CHAPTER 36
Napamulat lamang ako nang itaas n'ya ang binti ko at nilagay sa kan'yang beywang. Napasinghap ako nang maramdaman ang naninigas n'yang bahagi sa ilalim ng katawan n'ya.
“O-Oh, sh*t,” kusang lumabas iyon sa aking bibig nang bitiwan n'ya ang aking labi at sa pisngi ko naman ang pinagtuunan ng atensyon.
Sunod-sunod ang mahihina kong pagbuga nang hininga nang mas naramdaman ko ang kahabaan n'ya. He knows my weaknesses. Ramdam kong ngumiti s'ya sa aking pisngi. Talagang sinadya n'ya na pabaliwin ako.
Napakapit ako sa kan'yang balikat nang sipsipin n'ya ang pisngi ko at hinalik-halikan. Napatagilid ang ulo ko kaya ang leeg ko naman ang pinunterya n'ya. Gosh, mas lalong naging sabik ang bawat paghalik at dila sa aking leeg.
“S-Stop,” nanghihina kong sabi at tinulak ang kan'yang balikat.
Medyo nagulat lang ako nang agad s'yang tumigil. Naninigas ang kan'yang panga na dinungaw ang aking mukha. Nanghihina ang ekpresyon n'ya na parang may masakit s'yang nararamdaman.
He licked his lower lip, saglit s'yang napatingin sa namamaga kong labi. “Pinabalik ko lang sa 'yo ang alaala natin noon. Baka nakakalimutan mo, walang hiwalayan na naganap noon.”
Magtatanong na sana ako nang hawakan n'ya ang pang upo ko para mabuhat ako nang maayos. Hindi n'ya inaalis ang delikado n'yang mga titig sa akin hanggang sa nilapag n'ya ako sa mahabang sofa.
Nakaangat pa rin ang isang binti ko at nasa pagitan ko s'ya. Napatingin s'ya sa ibaba, mas lalong nanigas ang kan'yang panga at tinignan ako sa mga mata.
“Stop talking unless you want me to ravish you right here and right now. You know that it's almost four years we haven't met, so don't seduce me and test my patience.” Inilapit n'ya ang mukha sa taenga ko na ikinapigil ko ng hininga. “Uuwi muna ako. Lock the door and don't ever let someone in. Babalik lang ako.”
Do'n pa lang ako nakahinga nang maluwag nang bitiwan n'ya ang binti ko at inilayo ang sarili. Nakaangat ang tingin ko sa kan'ya na puno ng pagtataka. Ano na naman ang kalokohan n'ya? Hindi ko s'ya maintindihan. Pabago-bago ito.
Aalis na sana ito nang mukhang may naalala s'ya. Bumalik s'ya at mabilis akong pinatayo sa pagkakaupo. Tinaas n'ya ang baba ko at hinalikan ako sa side lips ko.
“T*ngina, hindi kita matiis.” Lumamlam ang kan'yang ekspresyon na ikinaawang ng bibig ko, para akong napipi dahil sa gulat pa rin ako. “Ihatid mo ako sa pinto, come on.”
Para s'yang bata na gustong ihatid sa kan'yang eskwelahan. Hindi ako nagsalita at nagpahila lamang sa kan'ya. Binitiwan na n'ya ako nang nasa pinto na kami.
“Goodbye,” sabi n'ya na ikinalunok ko, tila may hinihintay pa s'ya sa aking gagawin.
“You take an advantage with me,” wala sa sariling sabi ko na ikinasinghal n'ya lang, ngisian n'ya ako.
“I said goodbye.”
Tinignan ko ang kan'yang kotse sa labas, binalik ko ang tingin sa kan'ya. “Okay.”
He groaned in annoyance. Mabilis s'yang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Ginulo-gulo n'ya ang buhok ko.
“Ito ang hinihintay ko sa 'yo. F*ck, I don't want to leave you here. Baka takasan mo na naman ako,” praning n'yang sabi.
Tinulak ko s'ya nang mahina. “Umalis ka na nga. Dami pang sinasabi.”
I really want him to leave now. Kapag kasi nagpatuloy ito ay baka hanap-hanapin ko s'ya. I just realize that he's taking a revenge against me now. Gusto n'ya lang mahulog ako sa kan'yang patibong.
BINABASA MO ANG
His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)
Romansa(COMPLETED) (CADDEL BROTHERS SERIES #2) (R-18) KHALVIN GAEL CADDEL Everyone is aware of his rude side, yet he is a good man overall. He could care less. But why did he become into such a decent person and a compassionate person after meeting this wo...