KASALUKUYANG pumipirma si Daniel ng ilang dokumento pero hindi siya makapag focus sa pagbabasa ng mga ito.
Pilit na bumabalik sa isip niya ang naganap ng nagdaang gabi sa exhibit ni Migo.
------
Nakatitig lang siya sa kinaroroonan nila Migo at Kath ng makita niyang lumalapit na ang mga ito sa kanila.
"Guys, I want you to meet this beautiful lady beside me, Kathryn Mendoza." pakilala ni Migo sa kanila habang hawak ito sa bewang.
Ilang segundo ang lumipas bago nila nagawang makapagsalita.
"H-hi?" awkward na sabi ni Katsumi na may kasamang pang slight na pagkaway.
"Hi your face Katsumi." nang-aasar na sagot ni Kathryn dito habang pilyang nakangiti.
"Naughty KC." natatawang sabi ni Migo dito pero biglang nagulat ito ng mag-sink in dito ang pagtawag ni Kath ng pangalan ni Katsumi.
Napansin naman ni Daniel ang pagtawag ni Migo dito ng KC.
"Teka, kilala mo sila?" nagtatakang tanong ni Migo kay Kathryn.
"Yeah. I just don't know them, in fact I know all about them." makahulugang sabi nito at nginitian sila.
Isang malamig na ngiti. Hindi niya alam pero parang ganoon nga ang dulot ng ngiti nito sa kanya.
"Oh. Hi DJ. Long time no see." matamis na ngiti na sabi ni Kathryn kay Daniel.
Pero hindi matamis ang dating ng ngiting yon para kay Daniel.
Isang mapanganib na ngiti iyon ni Kath.
Naputol ang pag-alala niya ng biglang pumasok ang sekretarya niyang si Diane. Bata sa kanya ito ng tatlong taon at hindi lingid sa kaalaman niyang tipo siya nito ngunit hindi niya tinatapunan ng tingin. Madalas ding pagselosan ito ni Liza.
"Sir, may papel pong dumating galing kay Chairman." malanding sabi nito sa kanya. Ang tinutukoy na Chairman nito ay ang Tatay niyang si Geronimo.
"Just put it there." walang ganang sabi niya rito at hindi man lang tinapunan ng tingin.
"Unahin niyo daw pong basahin iyan dahil tungkol daw po iyan sa pinagbebenta niyong 45% ng share sa kompanya." sabi nito at saka lumabas ng silid. Napailing na lang siya sa inasta nito.
Napatingin siya sa papel na iniwan nito sa bahaging dulo ng lamesa niya saka niya kinuha at binasa.
Nakalagay roon na may isang certain Miss Niña Ford ang nais bumili ng share sa napakalaking halaga.
Nag-announce kasi siya ng isang buying activity para sa 45% shares sa kompanya niya. Kulang pa kasi ang pondo nila para sa expansion ng kompanya nila at para na rin sa pagpapalago nito.
Hindi na agad siya nagpaliguy-ligoy pa dahil malaki ang maitutulong niyon sa paglago pa ng kanilang kompanya.
Nais nito ng isang lunch meeting pero sa opisina niya sa isang linggo.
Interesting.
Narinig niya ang biglang pag-ring ng cellphone niya kaya sinagot niya ito.
"Hello Dad?" nakangiting sagot niya rito.
"Have you read the good news?" tanong ng Daddy niya sa kabilang linya.
"Yes Dad. Hindi ko na papalampasin ang buyer natin na ito." sabi niya.
"You should be. After our long wait. Finally." sabi ng Daddy niya na nagbuntong hininga pa.
"Yeah finally." sabi niya habang nakangiti at sumandal sa swivel chair niya.
One week after..
KAKAUPO lang ni Daniel sa swivel chair niya at nakatanaw siya sa paligid sa malaking window glass na nakaposisyon sa likod ng kanyang office table.
Sinundan niya ng tingin ang eroplanong lumilipad sa himpapawid.
Namimiss na niya ang asawa niya. Dalawang linggo na itong nasa ibang bansa at marahil ay matagalan pa iyon doon dahil sa pagbili ng mga gamit at quality time na rin kasama ng mommy nito na mommy na din niya.
Dumaan siya sa sementeryo kaninang umaga upang bisitahin ang puntod ng Mama Karla niya. Hindi siya masyadong magtagal pa doon dahil may mahalaga siyang tao na kakausapin na dadating at bibili ng 45% shares sa kompanya niya ngayon.
Napatingin siya sa kanyang wrist watch at nakitang pasado alas dose na pala.
Nakarinig siya ng bahagyang katok sa pintuan niya kaya agad siyang pumihit paharap sa kanyang lamesa.
Sumungaw ang ulo ng sekretarya niya at saka sinabing, "Nandito na po si Miss Ford, Sir."
Agad siyang tumayo at pumunta sa lugar kung saan sila maglalunch ng kanyang bisita.
"Please tell her to get in." sabi lang niya sa sekretarya niya na tinanguan naman nito bilang sagot.
Inayos niya ang kanyang suit upang mas maging presentable siya.
Narinig na niya ang pagbukas ng kanyang pinto kaya agad siyang tumunghay habang nakangiti.
"Good morning Ma'am. I'm Daniel Villacarlos. Pleased to meet you." bungad niya ng pumasok na ang isang bisita at inilahad ang kamay niya para sa isang shake hands.
"Hi. I'm Niña Ford." nakangiting sabi nito sa kanya at inabot naman nito ang kamay niya.
Nagsimula na silang kumain habang pinag-uusapan ang pagbili ni Miss Ford sa 45% shares.
Nalaman niyang matanda sa kanya ng isang taon si Miss Ford at next year ay magpapakasal na ito sa boyfriend nitong nasa Switzerland. He's happy to have her in his company dahil mabait ito at talagang marunong sa negosyo.
Nang matapos ang kanilang lunch meeting ay umalis agad ito dahil may mahalaga pa daw itong pupuntahan.
Muling kumatok ang sekretarya niya.
"Sir, another buyer is here." sabi nito ng makapasok ito.
"Ha? Sino?" nalilitong tanong niya.
"A certain, Miss Jaime. Eh sir, ayoko nga po sanang papasukin kasi hindi naman po nagpa schedule--" sagot nito habang tinitingnan ang hawak na papel.
"Let her in." sabi niya at naupo ng maayos kahit nalilito pa rin.
Tumango lang ito at lumabas na.
Ilang segundo ang nakalipas at narinig niya ang pagbukas ng pinto.
"Good afternoon Ma--" naputol ang dapat sasabihin niya ng makita kung sino ang pumasok.
"K-kath?" gulat na sabi niya.
"The one and only." she said while a dangerous smile playing on her lips.
Boom panis, was all his mind could say.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
(a/n: Niña Ford is the winner for the I'm inlove with my body guard 2 book cover making contest at twitter and this is her prize as I promised.
Welcome to the cast~! :)
For any comments, suggestions and reactions please do post it on my message board.
-mySACHIgirl
BINABASA MO ANG
Steal the Bodyguard
ActionFormer Title: I'm in Love with My Bodyguard 2 (book 2 of THE BODYGUARD) After Daniel found out that Kathryn is alive, he decided to find her but failed. He thought he lost her again. He decided to move on and marry Hope, firing up his friends hatred...