CHAPTER 18 part I

1.7K 59 2
                                    

"JULS, sino yung nag-door—Harry.." sabi ni Kath ng makita niya kung sino ang nasa harap ng pintuan niya.



Ang akala niya ay nasa ibang bansa ito. Naging kaibigan nila si Harry noong nasa Jakarta sila para sa isang conference. Akala nila ay may plano pa ito dahil nalaman nilang ito na ang pumalit kay Black Eagle, pero sinabi niltong wala na itong koneksyon sa Pilipinas kaya hindi nito kinuha ang pwesto ni Geronimo Villacarlos.



Dalawang taon na din ang nakakalipas ng maghiwalay sila. Naging sila ni Kathryn dahil ang akala ng dalaga ay pinaglalaruan lamang siya nito kaya sinagot niya ito at nakipaglaro siya.



Pero ng malaman ng dalagang seryoso ito sa relasyon nila, nakipaghiwalay siya agad dito. Pero hindi ito tumigil at sinuyo pa rin nito si Kathryn. Hindi nila alam kung kailan nagsimula na halos araw-araw itong bumisita noong nasa Jakarta pa sila. Pagkatapos ay sinundan pa sila nito sa Canada.



"Maiwan ko muna kayo." sabi ni Julia at pumasok sa loob. Lumabas si Kathryn at nagpunta sa may garden. Nakasunod naman dito si Harry.



"Anong ginagawa mo dito?" tanong agad ni Kathryn ng makaupo sila sa harap ng mini-pond na naroroon.



"I've been searching for you." sagot nito.


"Bakit?" naguguluhang tanong niya dito.


"I still love you.." pabulong na sabi nito.



Nanlaki ang mata niya. Kaya umiling-iling siya.

"I'm sorry, Harry but you can't." sabi niya dito.

Agad bumakas ang sakit sa mata ng binata.



"You know how much I love you. Hindi ko inakala na dadating ang araw na mababaliw ako sa'yo. Kath, I'm your other half. Hinahabol mo pa rin ba ang pinsan ko? Hinahabol mo pa rin ba si Daniel? He's married. Nandito ako. I'm here to wait you at the end of the aisle. I'm here to say I do and share my vow with you. Please, Kath. I love you so much." sabi nito sa kanya habang tuluy-tuloy na umaagos ang luha.


"Harry.."


"Kahit kaibigan. Kahit bilang kaibigan mo, okay na sakin. Basta hayaan mo lang ako sa tabi mo. Just know that I'm here. Natututunan naman ang pagmamahal diba? You can learn how to love me. Just give me a chance. Please." nagmamakaawa na ito sa dalaga. Nakaluhod na ito sa tapat ni Kathryn habang hawak ang dalawang kamay ng dalaga at nakayukong umiiyak.



Sobrang mahal ni Harry si Kath. Dati ay gustung-gusto niya itong patayin. Ngayon, gustung-gusto niya itong patayin sa pagmamahal.



"I'm sorry, Harry. I'm pregnant already." bulong na sabi ni Kathryn habang tumutulo ang luha.

Steal the BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon