CHAPTER 34
Wala na akong masyadong balita kay Babykel. Hindi ko alam na engage na pala sila ni Zahiro. Tumakas lang daw s'ya sa bahay ni Zahiro. Napailing na lamang ako sa kan'yang ginawa. Baka mahirapan si Zahiro na hanapin kami.
Inaya n'ya akong kumain muna sa Bestro. Nag-g-grave raw kasi s'ya sa halo-halo.
“Ipaalam mo na lang kaya kay Zahiro na nandito ka. Baka mag-alala iyon sa kahahanap sa 'yo,” suwestiyon ko nang maupo kami sa napiling table na pang apatan na tao.
Hinihimas n'ya ang kan'yang tiyan. “Alam n'ya kung saan ako. May GPS iyon kaya bahala na s'ya.”
Napataas ang kilay ko at natawa. “Bakit naman n'ya iyon gagawin? Walang tiwala ba?”
Nagkibat-balikat s'ya at umupo nang maayos. “Palagi ko kasi s'yang nilalayasan lalo na kung naiinis ako. Masilan din ang pagbubuntis ko ngayon kahit 1 month pa lang.”
Napatingin tuloy ako sa kan'yang tiyan. I didn't expect na bubungad ito sa akin. Ang bilis ba naman ng panahon at feeling ko college pa lang ako. Magkakaanak na s'ya sa ilang buwan at ikakasal na rin. Sobrang bilis at parang ako lang 'yong naiwan.
I can't see myself having a baby in the future. Hindi na ako nagkaroon ng relasyon simula nang iwan ko si Khalvin dahil sabi ko sa aking sarili na babalikan ko s'ya at kaya kong maghintay.
Ngunit ako lang ang naghihintay. Ilang buwan lamang kaming hiwalay ay may karelasyon na s'ya. And the most painful from it, 'yong babae na pinagseselosan ko at alam n'yang masakit para sa akin na magkasama sila ay ang kan'yang naging karelasyon.
Sinadya n'ya... Baka nga totoo talaga na may nangyari sa kanila kaya s'ya na lang ang naging karelasyon n'ya.
“Alam mo ba na muntik nang masira ang aming relasyon,” simula ni Babykel sa pagkukuwento na ikinabalik ko sa katinuan.
“Bakit?” bigla naman akong nagkaroon ng interest. Gusto kong malaman kahit kaunti ang nangyayari sa kan'ya.
“Kasi nga sa sobrang tutok ni Zahiro sa akin ay napapalayo na s'ya sa banda. Kadalasan hindi s'ya uma-attend ng banda kaya nagagalit ang ibang miyembro,” usal n'ya. “At syempre ayaw kong masira ang nakasanayan n'ya ay sinabihan ko s'ya na h'wag itutok palagi sa akin ang atensyon.”
Medyo mahaba-haba ang pagkuwento ni Babykel ngunit nakasabay naman ako. Sa sobrang pagmamahal ni Zahiro kay Babykel ay minsan nasasakal na ito. At sa sobrang tutok n'ya sa isang bagay ay nakalimutan n'ya na may iba pa s'yang obligasyon na ginagawa.
Zahiro is surely deeply in love with Babykel. And because of it, nakagawa s'ya ng isang bagay na pareho rin namin 'di inaasahan ni Babykel.
Paubos na ang halo-halo ko at kalahati pa lang 'yong kan'ya dahil sa kanina pa s'ya nagsasalita. Naging madaldal na rin si Babykel pero kahit gano'n, s'ya pa rin ang kaibigan ko na nakilala ko. Para s'yang si Maria Clara sa sobrang hinhin ngunit ngayon na buntis s'ya ay daig pa ako.
“Nga pala.” Binitiwan n'ya ang kutsara nang akmang susubo s'ya at binigay ang buong atensyon sa akin. “Gusto kong malaman mula sa 'yo kung ano ba talagang nangyari sa inyo ni Khalvin. Kahit kaunti lang basta malinawan lang ako. May narinig kasi akong chismis na alam kong hindi mo magagawa.”
I already know that she would asked me about this. Handa naman akong sabihin ang aking side ngunit ang ikinataka ko ay kung ano ba ang kumakalat na chismis sa amin gaya ng sinabi n'ya.
“Tell me first kung ano ba ang narinig mo tungkol sa amin,” utos ko.
“Natandaan ko talaga na si Telly ang nagsabi sa mga barkada ni Zahiro na nag-cheat ka raw kay Khalvin.” Napabuga s'ya nang hininga, mukhang nainis pa sa babae. “Nagpakasal ka raw sa Chinese na lalaki at iyon ay si Nakko. Kaya iniwan mo raw si Khalvin na walang paalam dahil mas pinili mong pumunta ng China para magpakasal.”
BINABASA MO ANG
His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)
Romance(COMPLETED) (CADDEL BROTHERS SERIES #2) (R-18) KHALVIN GAEL CADDEL Everyone is aware of his rude side, yet he is a good man overall. He could care less. But why did he become into such a decent person and a compassionate person after meeting this wo...