CHAPTER 15
"You know how much I'm hurt that time when you hugged him, Yannie. Sinabi ng tauhan ko na magkasintahan kayo... Kaya inakala kong babaliwalain mo na ako," nasasaktan n'yang sabi.
Kaya naman pala kung makatingin s'ya sa akin no'n ay parang nag-cheat ako sa kan'ya. He is always saying that we're in relationship kahit nanliligaw pa lang. Makapal lang siguro ang mukha n'ya.
"Oh? May sinabi ba akong sinasagot na kita?" nakangisi kong tanong na ikinatigil n'ya sa paglalakad, masama n'ya akong binalingan.
"The f, Yannie! You confessed and kissed me while ago tapos sasabihin mo ngayon na hindi mo pa ako sinasagot? I'm not playing games here!" inis na inis n'yang sabi at hinawakan ang braso ko para ipaharap sa kan'ya.
"Hindi mo kasi ako pinatapos kanina at sinunggaban mo kaagad ako ng halik, kaya kasalanan mo kung di ko natukoy ang sasabihin ko," sabat ko rito na ikinasimangot n'ya.
"Gusto kong maliwanagan kung ano ba talaga tayo, Yannie. T*ngina, ayaw kong mag-isip na babaliwalain at iiwan mo ako dahil wala tayong label." Napahilamos s'ya sa mukha na parang sobrang laki ng problema n'ya. "I want to be in relationship with you, Yannie."
Seryoso talaga s'ya kaya hindi na ako nag-abala na tawanan s'ya at baka ma-offend ko s'ya. Natatawa lang ako na madali s'yang maasar. Bumawi lang ako pero syempre hindi ko binabalik ang aking mga salita.
Hinawakan ko nang mahigpit ang kan'yang kamay at tinitigan s'ya sa mga mata. I want him to know that I'm serious right now.
"Gusto kong sabihin ulit na sinasagot na kita, Khalvi- ano ba! Patapusin mo muna ako!"
Hinampas ko s'ya sa dibdib nang akmang hahalikan n'ya ulit ako. Napakagat s'ya sa sariling labi at inilayo na ang mukha. Mukha s'yang bata na tuwang-tuwa at hindi mapigilan na maging masaya.
Umiwas ito ng tingin at napakagat labi. Kinuha n'ya kamay ko at nagpahila sa kan'ya para magsimula nang lakad.
"Mahal kita." Mas humigpit ang hawak n'ya sa aking kamay, saglit lang n'ya ako sinulyapan at agad din namang umiwas.
Nawala naman ang pagkakunot ng noo ko at nanlambot sa kan'yang harapan. Pigil ang hininga ko nagwawala naman ang dibdib ko na parang may kumakarera.
"I feel the same way, Khal."
Sumimangot kaagad ang mukha n'ya."That's not what I want to hear."
Napakagat ako sa sariling labi. "Eh, ano dapat?"
Hindi s'ya nagsalita at sinamaan ako ng tingin. Mukhang inaabangan n'yang sasabihin ko ang gusto n'yang marinig. I cleared my throat and stare on his brown eyes.
"Mahal ka ni Yannie." Inilihis ko na kaagad ang tingin sa kan'ya at mas hinila ito para bilisan ang lakad.
"Really? Sinong Yannie?" nagmaang-maangan n'yang tanong na ikinaikot ng mga mata ko.
"Si Yannie na supladang instik. Na palaging sinasabihan ni Khalvin na maga ang bibig kapag sumuway," I playfully said that made him laughed.
Hindi s'ya nagsasawang magtanong kung sino ang mahal ko. Gustong-gusto n'ya talaga na naririnig n'yang mahal ko s'ya. Hindi maka-move on at sa buong lakad namin ay tungkol sa kan'yang sarili at sa aming dalawa ang pinag-uusapan namin.
Napag-alaman kong tatlo silang magkapatid. Akala ko dalawa lang pero mero'n pa pala silang bunso. I didn't mention that I know Zahiro already. Baka kung ano-ano na naman ang itanong n'ya sa akin.
BINABASA MO ANG
His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)
Romance(COMPLETED) (CADDEL BROTHERS SERIES #2) (R-18) KHALVIN GAEL CADDEL Everyone is aware of his rude side, yet he is a good man overall. He could care less. But why did he become into such a decent person and a compassionate person after meeting this wo...