CHAPTER 23

1.9K 55 3
                                    

"HOW was it?"

Tanong ni Hope sa kanya pagkasakay niya sa kotse nila. Nandoon ito sa loob kasama si Amanda na natutulog.

"He's with my son." sabi niya dito at pinakalma ang sarili. Nang sigawan siya ng anak niya ay nanlambot siya. Anak niya 'yon eh. At hindi niya kayang may iba itong kinikilalang ama bukod sa kanya. Pero ano nga bang karapatan niya? Tinalikuran niya si Kathryn. Tinalikuran niya ang pagiging ama sa anak nila.

Nang natitigan niya ang anak niya kanina ay napansin niyang ang mata nito at ang labi lang ang nagmana kay Kath pero the rest ay sa kanya na. He's the son he wished to have before.

"Obviously. Dahil kamukhang-kamukha mo 'yong bata. What's his name again?" cool na cool na sabi ni Hope.

"Zion. It's my baby Zion." sabi niya at muling inalala ang nakangiting mukha ng anak niya habang kausap nito si Harry at Kath. It was his supposed family. Masaya na siya sa pamilya niya ngayon, pero ganoon pala ang pakiramdam na masaya ang anak mo sa piling ng iba at may iba itong kinikilalang ama.

"So, anong plano mo?" tanong nito sa kanya.

"Gusto kong makasama ang anak ko.." straight-forward na sagot niya at hindi man lang lumingon kay Hope.

"Iiwan mo si Amanda, ganun ba?"

Napalingon siya sa tanong nito. Hindi niya kayang gawin 'yon. Bigla siyang naguluhan. It was between his son and daughter. Between Amanda and Zion.

Nakita niyang tumangu-tango ito.

"I see. You're torn." sabi nito sa kanya.

"Ayoko ng magdesisyon ulit na pagsisisihan ko." sabi niya kay Hope.

Napalingon ito sa kanya.

"Are you saying that you made a mistake by choosing us? By choosing Amanda?" nasasaktan na tanong nito.

"H-Hindi..hindi sa ganun.." sabi niya.

"No. Alam kong napilitan ka lang naman talaga na piliin ako dahil kasal tayo. At ngayong alam mong peke ang dokumento, si Amanda na lang ang dahilan kung bakit nananatili ka sa tabi namin." rason nito.

"Hope--" magpapaliwanag sana siya pero pinutol nito ang sasabihin niya.

"Hindi ako tanga at lalong hindi ako manhid. Nararamdaman kong gusto mong makasama ang anak mo, pero DJ, nandito si Amanda. Make up your mind, DJ. And while you're reasoning out, doon muna kami ni Amanda sa Laguna. Sa bahay nila Mommy. We will stay there until you've decided." pinal na sabi nito.

"What?! Anong sinasabi mo?!" halos mapasigaw si Daniel kung hindi lang nito naalalang naroroon ang anak nila at tulog.

"I'm doing this for a greater good, DJ. Nakikita ko na ang kahihinatnan nito. Ayokong madamay si Amanda sa problema mo sa anak mo kay Kath. Bibigyan kita ng chance na makasama ang anak mo kaya lalayo kami ni Amanda."

"Masyado kang padalus-dalos, Hope. Alam mong mahal ko kayo ni Amanda kaya bakit mo siya ilalayo sakin? Anak ko din si Amanda. Gusto ko lang makasama si Zion. Inilayo siya sakin ni Kath. Pagkatapos ay magugulat na lang ako isang araw na si Harry ang kinikilala ng anak ko na ama." sabi ni Daniel habang ginugulo ang buhok niya.

"Si Harry? Si Harrison?" tanong nito sa kanya.

"Oo. Si Harrison na pinsan ko, na boyfriend ngayon ni Kath." sabi niya at bumuntong hininga.

"Bakit? I mean, what happened? Bakit siya na ang ama ng anak mo?" naguguluhang tanong ni Hope sa kanya.

"I don't know. I don't fucking know." nanggigigil na sabi ni Daniel habang nakahawak sa noo.

Steal the BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon