CHAPTER 3

2.3K 63 2
                                    

MALAPAD ang ngiti ni Kath ng makuha na niya ang susi ng kanyang Monster Ducati. Kulay pula ito at bahagyang may itim na linyang naka-pinta sa gitnang bahagi nito. She really loves red.

“The result of your hardwork.” Nakangiting sabi ni Lester sa kanya habang tinatapik ang upuan ng motor.

Bahagya silang nakapag-kamustahan ni Lester at pasalamat na lamang siya dahil wala itong nababanggit na kahit anong bagay tungkol kay Daniel.

"Yeah. Thanks for this Les." nakangiting sabi niya dito.

"Oh, no. Thank you. Anyway, ipapahatid ko na lang ang motor mo sa--"

"No need. My assistant will be going here to fetch this pretty thing up." sabi niya na pinutol ang pagsasalita ni Lester.

"You sure?" Kunot-noong tanong nito sa kanya.

"Positive." Nakangiting sagot niya dito.

Ngumiti din naman ito sa kanya at bahagyang tumango.

"Okay. Kung 'yan ang gusto mo. The customer is always right." biro pa nito sa kanya.

Ngumiti ulit siya rito saka sinulyapan ang silver wristwatch niya. Pasado alas dose na. Hindi pa siya nakakapag lunch.

"Uhh..Les, I have to go. I still have lot of things to do." paalam niya dito.

"Sure busy buddy. You can go. And oh, thank you so much for buying here." sabi nito sa kanya at inihatid siya hanggang sa may kotse niya.

Napamulagat ito ng buksan niya ang kotse ng kanyang Ferrari.

"It's yours?" namamanghang tanong ni Lester sa kanya.

"Yep. One of my babies that I bought a couple of years ago." sabi niya dito saka nag-shades at pumasok sa kotse niya.

Iniwan niya si Lester na bahagya pang nakanganga dahil sa pagkamangha sa kotse niya.

"SERYOSO ka ba diyan, tol?" sabi ni Daniel habang kausap si Lester sa telepono. Naibalita na kasi ni Lester kay Daniel ang brand ng kotse ni Kathryn. At katulad ng reaksyon ni Lester, ganoon din ang reaksyon ni Daniel ng marinig iyon.

[Ako ba'y parang nagloloko sa pandinig mo?]

"Paano nangyari 'yon?!" Sabi ni Daniel na para bang nakarinig ng isang hindi nakakatawang biro kay Lester.

[Hindi ko alam. Hindi ko naman siya nakasama nitong mga nakalipas na tatlong taon. Hindi naman imposible na magkaroon siya ng ganun diba? Magaling siya eh.]

Napabuntong hininga na lang si Daniel at napa-oo sa isip niya.

"Balitaan mo na lang ulit ako, tol. Salamat." sabi niya. Para siyang nawalan ng gana makipag-usap kahit kanino.

[No problemo, Amigo. Adios!]

Sabi lang nito sa kanya saka nawala na ito sa kabilang linya.

Napaupo na lang siya sa may upuan niya at saka nag-isip ng malalim.

"Paano siya nakakabili ng mga mamahaling bagay? Kung iisipin, mas malaki ang perang ginagasta niya para lang sa mga kotse niya. Una, yung lamborghini na hanggang ngayon, pinapangarap ko lang, eh meron na siya more than 3 years ago. Pangalawa, yung Ferrari niya na mas mahal pa sa presyo ng kompanya ko kapag ibinenta tapos--"

"Who're you talking to?"

Naputol ang pag-iisip niya ng dumating si Migo. Isa sa mga kabarkada niya ngayon na barkada din ni Katsumi.

"Ah. Wala. Nagsasaulo lang ako ng speech." sabi nito.

"Ahh. Teka, nasaan ang asawa mo? diba mga ganitong oras, naka-leave ka at sabay kayong kumakain ng lunch?" nagtatakang tanong nito sa kanya.

"Nasa Paris siya. Bumibili ng mga kailangang gamit sa bahay namin." nanlalatang sagot naman niya.

Tumangu-tango lang ito sa kanya saka ngumiti ng malapad.

"Anong ibig sabihin ng ngiti mong yan, Migo?" Kunot noong tanong ni Daniel kay Migo.

"Bubuksan ko na kasi ulit ang exhibit ko. I can't wait to let the crowd see my masterpieces." Nakangiting sabi pa ni Migo.

Migo is one of the best painters that he knew. Nakilala niya ito noong minsang umattend ito ng isang business party at nag-announce ng isang bidding para sa mga painting nito. Naging interesado siya dahil nalaman niyang marami pala itong charity na tinutulungan.

"I'm willing to buy one of them. You know how much I idolize your works Migs." nakangiting sabi niya rito.

"Aba dapat lang." Sabi ni Migs sa kanya at naglakad na palabas.

"Kailan ba ang opening ng bagong exhibit mo?" tanong ni Daniel.

"Next week. Sana makauwi asawa mo." Sabi ni Migs.

Napakamot sa ulo si Daniel. "Hindi siya mahilig sa ganyan eh."

"Ah ganun ba? Oh edi ikaw na lang bro! Aasahan kita ha?" Sabi nito.

Hindi pa man siya nakaka-oo ay lumabas na ito.

Inangat niya ang telepono niya sa opisina saka pinindot ito at tinawagan ang sekretarya niya.

"Find me the finest tuxedo. I'll attend an exhibit opening next week."

----------------------------------------

Here's a gift for you guys dahil sa sobrang tagal ko mag-update. Nakalimutan ko na mga dapat magaganap sa mga following chapters. Hahaha. <3 bare with me ples. ^_^V

Love, your gorgeous author, mySACHIgirl :* ;) xD

Steal the BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon