KULAY abo ang tuxedong suot ni Daniel nang gabing iyon. Kulay puti naman ang longsleeves na nasa ilalim ng tux niya at itim ang leather shoes na suot niya. Suot din niya ang salamin na regalo sa kanya ng kanyang asawa.Kakatuntong pa lamang niya sa paggaganapan ng exhibit opening ni Migo ay ramdam na niya ang kakaibang ambiance ng lugar.
Nagsimula na siyang maglakad at laking pasalamat niya dahil kakaunti lang ang media na naroroon para makuhanan ang lugar.
Nang makarating siya sa mismong pinaggaganapan ng event, he saw how glamorous everyone is.
"Bakit nandito ka?"
Napalingon siya dahil nabosesan niya ang nagtanong na iyon sa kanya.
"Katsumi?" His forehead creased.
Nagulat siya ng makitang si Katsumi nga, ang kaibigan niya, ang tumawag sa kanya.
Bago pa man niya pakasalan si Hope ay isa ito sa mga kaibigan niyang hindi siya binigo. Todo ang suporta nito sa naging desisyon niyang pagpapakasal.
Sa kanilang magkakaibigan, si Katsumi at Lester lang ang hindi siya iniwan.
Si Seth at JC kasi ay tutol sa desisyon niya. Nagkasagutan kasi sila ni JC habang muntik na silang magpang-abot ni Seth.
Katulad niya kasi ay naniniwala ang mga ito noon na mahahanap pa nila si Kathryn. Natatandaan niya pa ang sinabi ng mga kaibigan niya sa kanya.
"Tol, move on ka na lang. Ituring mo na lang na nanaginip ka lang sa kanya at katulad ng ibang panaginip, nagising ka na lang bigla." sabi ni Katsumi sa kanya noon.
"Baka hindi talaga kayo ang para sa isa't-isa. Kung kayo naman kasi talaga, kayo talaga, diba?" sabi ni Lester sa kanya.
Pero si Seth at JC? Nang malaman ng mga itong ikakasal na siya?
"Ganun-ganun na lang yon tol? Matapos ang tatlong taon? Ganun-ganun na lang yon? Ang babaw mo pala." Iiling-iling na sabi pa sa kanya ni JC.
Pero hinding-hindi niya malilimutan ang malamig na sabi sa kanya ni Seth.
"Sumuko ka na?" Umismid pa ito. "Sige. Ginusto mo yan. Desisyon mo yan. Pangatawanan mo. At kapag bumalik man siya--na alam kong babalik talaga siya, magsisisi ka." saka ito umalis.
Hindi pa niya muling nakakausap ang mga kaibigan niya.
"Anak ng bocha! Inimbitahan ka ba dito ni Migo?" tanong ni Katsumi sa kanya. Nakasuot ito ng itim na tuxedo. Katulad niya ay nakasalamin din ito.
"Oo. Personal invitation pa nga." sabi niya.
"Looking good tol ha." Asar pa sa kanya nito.
"Syempre. Ganito talaga kapag mahal na mahal ka ng asawa mo." biro ni Daniel.
Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan hanggang sa may lumapit sa kanilang isang staff doon.
"Mr. Kabe and Mr. Villacarlos, good evening. Hinahanap po kayo ni Mr. Fernandez. Magsisimula na po ang viewing ng mga collection."
"Nasaan si Migo?" tanong ni Katsumi.
Ang tinutukoy kasi ng staff na Mr. Fernandez ay si Migo. Miguel Angelico Fernandez kasi ang buo nitong pangalan.
"This way Sir." sabi nito sa kanila at sinundan naman nila kung saan ito papunta.
"YOU guys made it!" bungad sa kanila ni Migo ng makarating sila sa kinaroroonan nito. Nakatayo ito sa harap ng isang malaking painting.
"Siyempre naman." sagot ni Katsumi rito.
Nagfist bump lamang sila saka sinimulan ang kwentuhan.
"Akala ko hindi ka makakarating Kats." sabi ni Migo kay Katsumi.
"Bro ako pa ba? Ako. Pa. Ba?" pabirong sabi ni Katsumi habang tinatapik ang sariling dibdib.
Natawa naman si Daniel at Migo dahil sa inasal nito.
"Kamusta na nga pala kayo ng misis mo tol?" biglang baling ni Katsumi kay Daniel.
"Masaya naman kaming dalawa. Kaya lang nasa ibang bansa siya at nabili ng iba pang mga gamit para sa bahay namin." sabi ni Daniel.
"Wow. Misis na misis talaga si Hope." na-aamaze na sagot naman ni Katsumi.
"So, are we expecting a baby coming?" biro ni Migo sa kanya.
"We'll see about that." pilyong sagot ni Daniel.
Napuno naman ng halakhakan nilang tatlo ang lugar na iyon.
TATLOMPUNG minuto na ang nakakalipas ng magsimula ang viewing sa mga painting ni Migo.
Mabagal na naglalakad ang tatlo habang kasama ang isang guide paikot sa lugar. Pinapaliwanag naman sa kanila ni Migo ang mga painting.
"Sir, magsstart na po ang bidding." narinig ni Daniel at Katsumi na sabi ng isang staff doon kay Migo.
"Okay. I'll follow later." sagot ng binata.
Pinagpatuloy nila ang masayang pag-uusap habang naglilibot at tumitingin ng mga paintings. Nasa kalagitnaan na sila ng masayang kwentuhan ng,
"Migs! I'm so sorry. I'm late!"
Napalingon agad siya ng marinig niya ang boses na iyon. Ang boses na kahit kailan ay hindi niya malilimutan.
Si Kathryn.
Nakita niya itong nagmamadaling maglakad papalapit sa kinaroroonan nila, suot ang isang itim na cocktail dress at itim din na heels.
Hindi sila marahil napansin nito dahil agad itong lumapit kay Migo.
"I'm sorry. I was caught in a traffic jam." Narinig niyang sabi nito.
Nagyakap ang dalawa.
"It's okay. Mabuti at nakarating ka." Sabi ni Migo rito.
Humiwalay ito sa yakap nila at ngumiti.
"You know I'll never fail you." sabi ni Kath.
"I know." nakangiting sagot naman ni Migo dito.
Naramdaman ni Daniel ang pagtapik ni Katsumi sa balikat niya.
"Tama si Seth, tol. Tama siya. Buhay pa nga si Kath." sabi nito.
Eto na. Eto na yung sinasabi ni Seth na pagsisisihan niya.
At nagsisisi na nga siya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
(a/n: I miss updating this! Marami nang nangungulit sakin na i-update ko na daw 'to.
Kaya sa lahat ng nagpapa-update diyan,
Ayan na! Namnamin niyo! :D
And please do post your comments and suggestions to my message board.
Magde-decicate na lang ako sa mga following chapters ng mga readers na nagustuhan ko ang comments. :)
Love you all. Sagad. :*
-mySACHIgirl
BINABASA MO ANG
Steal the Bodyguard
ActionFormer Title: I'm in Love with My Bodyguard 2 (book 2 of THE BODYGUARD) After Daniel found out that Kathryn is alive, he decided to find her but failed. He thought he lost her again. He decided to move on and marry Hope, firing up his friends hatred...