"TELL me what happened. I think I deserve to know the truth." nanginginig sa galit na sabi ni Julia kay Kathryn at Daniel na nakaupo ngayon sa couch na katapat ng inuupuan niya. Nakayakap ang isang braso ni Daniel sa bewang ni Kathryn habang si Kathryn naman ay nakayuko lang at nilalaro ang mga daliri."Well?" naiinip na sabi muli ni Julia at kinuha ang baso ng tubig na nilapag nito sa lamesa roon.
Bumuntong hininga si Daniel saka hinawakan nito ang kamay ni Kathryn. Malamig ito at nanginginig.
"We're together." matapang na sabi ng binata.
Julia chuckled as if Daniel blurted a funny joke.
"Last time I checked, you have a wife. And you still have a wife. So what's this? A sort of entertainment?" Julia said sarcastically.
"No." mariing sagot ni Daniel.
"Then what?! Naglalaro kayo ng bahay-bahayan dahil bored kayo at wala kayong pakialam kung may commitment ang isa o wala?!" pasigaw na sabi ni Julia.
"Hindi ka namin sinisigawan." malamig na sabi ni Kathryn kay Julia at tinitigan nito ang nanggagalaiting dalaga.
"Kath! Wake up! He's a married man! You're commiting a crime! At paano kapag nabuntis ka? Magiging bastardo ang anak mo, ganun ba?" desperadong sabi ni Julia.
"Hindi. Pakakasalan ko siya." sagot ni Daniel.
Napatawa ng pagak si Julia.
"Kasal? Naririnig mo ba ang sarili mo, Villacarlos? Kasal ka sa iba tapos pakakasal ka ulit? Ano 'to? Charity extension?!" sigaw muli ni Julia.
"Can you please calm down?" naiinis na rin na sabi ni Daniel dito.
"No! This is a matter of life and death! You are commited and she's your mistress! How can someone calm down just by thinking of your stupid entertainment here? If this matter is entertaining though." galit na galit na sabi ni Julia.
"Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat pero paano ko maipapaliwanag ng ayos sa'yo kung ganyan ang inaasta mo?! Pucha! Ikaw lang ba naiinis dito?! Ako din naman ah! Wala kang karapatang sigaw-sigawan kami!" galit na sagot ng binata.
"Kasi hindi kayo nag-iisip! Hindi niyo ginagamit ang mga utak niyo kasi puro yang nararamdaman niyo ang iniintindi niyo." sabi ni Julia.
"Bakit? Ano bang alam mo sa pagmamahal, Julia?" biglang nagsalita si Kathryn.
Natulala ito. Alam kasi ni Kathryn na wala naman talagang lalaking nagpapatibok sa puso ni Julia dahil puro trabaho ang inaatupag nito.
"Oh sige. Sabihin na nating mahal niyo ang isa't-isa. Pero pakakasalan ka ni Daniel, Kath? Sa tingin mo ba ay hihiwalayan ni Daniel ang asawa nito lalo na ngayon na magkakaanak na sila?"
Nagulat si Kathryn maging si Daniel dahil sa sinabi ng dalaga. Napatingin si Julia sa gawi ni Daniel.
"Hindi mo pa ba alam? Oh, sorry. Nakakwentuhan ko kasi ang asawa mo kahapon. Ibinalita niya ang 2 weeks na batang ipinagbubuntis niya. It's very surprising, right?" sarkastikong sabi nito.
Bigla na lang tumayo si Daniel at nagpunta sa kwarto. Nang lumabas ito ay nakabihis na at hawak ang susi. Dirediretso ito paglabas ng bahay at hindi man lang nagpaalam kay Kathryn.
"Are you telling the truth?" sabi ni Kathryn habang nakayuko. Nilalaro nito ang tali ng robe nito. Nakarobe lang kasi ito ng humarap sa kanya.
"Oo naman. Hindi ako sanay maggawa ng kwento. Wait, what's happening with you? Hindi ka naman tanga nung isang araw na iniwan kita ah."
BINABASA MO ANG
Steal the Bodyguard
ActionFormer Title: I'm in Love with My Bodyguard 2 (book 2 of THE BODYGUARD) After Daniel found out that Kathryn is alive, he decided to find her but failed. He thought he lost her again. He decided to move on and marry Hope, firing up his friends hatred...