PROLOGUE

3.9K 77 0
                                    

PROLOGUE


Hindi ka pa ba tapos sa pagtatago mo? How many years do you planned to hide from me, huh? Ilang taon pa kita maaaring makita?” matigas n'yang sambit at sa oras na iyon ay alam kong sobra na ang galit n'ya.

Somehow I felt scared by just looking at his dangerous eyes. Napaatras ang ulo ko ngunit naundog lang din sa pader kaya napangiwi ako.

Mas lalo lamang naging abnormal ang paghinga ko nang haplusin n'ya ang nauntog kong ulo. He was slightly massaging it. Napaiwas tuloy ang mga mata ko sa kan'yang adam's apple na kanina na tumataas-baba.

Nasinghap ko ang kan'yang mabangong amoy. Gosh, I miss his scent and everything about him. Gustong-gusto ko s'yang yakapin ngunit isang bagay lang ang pumipigil sa akin. Iyon ay baka may nobya na s'ya at hindi ako maghahabol sa kan'ya.

“G-Get off from me,” utal kong sabi at pinilit na humiwalay ngunit hindi n'ya ako hinayaan.

“F*ck, I miss your voice.”

Napaharap ako ng tingin nang mas lalo n'yang inipit ang kan'yang malaking katawan sa akin. Oh, boy, mas lalong lumaki ang kan'yang katawan kumpara noon. He was also tall na hanggang dibdib n'ya lang ako. I felt so small.

Nahigit ko ang aking hininga nang inamoy n'ya ang tuktok ng buhok ko. D*mn, I can feel my body reacting to his touch. Tila 'yong katawan ko ay nasasabik na sa kan'ya.

“S-Stop.”

Mas lalo kasing sinisinghot n'ya ang umoy sa aking buhok. Mukhang kumalma naman s'ya dahil medyo lumuwag sa pagkakahigpit ng hawak n'ya sa akin. Ramdam ko ang kamay n'ya sa beywang ko na kagustuhan na haplusin ngunit may pumipigil lang sa kan'ya.

“I f*cking miss you, babe. D*mn, totoo ka nga. Hindi ako p'wedeng magkamali. Your smell is very familiar to me. It's my Yannie's scent,” paos n'yang sabi habang inaamoy ang buhok.

Hinahaplos-haplos n'ya ang buhok ko na palagi n'yang ginagawa noon. Gusto kong maiyak dahil miss ko na rin ang physical language n'ya para iparamdam sa akin na mahal n'ya ako. Why he's doing this to me?

Ang kamay ko na kaninang hawak n'ya ay nakadantay na sa malapad n'yang dibdib. Para akong nablangko at nahipnotismo sa kan'yang haplos sa sandali.

“Saan ka galing? Saan ka ulit pupunta?” tanong n'ya, mukhang naging delikado ulit s'ya.

Imbes na sagutin s'ya ay nagpumilit na akong kumawala sa kan'ya. Ngunit napatili ako nang mabilis n'yang hinawakan ang aking baba at inangat para tumingin sa kan'ya.

Nanlaki ang mga mata ko sa mga mata n'yang seryosong nakatingin ngayon sa akin. Wala na ang mapaglarong Khalvin na nakilala ko. Para s'yang ibang tao ngayon. Ganito ang titig n'ya sa iba at ngayon ay nakikita ko nga.

“Bakit ka bumalik? Nasa'n ang asawa mo?” Napangisi s'ya na mukhang may napagtanto. “Nandito ka ba para balikan ako?”

Hindi ako nakapagsalita. Hindi iyon ang pinunta ko ngunit may parte sa akin na gusto kong makita s'ya pagdating dito. At saan naman n'ya napulot na may asawa ako? Akala ba n'ya tumuloy ako sa kasal?




His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon