CHAPTER 09
“J-Jarian,” kinakabahan kong usal pero mukhang walang paki si Jarian na baka suntukin s'ya ni Khalvin dahil mukhang inaasar pa n'ya ito.
“Bakit mo ako hinintay? O baka naman si Yannie ang hinihintay mo.”
Napabaling tuloy ang tingin ni Khalvin sa akin. Pabalang n'yang binitiwan ang kwelyo ni Jarian at isang hakbang na ginawa para lapitan ako. Nanlalamig ang kamay kong tumingala rito. Malaki s'yang tao kaya nakatatakot din minsan na tumabi sa kanya.
“Yanni—”
“Anong problema mo, Khalvin? P'wede n'yo naman pag-usapan kung may problema kayo. Hindi 'yong nanghahamon ka ng away,” sermon ko rito, nag-uumapaw ang galit.
Mabibigat ang kan'yang paghinga at nakalisik pa rin ang mga mata n'ya.
“Don't you know that this guy a playboy? Bakit ka pumunta sa kan'yang bahay, huh? Do you like him?” sunod-sunod n'yang tanong na halos kapusin na s'ya.
“Anong pinagsasabi mo d'yan, Khalvin? What's with you?!” Tinulak ko ang kan'yang dibdib ngunit ni hindi man lang s'ya napaatras at mahina lamang na umurong dibdib n'ya.
“Yannie, I— f*ck this.” Ginulo pa n'ya lalo ang kan'yang buhok, hindi alam ang gagawin. Malumanay na hinawakan ang aking kamay at dinala ito sa kan'yang bibig. “You don't like him, do you? Please, ako lang, Yannie.”
Nahugot ko ang aking hininga sa kan'yang ginawa at mas lalo sa kan'yang sinabi. He's acting weird at hindi naman sa nag-a-assume ako pero... Does he really likes me kaya halos awayin na n'ya si Jarian?
“Bitiwan mo muna ako, Khal.”
Hindi n'ya ako hinayaan na makawala sa kan'yang hawak at pinatak-patakan ang likod ng palad ko ng maiinit n'yang halik habang nakatingin sa akin. Napunta ang kuryente sa aking leeg dahil sa kan'yang ginagawa.
“No, you'll come with me. I'll take you home now.”
Mariin akong umiling dito at tinignan si Jarian na wala na pala sa tabi namin. That man! Iniwan n'ya talaga ako sa lalaking ito.
“Ayaw ko nga'ng sumama sa 'yo! Uuwi ako sa amin!” sigaw ko nang simulan na n'ya akong hilahin.
Marahas s'yang napabaling sa akin. “Sabing ako ang maghahatid sa 'yo. Nawawalan na ako ng pasensya, Yannie,” mariin n'yang anas.
Nagmatigas ako. Mabilis kong inalis ang kan'yang kamay sa akin ngunit gano'n na lang ang aking gulat nang buhatin n'ya ako na parang sakong bigas sa kan'yang likuran. Nalula ang mga mata ko at napakapit sa kan'yang sando lumalapit sa katawan n'ya.
“You're forcing me, Khal! Ayaw ko nga sa— O-Oh my gosh! Stop!” Hiyaw ko sa huli nang kiniliti n'ya ako sa beywang at muntik na akong magwala dahil do'n.
“Sige tumili ka r'yan. Titili ka talaga sa akin mamaya,” nangangasar n'yang sabi.
Halos lakad-takbo ang kan'yang ginawa para lang makarating sa kan'yang kotse. Mabilis n'ya akong napasok nang saktong pagkabukas n'ya ng pinto.
Napahawak ko sa ulo ko, nakaramdam akong hilo. Gag* talaga ng lalaking ito. Ano ba ang kailangan n'ya sa akin at talagang pinuntahan pa ako rito sa bahay ni Jarian? At saka paano n'yang nalaman na nandito ako? Kinakabahan na tuloy ako sa tunay na pakay n'ya.
“Okay ka lang?” hinihingal na tanong ni Khalvin nang nasa driver seat na s'ya, talagang ni-lock pa n'ya ang pinto para hindi ako makalabas. Magaling.
BINABASA MO ANG
His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)
Romance(COMPLETED) (CADDEL BROTHERS SERIES #2) (R-18) KHALVIN GAEL CADDEL Everyone is aware of his rude side, yet he is a good man overall. He could care less. But why did he become into such a decent person and a compassionate person after meeting this wo...