MALUNGKOT na umuwi si Kathryn ng gabing 'yon. Hindi niya akalain na mawawala si Zion sa kanya. Ngayon lang ito nangyari. Mali nga yata na umuwi sila ng Pilipinas.
"Love..you're here. Nasaan si Zion?" masayang salubong sa kanya ni Harry.
Nang yakapin siya nito ay humagulgol siya. Ngayon niya nailabas lahat ng pag-aalala niya para sa anak niyang nawawala.
"H-Harry..si Zion..Harry..si Zion.." umiiyak na sabi niya sa dibdib nito.
"Hey..what happened? Don't cry. Don't cry, love." alo sa kanya nito.
"Nawawala si Zion. Nag-usap lang kami sandali ni Daniel, pagkatapos ay nawala na siya sa paningin namin. Hinanap namin siya maghapon hanggang sa magsara ang zoo, pero hindi namin siya nakita." at humagulgol na siya.
"What? Tumawag na ba kayo sa pulis? Nireport niyo na ba ang incident? CCTV? How about CCTV's? Did you check it?" sunud-sunod na tanong nito sa kanya.
Nagpaalam itong aalis at aakyat sa taas para kunin ang cellphone nito. Naiwan siya sa sala na umiiyak. Hindi niya alam kung saan niya hahanapin ang anak niya.
Biglang bumukas ang pinto at napalingon siya. Agad siyang napatayo ng nakita niya ang mga lalaking nakamaskarang itim. May hawak silang baril at nakatutok ang mga 'yon sa kanya.
"HARRY!" sigaw niya ng sobrang lakas saka siya yumuko dahil nagsimula na siyang paulanan ng bala.
"Anong nangyayari?!" sigaw ni Harry mula sa taas ngunit binaril ito sa balikat ng isa sa mga lalaki.
"No! Harry!" sigaw muli ni Kathryn.
Kinuha niya ang isang vase na malapit sa pinagyukuan niya saka niya 'yon ibinato sa mga lalaki.
Nagkaroon siya ng pagkakataon na tumakbo papunta sa kusina kaya pinaputukan muli siya.
Tumakbo siya para kumuha ng kutsilyo at nag-abang siya ng mga lalaking susugod sa kanya.
Pinakiramdaman niya ng mabuti ang yabag ng paa ng mga ito. Malakas na itinarak niya sa dibdib ang kutsilyong hawak niya sa unang pumasok sa kusina. Agad niyang itinulak ang katawan nito sa kasunod pa nito at sinuntok naman niya ang isa pa. Tatlo na agad ang napatumba niya kaya kinuha niya ang isa sa mga baril ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Steal the Bodyguard
AcciónFormer Title: I'm in Love with My Bodyguard 2 (book 2 of THE BODYGUARD) After Daniel found out that Kathryn is alive, he decided to find her but failed. He thought he lost her again. He decided to move on and marry Hope, firing up his friends hatred...