MATULIN na lumipas ang ilang taon. Unti-unting natanggap ni Daniel na wala na talaga si Kathryn sa buhay niya. Sa ikalawang pagkakataon ay nagawa niyang ayusin ang buhay niya kasama si Hope at ang anak nilang si Amanda. Tungkol naman sa pekeng dokumento ay hindi na nila naungkat pa. Basta ang mahalaga para sa kanya ay nasa kanya ang isa niyang anak.Napatawad na rin niya ang kanyang ama. Ngunit patuloy pa rin itong bumabawi sa kanya. Tuluyan ng bumagsak ang kompanya nila at ang tanging naiwan sa kanila ay ang dati nilang bahay at ang isa niyang kotse. Naibenta na nila lahat ng kotse nila maging ang dating condo na tinitirhan nila ni Hope.
Sobra silang nahirapan dahil talagang hinila sila pababa ng kompanya nila Kathryn. Mabuti na lang at nakahanap siya ng trabaho sa isang kompanyang walang koneksyon sa Lohiaman. At doon siya ngayon nagtatrabaho bilang isang normal na empleyado at hindi bilang big boss doon.
"Papa!"
Ngiting-ngiti niyang sinalubong ang 3 years old na nilang anak ni Hope. Si Amanda. Kamukhang-kamukha ito ni Hope. Ngunit hindi pa rin niya mapigilang mangulila sa anak nila ni Kath. Nalaman 'yon ni Hope ngunit hindi man lang ito nagalit sa kanya.
"Mandy, stop running!" sabi ni Hope na sumusunod sa tumatakbo niyang anak.
"Hi!" sabi niya kay Amanda at binuhat ito saka hinalikan sa pisngi.
"Did you bought me a pasalubong?" tanong nito sa kanya.
Hinawakan niya ang dulo ng naka-pig tail nitong buhok at inikot-ikot niya 'yon sa isa niyang daliri. Kulot kasi ang dulo ng buhok nito. Nagmana yata sa nanay nito.
Nginitian niya ito at binuksan ang pintuan sa front seat ng kotse niya. Binilhan niya ito ng isang kulay pink na malaking teddy bear.
"Wow!" sabi nito at pilit umalis sa pagkakabuhat sa kanya para kunin ang pasalubong.
"Mama look!" sabi nito kay Hope at tumakbo papunta kay Hope na nakangiti lang sa kanila.
"Magkano na naman ang ginastos mo ngayon?" tanong nito sa kanya.
Natuto na silang magtipid simula ng naramdaman nila ang bahagyang paghirap.
"It's nothing, Hope. Para naman kay Keith eh." sabi niya dito at pinagmasdan ang anak nilang tuwang-tuwa sa pasalubong niya. He started calling Amanda by her first name. Natanggap lang niya na wala na si Kath sa buhay niya pero nandoon pa rin ang pangungulila. And her baby was his escape from his nightmare of losing Kath and their baby.
"Okay. I won't argue you with that. Come on. Let's have a dinner. Gutom na ang matakaw na batang 'yan." sabi nito sa kanya at naglakad na papunta sa anak nila at binuhat ito.
Sumunod siya sa mga ito ng nakangiti.
***
"SIR, nandiyan po si Sir Katsumi kasama ang pamilya niya."
Napalingon siya sa sinabi ng isa sa kanilang katulong. Nasa may living room sila ni Hope at nanonood ng Adventure Time kasama si Amanda.
"Papasukin niyo po, Ate." sabi ni Hope at tumayo. Nagpunta ito sa kusina marahil para kumuha ng makakain.
"Mandyyyy!" sigaw ng isang batang lalaki na tumatakbong pumasok.
"Kenneth.." saway naman dito ni Daezen na kasunod ng anak nitong tumatakbo. 5 years ng kasal si Daezen at Katsumi. Limang taon na si Kenneth na anak ng dalawa.
"Hi, Kuya Kenneth!" bati naman ni Amanda dito. Nag-hug pa ang dalawa kaya natawa siya. Close na close kasi ang dalawa at parang magkapatid kung magturingan.
"Amandaaa!" tili naman ni Daezen at pinaghahalikan ang anak niya.
"Dae, baka mapudpod ang pisngi ng anak ko!" sabi ni Hope habang papunta sa kinaroroonan nila dala ang isang tray ng cookies tsaka mga juice at inilapag iyon sa may mini table nila roon sa living room.
BINABASA MO ANG
Steal the Bodyguard
ActionFormer Title: I'm in Love with My Bodyguard 2 (book 2 of THE BODYGUARD) After Daniel found out that Kathryn is alive, he decided to find her but failed. He thought he lost her again. He decided to move on and marry Hope, firing up his friends hatred...