CHAPTER 18

1.3K 34 0
                                    

CHAPTER 18


Kunwari nagising ako nang makarating na sa destinasyon namin. Nakalimutan ko saglit na kasama ko s'ya nang makita ang lugar na pinuntahan namin. Lumabas ako ng sasakyan.

“Babe,” tawag ni Khal mula sa loob ng kotse.

“Ang mahal dito, Khal,” sabi ko habang nakanganga ang bibig sa sobrang gulat at saya.

Dati patingin-tingin lang ako sa labas dahil bawal pumasok kapag hindi naman guest, ngayon nasa loob ako ng isa sa tourist spot sa San Jose. Nasa resort kami, na p'wedeng mag-stay sa hotel at sa beach house. May swimming pool din dito.

“Edi malaki ang ginastos mo rito? Entrance pa lang mahal na, eh,” sabi ko pa, nakangusong binalingan ko s'ya.

Tumawa s'ya sa mahinang boses at sinuklay ang nakabuhaghag n'yang buhok, sandali akong napatulala sa kulay ng buhok n'ya.

“Sa tingin mo gagastos ako ng malaki sa date natin? Pinakiusapan ko pinsan ko na ilibri tayo rito.” Pinahid n'ya ang ilong n'ya gamit ang likod ng kan'yang kamay. “Nag-iipon din ako 'no.”

Hinampas ko s'ya nang malakas ngunit mas lalo lamang s'yang nangangasar na tumawa. Kuripot pala ang italianong ito! Napahiya ako ro'n, ah.

“Gag* ka talaga. Sabi mo kanina ikaw gumastos lahat? Free lang pala ito, ah.” Mahina kong hinila ang kan'yang buhok na ikinaaray n'ya.

“Hey, nanakit ka na, ah. Mapanakit na instik.” Hinuli n'ya kamay ko at pinulupot sa kan'yang beywang, yakap-yakap ko tuloy s'ya, nag-vibrate ang tawa n'ya. “Totoong ako ang gumastos dito, I was just kidding. Mahal ka ni Khalvin kaya dapat lamang na mamahaling lugar ang ibigay ko sa 'yo, hmm?”

Sinubsob ko ang mukha ko sa kan'yang dibdib at niyakap s'ya sa kahihiyan. Marami kasing nakatingin sa amin at malakas pa ang boses namin. At saka kung ano-ano na ang sinasabi ni Khalvin na nagbibigay buhay sa natutulog kong puso.

“Khalvin naman, eh.”

“Oo na, oo na. Mamaya mo na ako i-kiss kapag wala nang tao. Mahal din kita. ”

“Wala pa nga akong sinasabi, ah.”

Napangiwi ako sa kan'yang pinagsasabi. Sinilip ko ang kan'yang mukha, nakatingala sa kan'ya. Napako ako ang mga mata ko sa malumanay at malambing n'yang mga mata habang inaayos n'ya ang buhok ko. Sumasayaw ang mga buhok namin sa paghawi ng hangin.

Kapag tinititigan ko ang kan'yang mga mata ngayon ay parang dinadala ako sa mapayapang lugar. Nakakagaan ng loob habang nakatitig sa kan'yang mga mata.

Napakurap s'ya na parang natauhan sa aming posisyon. Ngumiti ulit s'ya na parang inosente at sinuklay ang buhok ko gamit ang kan'yang daliri.

“May tent ako malapit sa beach, lakad muna tayo?” yaya n'ya na ikinangiti ko lamang.

Magkahawak kamay kaming dalawa habang naglalakad sa tabi ng dagat. Madilim na at sa tingin ko'y ala-sais na rin. Medyo malayo ito sa tinitirhan namin kaya kanina kaagad nagpaalam ako sa magulang ko na baka bukas na ako makauwi o madaling araw.

“Magkano pala ang ginastos mo rito?” tanong ko, nakaabang ako sa kan'yang sagot habang nakatitig sa kan'ya.

Napalingon s'ya sa akin, saglit natigilan. “Ano...” Napakamot s'ya sa batok.

“Magkano?” ulit ko na ikinaiwas n'ya ng tingin sa akin.

“Hindi naman gano'n kamahal, babe. H'wag mo na tanungin, okay?”

His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon