CHAPTER 19

1.8K 53 3
                                    


DALAWANG linggo na ang nakakalipas simula ng iwan niya si Kathryn. Halos tatlong beses sa isang araw niya tawagan ang cellphone nito kaya lang ay laging nakapatay iyon. Alam niyang napakagago ng ginagawa niya ngayon dahil matapos niyang magdesisyon na iwan ito, ngayon naman ay parang pinipilit niyang bawiin muli ito.



"Here."



Napatingin siya sa asawa niyang nakatayo sa harapan niya. Nakadress itong kulay dilaw at naka-clam ang buhok. Bigla tuloy niyang na-imagine si Kath na ganoon ang itsura.



Napailing siya sa isiping iyon at kinuha ang inaabot nito sa kanyang pang-shave at isang bote ng shaving cream.



Bigla tuloy siyang napahawak sa kumakapal na niyang bigote at balbas. Inaamin naman niyang napapabayaan na talaga niya ang sarili niya dahil sa pangungulila. Pero mali iyon dahil naririto ang asawa niya. Nakangiti at nakatingin sa kanya.



"Thank you." nakangiting sabi niya dito. Tiningnan niya ang malaking tiyan ni Hope. Kakafour months lang kahapon nito. Nawala na ang slim na pangangatawan ng dalaga. Talagang nananaba ito.



Hinawakan niya ang tiyan nito at inilapit niya doon ang tenga niya.



"Hindi pa yan nagsasalita. Wala kang maririnig kay baby." nakangiting sabi ni Hope sa kanya.



Ipinagpatuloy niya lang ang kanyang ginagawa at ipinikit pa ang kanyang mata. "I hope it's all worth it." bulong niya sa sarili niya.



"What?" sabi ni Hope.



Napaangat tuloy ang kanyang ulo at bahagyang lumayo dito.



"Nothing." nakangiting sabi niya dito at umalis papuntang banyo habang hawak ang pang-shave at ang bote ng shaving cream.




***



"WE can't do anything? Anong sinasabi niyong we can't do anything?! Hindi pa tayo pupwedeng humanap ng ibang option?!"



Nang pumasok si Daniel sa opisina ay 'yon ang naabutan niyang eksena. Ang pag-sigaw ng tatay niya sa isa sa mga staff nito. Nakilala niya ang lalaki. 'Yon ay si Arjhon, ang madalas nakikipag-communicate kay Miss Nina Ford.



Talagang hindi nila mabago ang isip ni Miss Ford. Halos dalawang linggo na nilang pinoproblema ang pag pupull-out nito ng investment. Maging ang shares nito ay dahan-dahan nitong inaalis. Nararamdaman na niya ang paglubog ng kompanya dahil noong isang lingo ay nagtanggal na sila ng limang empleyado.

Steal the BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon