CHAPTER 28

1.8K 39 2
                                    


HINDI makakalimutan ni Daniel kung paano pinatay noon ni Kathryn ang Kuya Khyron niya. Sinakal ito ni Kathryn gamit ang isang kadenang bakal. Kita niya kung paano namutla ang kuya niya at dumugo ang leeg nito. Kita niya kung paano ito nawalan ng buhay. Kaya napaka-imposible para sa kanya ang makita at paniwalaan na buhay ang Kuya niya.



"Bakit..nandito ka? Paanong..buhay ka?" tanong niya ulit.



Humalakhak ito ng malakas saka sinagot ang tanong niya.



"Hindi naman siguro bago sa'yo ang paniniwalang 'ang masamang damo, matagal mamatay.' .." Tumawa muli ito ng malakas.



Pero mas nagulat siya sa idinugtong nito.



"..tsaka binibisita ko lang ang mag-ina ko." sabi nito at ibinaling ang tingin kay Hope.



Napatingin din siya kay Hope na namumutla at nanlalaki ang mata. Nakita niya ang pagtulo ng luha sa gilid ng mata nito.



"Sinong mag-ina mo dito? May kapatid ka ba, Hope?" nakakunot noong tanong nito sa umiiyak at namumutlang si Hope.



Narinig muli niya ang halakhak ni Khyron.



"Come on, little brother. Magbubulag-bulagan ka pa ba? Ofcourse si Liza ang tinutukoy ko. I hate to break it to you but Amanda is my daughter." naka-ismid na sabi nito.



Agad lumipad ang kamao ni Daniel sa mukha ni Khyron. Dumugo ang ibabang labi ni Khyron.



"Nahihibang ka na." sabi ni Daniel saka nito hinarap si Hope na umiiyak pa rin.



"Totoo ba?"



Ngunit tiningnan lang siya ni Hope at muling tumulo ang luha.



"Tangina, wag kang umiyak! Tinatanong kita kung ako ba ang ama ni Hope o si Kuya! Wag mo kong iyakan!" nanggigigil na sigaw ni Daniel.



"Hindi ka talaga naniniwala sa akin, ano? Gusto mo bang ikwento ko sa'yo kung paano namin nabuo ang anak na akala mo sa'yo?.." nanunuya ang boses ni Khyron habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi nito.



"Tanda mo ba nang masaksak si Kathryn sa likuran? Doon nagsimula ang relasyon namin ni Hope. Naging kami habang naging kayo naman ni Kathryn. Masaya kayo ni Kathryn habang nagdudusa si Hope. Sinasaktan niyo siya. Kaya I did my best to be with her and make her happy. Ang tanga mo dahil naniwala ka agad na ikaw ang ama ng dinadala ni Hope. She's cheating on you while you thought you're married. Alam niya kasing anytime ay babalik si Kath. Dad is genius. Pineke niya para lang maging masaya ka, hayop ka." pagkukwento ni Khyron.

Steal the BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon