakakaraan. Marami na, sa palagay ko, ang natutunan niya. Tsaka itsek mo pa yung listahan ko dito. Kathryn Chandria Mendoza is one of my buyer." sabi ni Lester.

"'yan na ang ginagamit niyang pangalan?" tanong muli ni Daniel.

"Oo. May ID din siya sa akin eh. O sige na. Aasikasuhin ko pa ang order niya. I can smell money from here." sabi nito at saka ibinaba ang tawag.

Marahas siyang napabuntong hininga.

Bakit hindi niya ito nahanap dati pa? Bakit bumalik ito ngayon matapos ang talong taon na pagtigil niya sa paghahanap dito?


NAGMAMANEHO si Kathryn sa kahabaan ng NLEX gamit ang kanyang Ferrari. Naka itim siyang shades habang suot pa rin niya ang kanyang dress na kulay blue at heels.

Bahagya ring sumasayaw ang ulo niya dahil sa kantang tumutugtog sa radyo niya.

Good life by One Republic.

Luma na ang tugtuging iyon pero naghahatid pa rin iyon ng kakaibang aura sa kanya.

This is really a good life, sabi ng isip niya.

Inapakan niya ang break ng makita niya ang stop light na nakailaw ang kulay pula. Nakataas ang mga bintana niya at bukas ang aircon niya dahil mainit sa labas. Malakas ang loob niyang magpatugtog dahil siya lang naman ang nakakarinig nito.

Napatingin siya sa kotseng nasa nay kaliwa niya.

Dodge Challenger.  

She smirked inside her head pero pinanatili niya ang walang reaksyon na mukha niya. Bukas ang bintana niyon kaya kitang-kita niya kung sino ang sakay ng kotse.

Ang lalaking may pinakamalaking bahagi sa nasirang buhay niya noon.

Lumingon ito sa kanya. Hindi siya nag-aalalang baka makita siya nitong nakatingin sa kanya dahil itim na itim ang kulay ng bintana niya. Nakikita niya ang mga tao sa labas ngunit hindi nila makikita ang tao sa loob.

Para siyang nakikipagtitigan dito ngayon. Nabasa niya ang pagkamangha sa mga mata nito ng makita ang kotse niya. Her car was a Ferrari after all. Expensive.

Ngumiti pa ito.

"I will wipe that smile out of your face one of these days." bulong niya sa sarili at saka niya pinaharurot ang kotse niya ng mapansing naka go signal na.

Lihim siyang napangiti ng biglang pumasok sa isip niya ang isang napakagandang plano.

Steal the BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon