HALOS paliparin na ni Daniel ang sasakyan niya para lang makapunta sa building ng Lohiaman. Alam niyang isang linggo na ang nakalipas simula ng bumalik ito sa trabaho. Hindi talaga nito sinasagot ang mga tawag niya. Kahit si Julia ay ilag rin sa kanya.
Nag-ring ang cellphone niya at ng silipin niya ito ay nakita niya ang pangalan ng asawa niyang tumatawag. Hindi niya 'yon pinansin at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Galit siya sa tatay niya dahil sa ginawa na naman nito. Pineke nito ang kasal nila ni Hope. Kaya niya pinili si Hope ay dahil ito ang legal na asawa niya. Pero ginago na naman siya ng tatay niya. Nakialam na naman ito sa buhay niya.
Nang makarating siya sa tapat ng building ng Lohiaman ay lumabas siya agad at pabalibag na isinara ang pintuan. Dumiretso siya sa receiving area.
"Excuse me. I'm Daniel Villacarlos. Nandito ba si Miss Mendoza?" tanong niya sa isang staff doon.
Tiningnan siya nito at parang may tiningnan sa listahan saka siya sinagot.
"Do you have an appointment with Ma'am Kath, Sir?"
Napabuntong hininga siya.
"No. But I'm her..I'm her..f-friend. It's an emergency." nauutal na sabi niya.
Napatango ito at kinuha ang telepono.
"I'll just call her secretary, Sir. Please wait a minute." sabi nito.
Tumango naman siya at nakinig sa one-sided conversation.
"Good morning, Miss. There's a certain Mr. Daniel Villacarlos here at the receiving area. Nagrerequest po siya ng emergency appointment with Ma'am Kath.......Yes......it's an emergency......Opo....Ahh......oh.....okay. Thank you po." sabi nito at ibinaba agad ang telepono. Humarap ito sa kanya.
"Pwede ko na bang makita si Kath?" tanong niya dito.
"I'm sorry, Sir. Kahapon pa daw po nakaalis si Ma'am Kath kasama po si Ma'am Julia. Nagka-emergency po kasi sa main branch ng Lohiaman sa Canada.
"H-ha?" nagulat na tanong niya. Nakaalis na agad ang mga ito?
"Pasensya na po, Sir. Ginamit po nila ang private plane ni Miss Julia. Mukhang urgent po kasi may kasama po silang ibang executives kahapon. Ayon po sa secretary ni Ma'am Kath."
BINABASA MO ANG
Steal the Bodyguard
AcciónFormer Title: I'm in Love with My Bodyguard 2 (book 2 of THE BODYGUARD) After Daniel found out that Kathryn is alive, he decided to find her but failed. He thought he lost her again. He decided to move on and marry Hope, firing up his friends hatred...