CHAPTER 16

1.3K 33 0
                                    

CHAPTER 16


"Magiging okay ka lang ba?" tanong ko kay Khal at binalingan ito.

Magkahawak kamay kaming naglalakad papunta sa bahay ko. Ngunit sinabihan ko s'ya na hanggang kanto lang ako ihatid dahil hindi ko pa nasabi kay Ama ang aming relasyon.

Naiintindihan naman ni Khalvin na hindi ko pa kayang sabihin, naipaliwanag ko na kasi. Basta s'ya raw ay sasabihin n'ya kaagad sa kan'yang Mama tungkol sa amin.

"Magiging okay lang ako," paninigurado ni Khalvin at ngitian ako, umiwas ulit s'ya ng tingin na ikinataas ng kilay ko.

Kanina ko pa napapansin na kapag nakatingin ako sa kan'ya ay iiwas s'ya ng tingin sa akin at ngingiti sa tabi. Para s'yang teenager na kinikilig sa crush n'ya. I find him cute though.

Tumila na ang ulan kanina pa kaya naglakad ulit kami para makarating sa bahay ko. I appreciate his effort na ihatid ako kahit may inaasikaso s'ya. Mapilit kasi s'ya sa tuwing tinataboy ko ito.

Nakasuot pa rin s'ya ng sando kahit basa na damit n'ya. Habang ako'y hindi ko inalis ang panlabas kong suot dahil ayaw n'ya. Instead pinahiram n'ya sa akin ang extra jacket n'ya. Mayro'n naman pala s'yang dala, nakalimutan n'ya raw kasi na may dala s'ya.

"Malayo ang bahay mo. Delikado na rin kapag umuwi ka sa ganitong oras," sabi ko sa kan'ya.

"May apartment ako kaya ro'n na lang siguro muna ako." Tumigil s'ya bigla sa paglalakad at bigla akong niyakap nang mahigpit. "I love you, babe."

Dinampian n'ya ako ng halik sa labi at sa noo bago humiwalay. Napangiti lamang ako sa kan'ya.

"Ando'n na bahay mo, oh. Bantayan kita rito at aalis ako kapag nakapasok ka na," dugtong pa n'ya.

"T-Talaga?"

"Oo nga. Takot lang ako na baka biglang may humila sa 'yo at ano pa ang gawin sa 'yo," praning n'ya ulit na sabi na ikinatawa ko nang mahina.

"Ikaw lang naman ang nanghihila at gumagawa ng ano sa akin," nanunuya kong sambit.

Kinurot n'ya ang ilong ko at ngisian ako. "At least boyfriend mo naman. Sige na pumasok ka na sa inyo."

Kinuha ko sa kan'ya ang bag ko at nagsimula nang maglakad. Apat na hakbang pa lang ang ginawa ko nang kaagad akong lumingon sa kan'ya.

Para namang pinipiga ang dibdib ko nang makitang basang-basa s'ya habang nakasandig sa gilid ng poste. Medyo guilty lang ako dahil basang-basa s'ya ng ulan at tinuloy pa ring ihatid ako.

Mabilis akong lumapit sa kan'ya. Nagtataka naman ang mukha n'ya.

"Nakalimutan ka b-"

'Di ko s'ya pinatapos at tumalon ako sa kan'yang harapan para yakapin s'ya nang mahigpit. Agad n'yang nasalo ako at natatawang niyakap ako pabalik. Umikot-ikot pa s'ya habang buhat ako.

"Mahal kong Yannie. Yannie na supladang instik." Natatawang hinalikan n'ya leeg ko. "Pa-kiss nga."

Lumayo ako ng kaunti sa kan'ya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi n'ya at hinalikan ito sa labi. He deepen the kissed and licked my lips bago s'ya humiwalay. Dinilaan pa n'ya ang kan'yang labi at binaba ako.

"I love you rin, alis na ako," mabilis kong sabi at dinampian s'ya ng halik sa pisngi at lumayo rito para umuwi na.

"Mas mahal kita," malakas n'yang sabi na ikinatingon ko rito.

Hawak n'ya labi n'ya habang nakangisi. Mukha s'yang nanalo sa lotto. Tinarayan ko lamang ito na ikinailing n'ya.

Kumaway lamang ako rito at patakbong pumasok sa bahay. Sinara ko ang gate at sumilip sa siwang kung aalis na ba s'ya.

Nakatayo pa rin s'ya ro'n na mukhang hindi pa maka-move on. Hinimas n'ya ang kan'yang labi at nagsimula nang maglakad paalis.

Hindi mawala-wala ang ngiti ko sa labi kaya napagkamalan na akong nababaliw ng kapatid ko. Kung makikita lamang ni Inay na ganito ang itsura ko ay talagang aasarin n'ya ako.

"Mayro'n na ba, ate?" nakangiting tanong ni Zannie at nilapitan ang mukha ko.

Nagkibat-balikat ako kaya tudo tanong s'ya kung sino ang nobyo ko. Alam n'yang may nobyo kaagad ako basi sa mukha ko lang. Plano ko namang sabihin sa kan'ya ito. Kay Ama lang talaga ako kinakabahan kung papayagan n'ya ba akong makipagrelasyon kay Khalvin.

"Ang hirap pala kapag 'yong pamilya natin ay tutol sa magiging desisyon natin pagdating sa nobyo o pagpapakasal," bigla na lamang na sabi ni Zannie, nasa ibang direksiyon nakatingin.

Umusog ako papalapit sa kan'ya at humiga sa kan'yang tabi. Kapwa nakatingin sa itaas at iniisip kung papaano ba namin matatakasan ito.

"Mga bata pa tayo pero problemado na," natatawa pa n'yang sabi, binalingan ako. "Ikaw, ate? Kaya mo bang suwayin si Ama para masunod ang gusto mo?"

"Zannie." Kinakabahan ako sa kan'yang pananalita. Para kasing nag-uumpisa na s'yang gumawa ng plano.

"S'ya mismo ang nagsabing s'ya ang bahala sa akin. Matagal ko na itong pinag-isipan, ate. Naghihintay lang ako na malaman mismo ni Ama."

Nakilala ko ang nobyo ni Zannie. Ngayong taon mismo ay gr-graduate na ito sa pagiging police. Tutol ako no'ng una dahil malayo ang agwat nila para sa isang relasyon.

Pareho naman silang nasa legal age na pero bilang ate n'ya ay nag-aalala ako na baka madaling makahanap ang lalaki ng bago dahil sa edad nito.

Ngunit napagtanto ko naman na masyado akong negatibo mag-isip. Malaki na si Zannie at alam kong hindi s'ya pipili ng isang lalaking alam n'yang hindi makabubuti sa kan'ya. Tulad ng pagtiwala n'ya sa akin ay magtitiwala rin dapat ako sa kan'ya.

"Nag-aaral pa lang tayo, Zannie. Paano kung sa susunod na araw ay matuklasan ito ni Ama? Ayos lang sa iyo na baka itakwil ka ni Ama?" sunod-sunod kong sabi. Gusto ko malaman kung handa ba talaga si Zannie rito kahit tiwala naman ako sa kan'ya. Mas magandang malaman na sigurado na s'ya.

"Tuloy pa rin ang pag-aaral ko kaya wala dapat akong ikatakot," nakangiti pa n'yang sabi. "Ikaw, ate? Wala ba sa isip mo na sumama sa boyfriend mo? Handa ka rin bang itakwil ni Ama?"

Hindi ako nakapagsalita. Lumaki ako na malapit kay Ama. Lahat ng utos at habilin n'ya ay sinusunod ko. S'ya ang nagpapaaral sa akin kaya malaki ang utang na loob ko sa kan'ya. Kaya ko 'bang ipaglaban ang gusto ko?

Ang hirap pumili kung ang pamilya ba o pag-ibig. Dati kung ako ang tatanungin, pamilya ang pipiliin ko. Ngunit ngayon na may boyfriend na ako, bigla akong nablangko. Hindi ko kayang pumili pero kailangan. Ganito pala ang nararamdaman ng iba kung pinapapipili sila.


His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon