CHAPTER 33

1.2K 35 1
                                    

CHAPTER 33


Parang natigilan ang hininga ko nang lumagok ulit s'ya ng wine habang ang seryoso n'yang mga mata ay nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko ngayon ngunit habang nakatitig s'ya sa akin ay nakikitaan ko ang saya rito o maybe the brightness of his eyes came from the moon and stars.

'Yong kilos n'ya, mukha 'di mapakali at nagmamadali sa 'di malamang dahilan. Mabibigat ang pagbuga ko ng hininga at tinignan ang pagkain ko na hindi pa ubos.

May parte sa akin na masaya s'yang makita dahil miss ko na talaga s'ya ngunit natatakot ako. Ayaw ko nang magkaroon ng koneksyon sa kan'ya. I know that he's doing this para ipagmukha sa akin na kaya n'yang gawin ang lahat. Na kaya n'ya rin akong saktan ng emosyonal.

Pinigilan ko ang luha ko sa mga mata at mabilis na tumayo. Niligpit ko ang kinainan ko. Ang iba hindi pa ubos but I don't care anymore. I need to go back to my room now.

Kita ko ang pagtayo n'ya na mukhang na-alarma nang makitang aalis ako. Bago pa man s'ya makalapit sa akin ay mabibilis na ang hakbang kong umalis sa itaas at bumaba ng hagdan.

Hawak ko ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang laylayan ng dress ko at binagtas ang tahimik na hallway.

“Oh my gosh!”

Gano'n na lang ang gulat ko nang biglang may humila sa aking braso at mabilis akong idinikit sa pader. Medyo nanakit ang likuran ko sa malakas n'yang pagtulak sa akin sa pader.

Napabuka ang bibig ko nang makita ang malapitan n'yang mukha. Unang tingin ko sa kan'yang mga mata at nakitaan ko ang pagkasabik do'n ngunit agad iyon nawala. He tightened his gripped on my small waist and he pinned my wrist above my head. I can't even move.

“Hindi ka pa ba tapos sa pagtatago mo? How many years do you planned to hide from me, huh? Ilang taon pa kita maaaring makita?” matigas n'yang sambit at sa oras na iyon ay alam kong sobra na ang galit n'ya.

Somehow I felt scared by just looking at his dangerous eyes. Napaatras ang ulo ko ngunit naundog lang din sa pader kaya napangiwi ako.

Mas lalo lamang naging abnormal ang paghinga ko nang haplusin n'ya ang nauntog kong ulo. He was slightly massaging it. Napaiwas tuloy ang mga mata ko sa kan'yang adam's apple na kanina na tumataas-baba.

Nasinghap ko ang kan'yang mabangong amoy. Gosh, I miss his scent and everything about him. Gustong-gusto ko s'yang yakapin ngunit isang bagay lang ang pumipigil sa akin. Iyon ay baka may nobya na s'ya at hindi ako maghahabol sa kan'ya.

“G-Get off from me,” utal kong sabi at pinilit na humiwalay ngunit hindi n'ya ako hinayaan.

“F*ck, I miss your voice.”

Napaharap ako ng tingin nang mas lalo n'yang inipit ang kan'yang malaking katawan sa akin. Oh, boy, mas lalong lumaki ang kan'yang katawan kumpara noon. He was also tall na hanggang dibdib n'ya lang ako. I felt so small.

Nahigit ko ang aking hininga nang inamoy n'ya ang tuktok ng buhok ko. D*mn, I can feel my body reacting to his touch. Tila 'yong katawan ko ay nasasabik na sa kan'ya.

“S-Stop.”

Mas lalo kasing sinisinghot n'ya ang umoy sa aking buhok. Mukhang kumalma naman s'ya dahil medyo lumuwag sa pagkakahigpit ng hawak n'ya sa akin. Ramdam ko ang kamay n'ya sa beywang ko na kagustuhan na haplusin ngunit may pumipigil lang sa kan'ya.

“I f*cking miss you, babe. D*mn, totoo ka nga. Hindi ako p'wedeng magkamali. Your smell is very familiar to me. It's my Yannie's scent,” paos n'yang sabi habang inaamoy ang buhok.

His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon