CHAPTER 10

2.4K 51 0
                                    

Another chapter :)

Enjooooy~!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Back to present..

DALAWANG linggo na ang nakakalipas matapos ang huling pagkikita ni Kathryn at Daniel.

Nakauwi na rin ng bansa si Hope at pangatlong araw na nito sa Pilipinas.

Kasalukuyan itong nagkakape sa balkonahe ng condo unit nila ni Daniel. Hindi pa sila nakakabili ng sarili nilang bahay dahil natanggalan na siya ng mana ng ama niya.

Hindi naman talaga pumayag ang mga magulang niya na pakasalan niya ang binata. Ngunit nagawa niyang mapaintindi sa Mommy niya ang pagmamahal niya kay Daniel kaya pumayag ito.

Pero ang Daddy niya?

Tinalikuran siya at tinanggalan pa siya ng mana. Hindi naman magawang mapalambot ng Mommy niya ang puso nito pagdating sa kanya. Simula noon ay hindi na niya nakausap pa ang Daddy niya at lubos niyang ikinalulungkot iyon.

Sa huwes lang sila ikinasal ni Daniel dahil kulang sila sa budget para sa pagsisimula. Nagsisimula pa lang din paangatin ni Daniel ang naiwang kompanya sa kanila ng nanay nito.

Binabalak pa rin nilang magpakasal sa simbahan ngunit mas inuuna lang nila ang bahay na gustung-gusto nila.

Alas kwatro pa lang ng umaga at tulog pa ang asawa niya. Muli niyang sinimsim ang kape na nasa tasang hawak niya.

Ilang segundo pa ang lumipas at naramdaman niya ang pag-yakap mula sa likuran niya.

She smiled when she feel the warm hug and a soft kiss on her cheek.

"Good morning. Bakit ang aga mo gumising?" mahinang tanong ni Daniel sa kanya.

"Nothing." mahinang tugon din naman niya.

"Babe, may sasabihin nga pala ako sa'yo. Pero wag kang magugulat ha." seryosong sabi nito sa kanya kaya napaharap siya dito.

The beat of her heart quickened upon hearing her husband.

She smiled at him. A smile encouraging him to say what he wanted to say.

"Kasi..diba..nag-iipon tayo para dun sa bahay na gusto nating bilhin sa subdivision ng tauhan ko.." he started.

"What happened? May nakabili na ba?" she asked, horror was evident on her voice.

"Yun na nga eh. Naunahan na tayo. May nakabili na." Sabi ni Daniel sa kanya.

She gasped.

"Who bought it? I thought Gina reserved it already for us? What happen--"

"Si Kathryn kasi ang bumili eh. In cold cash." putol ni Daniel sa sinasabi niya.

She released from his hug and left her mouth open in shock.

"W-WHAT? She's back?" tanong niya sa asawa niya.

"O-oo. Mag-iisang buwan na." he answered.

Napabuntong hininga si Hope saka hinawakan ang noo niya na tila sumasakit.

"Are you okay?" tanong ni Daniel sa kanya ng may pag-aalala.

"Yeah, yeah. Yeah. I'm fine." sabi ni Hope while mustering a sly smile. But deep inside? Her heart's beating too fast.

"Let's just find another, okay?" sabi ni Daniel at hinalikan ang noo ng asawa.

"Okay." ngumiti lang si Hope at niyakap ang asawa.

Steal the BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon