CHAPTER 17
Sinabihan ko si Khalvin na h'wag palaging itutok ang atensyon sa akin. May pamilya, negosyo, pag-aaral at kaibigan s'ya. Ayaw kong makahadlang sa kan'ya. Pumayag naman s'ya kaya sa tuwing uwian at recess time kami magkasama.
“Anong mero'n sa inyo ni Zahiro?” tanong ko kay Babykel nang mapansin ang panakaw tingin nilang dalawa.
Masyado silang halata na may something. Ilang buwan din ang nakalipas at naging maayos naman si Babykel ngayon. Sobrang hirap siguro sa kan'ya na maka-move on sa one year boyfriend n'ya.
Gawin lang talaga ni Khalvin na lokohin ako at hindi talaga ako babalik sa kan'ya. Pinili nilang mag-cheat kaya panindigan nila. Hindi 'yong hihingi ng sorry. Sinadya at ginusto naman nila ang kanilang ginawa kaya bakit gusto pa nilang makipagbalikan?
Nakakainis ang mga gan'yang tao. Hayst, bakit nga ba ako problemado sa manloloko? Mahirap na kasi magtiwala ngayon. Kahit mahal mo pa ay magdududa ka pa rin kahit sabihin nilang dapat magtiwala sa kapares.
“Kami na pala,” numumulang sabi ni Babykel at yumuko.
Niyugyog ko s'ya nang ilang beses. “Tama ako, 'di ba? Hmp! Naglilihim na sa akin si Baby. ”
Hinampas n'ya ako nang mahina sa braso at napatakip sa bibig. Halatang pinapamulahan ang kan'yang matambok na pisngi.
“I-Ikaw rin naman, ah. Akala mo 'di ko rin malalaman na kayo na pala ni Khalvin?”
“Shh ka nga.” Nilagay ko ang isang daliri ko sa bibig at pinandilatan s'ya ng mata. “Alam mo naman na hindi magiging masaya si Ama na malaman ito.”
Tinanong n'ya ako kung kailan ko ito sasabihin kay Ama. Syempre tulad sa aking plano ay hayaan muna hangga't kaya ko nang sabihin. There's so much time para sabihin kay Ama tungkol dito pero mas ikinabahala ko ay baka kaunting araw na lang para sa amin ni Khalvin.
Kumakain kami ngayon ni Babykel ng pizza sa labas ng eskwelahan matapos naming bumili sa cafeteria. Mahangin dito sa garden at maganda ang view ng paligid kaya mas masarap ang kain namin.
Biglang may lumapit sa amin kaya pareho kaming napaangat ng tingin ni Babykel. Nandito ang dalawang Caddel brothers kaya napatulala kami pareho ni Babykel.
Sobrang ganda ba namang tignan na mahaba ang buhok nila at magkahawig ang kanilang mukha. Sabay pa silang pumunta rito.
Umupo sa tabi ko si Khalvin at nilapag ang vitamilk na palagi n'yang binibigay sa akin. Minsan hindi na ako umiinom nito at nilalagay ko na lang sa bahay kaya minsan binibigyan na lang n'ya ako ng fresh milk. Supply na s'ya ng milk sa susunod.
“Supladang instik,” bulong n'ya sa taenga ko at pasimpleng hinalikan ang pisngi ko na ikinasama ng tingin ko rito.
Ngising aso naman s'yang sumandal sa kinauupuan n'ya na katabi ko at masayang tinignan ang bawat pagnguya. Inikutan ko s'ya ng mata at tinignan sila Babykel at Zahiro.
Medyo nagulat lang ako na makitang maasikaso rin pala si Zahiro kay Babykel. Sobrang lambing ang kan'yang paggalaw na parang takot na mabasag ang girlfriend n'ya. Pinapakain kasi n'ya ito at tudo iling naman ang kaibigan ko.
“Umalis muna nga kayo, Zahiro. Paano kami magka-baby time ni Yannie kung nand'yan kayo?”masungit na bulalas ni Khalvin, hinampas ko s'ya sa hita. Hinuli lamang n'ya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan.
Dahan-dahang binalingan ni Zahiro si Khalvin at delikadong nakangisi rito. Binitiwan nito ang pizza at hinaplos ang buhok ni Baby na nakatingin pa rin sa amin.
BINABASA MO ANG
His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)
Romance(COMPLETED) (CADDEL BROTHERS SERIES #2) (R-18) KHALVIN GAEL CADDEL Everyone is aware of his rude side, yet he is a good man overall. He could care less. But why did he become into such a decent person and a compassionate person after meeting this wo...