CHAPTER 07

1.6K 40 0
                                    

CHAPTER 07


“Hindi mo ininom ang vitamilk na binigay ko. And why are you with him?”

Napaikot ang mata ko sa kan'yang sunod-sunod na tanong. Hinawi ko ang kamay n'yang nasa buhok ko at tinampal ito.

“Don't touch my hair. I already drinked your vitamilk. Ano pa ang kailangan mo?” nagtitimpi kong tanong.

Napasimangot s'ya. “Tinatanong kita, bakit mo s'ya kasama?”

Napataas ang kilay ko nang nahimigan ko ang inis sa kan'yang boses. His piercing eyes are directly looking at me right now. Nagka-eye-to-eye tuloy kami nang minuto, parehong seryoso.

“Bakit tinatanong mo ako ng gan'yang tanong? Hindi naman kita tatay para sabihin sa 'yo kung sino ang mga kasama ko,” masungit kong sabi nang makabawi.

Pansin kong sinasamaan n'ya ng tingin si Jarian na nasa likuran ko banda saka titignan ako. He clenched his jaw when suddenly his eyes landed to my lower face. It was like he's looking at my lips. Agad din namang umangat ang tingin n'ya.

“F*ck this,” rinig kong mura n'ya sa mahinang boses at umiwas nang tingin. Naka-krus ang kan'yang braso sa harapan habang salubong pa rin ang kilay n'yang nakatingin sa malayo.

Hindi ko na pinansin ito at hinarap ang mga kasama ko. Abala pa rin si Steff sa kakatipa sa kan'yang cellphone. Si Jarian naman ay nakangising nakatingin sa aming dalawa ni Khalvin. Mukhang narinig nga n'ya ang usapan namin.

“Talagang nakagugulat na makitang kausap mo si Caddel. Are you two dating?”

Agad akong umiling dito at wiinagayway pa ang kamay sa kan'yang harapan, pinapahiwatig na mali ang kan'yang iniisip.

“No, we're not. Kumain na lang tayo,” kinakabahang pag-iiba ko ng usapan.

Walang tunog na humagikgik si Jarian at napailing-iling pa. Tumayo ito sa pagkakaupo at lumapit sa akin.

“I'll occupy this sea—”

“Go back to your seat, f*cker.” Maagap na umupo si Khalvin sa aking tabi at talagang nilagay pa n'ya ang kan'yang braso sa likuran ng upuan ko.

“All right, man. Torpe naman nito, weak,” turan ni Jarian na mukhang ikinainis lamang ni Khalvin.

“Ulitin mo nga sinabi mo,” nagbabantang saad ni Khalvin.

Inis na umusog ako ng upo ngunit hindi n'ya ako hinayaan. Mas lalo pa s'yang lumapit sa akin. Natatawang bumalik tuloy si Jarian sa kan'yang upuan at kinalabit si Steff.

“Wait lan—” Napaangat ang tingin ni Steff at napanganga nang makita ang katabi ko, hindi ito makapagsalita at makahulugan lamang akong tinignan na ikinalisik ng mga mata ko rito. I know what she's thinking right now.

“Maaari na kayong magpatuloy sa inyong pinag-uusapan. Don't mind me here,” cool na sambit ni Khalvin at talagang inakbayan pa ako.

Agad kong tinampal ang kan'yang kamay sa aking balikat. Dahil sa sobrang inis ko sa kan'ya ay kinurot ko na rin ito sa beywang na ikinatalon at aray n'ya.

“F*ck, I'll behave now! Stop it!” saway sa akin ni Khalvin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko na parang ginagapos n'ya ito upang hindi ko ulit s'ya kurutin.

Pilit kong inaalis ang kamay ko ngunit ayaw n'ya talaga. Kung di lang masikip ang pwesto namin ay baka natulak ko na ito. Buntong hininga na hinayaan ko na lamang na hawak n'ya ang aking kamay.

His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon