CHAPTER 03

2.1K 50 5
                                    

CHAPTER 03


Napatingin ako sa kan'yang mukha. I swear, he's one of the good looking guy I met, he looks like a bad boy because of his looks.

Pigil ang hininga ko nang makita ang seryosong ekspresyon sa kan'yang mukha, may inaayos ito sa kan'yang motorsiklo. Malaki ang kan'yang pangangatawan, alaga siguro sa exercise.

Sobrang taas n'ya, mas mataas pa kay Fern. At saka mukhang may lahi s'ya, I think he's an Italian.

“Yannie?” takang tawag sa akin ni Fern kaya napatingin na ako sa kan'ya.

“Hmm?”

“ Sino ang tinititigan mo?” tanong n'ya at tinignan na rin ang tinititigan ko.

Napahinto kasi ako at dahil hawak n'ya ang kamay ko ay pati s'ya napahinto na rin.

“Oh, si Sir Khalvin iyan,” bigla n'yang sabi na ikinatingin ko ulit sa lalaking iyon, kaya pala pamilyar s'ya sa akin.

“Khalvin Caddel ba?” kumpirma ko.

“Oo, kilala mo rin pala s'ya.” Mukhang hindi naman s'ya nabigla nang sabihin iyon.

Paanong hindi ko makilala ang kan'yang pangalan kung isa s'ya sa sikat na binata rito sa San Jose, lalo na sa eskwelahan namin. He's from a wealthy family, if I'm not mistaken. I almost forgot na kapag may mahabang buhok at blonde ito ay isa s'yang Caddel.

Ayaw ko sa lalaking ito. Isa s'ya sa mahilig mag-bully noon, ewan ko na lang ngayon.  Biktima rin kasi ako noon sa kan'yang kalokohan. Madalas n'yang inaasar ang kulot kong buhok.

Napaatras ako ng isang hakbang nang biglang napatingin ito sa amin. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko ngayon. Gulat at nakatulala s'ya banda sa amin. Napatigil tuloy s'ya sa kan'yang ginagawa.

“Tara na.” Ako na mismo ang humila kay Fern at napasunod naman s'ya sa akin.

Hindi na ako nag-abala pang tignan ang lalaking sinasabing Amo ni Fern. Mukha pa namang masama ang ugali base sa kan'yang appearance. Ewan, magulo s'yang basahin.

Napailing ako at isinawalang bahala ang lalaking iyon. Hindi ko lang talaga siguro makalimutan ang ginawa n'yang pambu-bully noon sa akin kaya siguro hanggang ngayon naiinis ako sa kan'ya.

Safe naman akong naiuwi ni Fern. Hindi ko nga lang s'ya muna hinayaan na magpakita sa magulang ko dahil sa sitwasyon namin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ni Ama kapag nalaman n'yang may manliligaw ako.

May tamang oras din para ipakilala si Fern sa kanila. Wala pa akong mapapatunayan ngayon kaya wala pa akong lakas na loob na ipaglaban s'ya kung sakali.

“Magkasama ba kayo kanina ni Nakko?” tanong bigla ni Ama nang makitang papasok na ako sa aking kwarto.

Napatigil ako sa pagbukas ng pinto at binalingan s'ya. Kung titignan ang mukha ngayon ni Ama ay parang panatag naman s'ya na magsasabi ako ng totoo. Kilala n'ya akong hindi nagsisinungaling.

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon kaya kong ibunyag lahat ang mga bagay na magdudulot ng gulo sa pagitan namin. Dahil sa pangamba ay nagawa kong magsinungaling.

“Si Nakko nga, Ama,” mahina kong sagot, sapat na para marinig n'ya.

Napatango-tango s'ya. “Mabuti naman kung gano'n. Alam kong iuuwi ka n'yang ligtas,” siguradong-sigurado n'yang sabi.

Medyo nakonsensya naman ako sa pinaggagawa ko— namin ni Zannie. Hindi namin sinasabi sa kanila na may nagugustuhan kami dahil hindi kami sigurado kung papayag ba sila kung sakaling magkanobyo kami ng purong filipino.

His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon