CHAPTER 21
Malalim ang iniisip ko kaya 'di ko namalayan na tumigil ang kotse ni Nakko. Tinignan ko ang nakapalibot sa amin. Maraming puno ang nakapalibot sa amin ngunit ang isang malaking bahay ang umaagaw ng atensyon ko.
“Nand'yan si Khalvin. Sasamahan kita para makita mo s'ya, ” sabi ni Nakko na ikinalingon ko sa kan'ya.
“D-D'yan ngayon si Khalvin? Ano ang mayro'n sa bahay na iyan?” taka kong tanong na ikinabuntong hininga n'ya.
“D'yan pumupunta ang mga estudyanteng nagc-cutting. Minsan tumatagay, nagsusugal at nakikipagpustahan sa awayan. Marami ka pa talagang walang alam kay Khalvin,” iling-iling n'yang saad, lumabas s'ya ng kotse kaya gano'n din ako.
Mabilis ko s'yang pinigilan sa braso bago pa s'ya humakbang. “S-Sigurado ka bang nandito si Khalvin? Hindi tumatagay si Khalvin sa pagkakaalam ko. Nambubully s'ya pero hindi s'ya nanakit.”
“Iyan ang panlabas na anyo na nakilala mo sa kan'ya, Yannie. Paano ang panloob?” inis n'yang tanong, sinuklay n'ya ang buhok sa harapan. “Para mapatunayan ko sa 'yo na tama ako, kailangan mong makita s'ya ro'n at nang magising ka. Hindi normal ang pag-iisip ng lalaking iyon.”
Naunang naglakad si Nakko kaya wala sa sariling sumunod ako sa kan'ya. Parang ang bigat ng mga paa ko ihakbang ito papasok sa abandonadong bahay. Natatakot ako na baka tama si Nakko. Kilala ko si Nakko, hindi s'ya nagsisinungaling sa akin. Sino ang paniniwalaan ko kung sakali?
Nasa pintuan pa lamang ako ay rinig ko na ang nagsisigawang mga estudyante sa loob na parang may awayan na nagaganap. Mahigpit akong napahawak sa damit ni Nakko nang pumasok kami.
Madilim pa ang paningin ko. Ilang ulit kong binukas-sara ang mga mata hanggang sa nakaaninag na ako. Medyo madilim dito sa loob ngunit kitang-kita ko sa itaas ng ring ang dalawang taong nagpapaliparan ng suntok.
Napabuka ang bibig ko at nanginig bigla sa aking nakita. Ayaw kong tanggapin na ginagawa n'ya ito ngayon ngunit kitang-kita ng dalawang mga mata ko na si Khalvin ang isa sa nakikipagsuntukan sa lalaki.
Hindi ako maaaring magkamali, 'yong army jeans n'yang suot kanina ay gano'n din ngayon. Ibig bang sabihin... Ito ang emergency na sinasabi n'ya?
Naghiyawan ang mga estudyante, mas nangingibabaw ang mga lalaki na uhaw sa awayan. May mga babae rin dito na nakikipag-inuman. Mabibilis ang paghinga ko na tila sobra-sobra na sa mahina kong puso.
“That's the real him. 'Di n'ya lang magawang makipagsuntukan sa eskwelahan dahil inaalagaan n'ya rin ang kan'yang pangalan. Pero rito naman n'ya dinadala ang kaaway n'ya at papaulanan ng suntok,” sabi ni Nakko sa gilid ko.
Hindi ko s'ya sinagot at nakatingin pa rin kay Khalvin na agresibong hinagis ang kasing taas din n'yang lalaki sa sahig. Kitang-kita ko ang pawisan n'yang katawan sa pang-itaas na walang suot na damit. Medyo nakalaylay ang suot n'yang army jeans kaya bakat do'n ang v-line n'ya.
Nakatali ang kan'yang buhok paitaas, may mga hibla pa ng buhok sa pisngi at noo n'ya. Nadagdagan ang appeal n'ya dahil do'n. His gritting his teeth while sharply looking at the man who are now standing proud and smirking.
Napatakip ako sa bibig nang biglang sumuntok ang lalaki kay Khalvin. Sa pangatlong suntok nito ay natamaan ang mukha ni Khalvin. Napaatras s'ya at hinawakan ang kan'yang mukha. Mas lalo lamang nandilim ang mukha n'ya at sinipa ang lalaki sa tiyan kaya malakas ang pagkakabagsak nito.
Hindi ko kayang makitang ganito si Khalvin. Kahit takot at nanginginig ay nakipagsiksikan ako sa mga estudyanteng humaharang sa daanan. Tinawag pa ako ni Nakko ngunit hindi ko ito pinansin.
BINABASA MO ANG
His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)
Romance(COMPLETED) (CADDEL BROTHERS SERIES #2) (R-18) KHALVIN GAEL CADDEL Everyone is aware of his rude side, yet he is a good man overall. He could care less. But why did he become into such a decent person and a compassionate person after meeting this wo...