CHAPTER 18 part III

1.7K 54 4
                                    

LUTANG na naglalakad si Daniel papasok sa condo nila ni Hope.


Alas onse na ng gabi ng makauwi siya galing sa bar. Nagyaya kasi si Lester na mag-inuman sila dahil nabasted ito sa babaeng nililigawan nito. Tama lang ang panahon na 'yon para ilabas din niya ang sentimyento niya sa buhay. Pinili niya ang asawa niya at pinakawalan niya ang mahal niya kasama ang anak na hinihiling niya. Napailing siya ng maalala na naman niya ang nangyari kanina sa bar.



Isang oras na silang nakaupo sa isang couch doon. Kasama niya si Lester at Katsumi. Wala pa rin silang balita sa dalawa pa nilang kaibigan na sila JC at Seth. Maingay ang paligid dahil sa club remix ng kanta ni Justin Timberlake na Suit and Tie ang pinapatugtog doon. Nagsalin ulit siya sa kopita ng Jack Daniels at tinungga iyon. Nakakalimang bote na sila kaya medyo umiikot na rin ang paningin niya.



"Grabe, mga tol. Mukha kayong mga broken hearted, eh sa pagkakaalam ko, hetong si Lester lang naman ang nabasted. Bakit mukha ka ring iniwan ng mahal mo?" sabi ni Katsumi. Hindi ito umiinom dahil baka daw mag-away sila ni Daezen na finacée nito.



Humagalpak ng tawa si Lester at dinuro-duro pa si Daniel. Halatang lasing na ito.



"Eh sadyang iniwan na siya ng mahal niya..Katumi. Iniwan na siya at hindi na..babalikan pa. You..my man, are a free bird now! Let's cheers for the loners!" dala ng kalasingan ay sumigaw pa si Lester habang tinataas ang isang kopitang may lamang alak at tinungga ito. Pagkatapos ay tumawa.



"Huh? Naghiwalay na kayo ni Hope?! Bakit?!" gulat na gulat na tanong nito sa kanya na napasigaw pa.



"Ulol! Ang tanga mo naman Katsumi. Hindi naman si Hope ang mahal niyan eh! Si Kathryn! Iniwan na niya si Kathryn." sigaw muli ni Lester at pabagsak nitong ibinaba ang kopitang ininuman. Napapalingon tuloy sa kanila ang iba pang nasa katabi nilang lamesa.



"Kayo ba ni Kathryn? Eh diba—" naputol ang pagtataka ni  Katsumi ng biglang humagalpak ng tawa si Lester .



"Tol, sa gwapong yan ni DJ, hindi na ko magtataka kung mistres niyan si Kathryn. Mahal na mahal siya n'on. Pero nagulat ako ng malaman kong buntis si Kath tapos buntis din si Hope. Dalawa na agad ang anak niya. Ang gwapo niya tol, hindi ba?" natatawang sabi ni Lester at muling tumungga sa kopita. Halos ito na ang nakaubos ng isang bote ng Jack.



"Ano?!" gulat na gulat at napatayo pa si Katsumi.



Nilagok lang niya ang alak sa kopitang hawak niya saka tinapik ang dalawa niyang kaibigan.



"Una na ko." sabi lang niya at naglakad na palabas ng bar.

Steal the BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon