CHAPTER 32
Hindi na ako bumalik sa China dahil alam kong hindi na ako makababalik pa rito sa oras na tumungo ako ro'n. Hindi naman ako nagkamali dahil sinundan ako ni Ama kasama si Inay. Galit na galit si Ama no'ng mga oras na iyon.
Ngunit hindi ko inaasahan na sasampalin ni Inay si Ama mismo sa harapan ko nang pinilit akong ipabalik ni Ama sa China.
Halata ang gulat sa mukha ni Ama habang hawak ang pisngi na sinampal sa kan'ya ni Inay. Humihinga ng mabigat si Inay.
“Sumusobra ka na talaga, Xian! Anak mo pinipilit mo sa kagustuhan mo! Hindi mo ba naiisip ang nararamdaman ko, huh?!” Tinulak pa n'ya si Ama para lumayo ito sa akin, agad akong nilagay ni Inay sa likuran n'ya. “Alam mo ang pakiramdam na hindi tinanggap ng pamilya ang kagustuhan mong pakasalan ako tapos gagawin mo rin naman sa anak mo ang ginagawa ng magulang mo! Pare-pareho lang kayo!”
Agad na akong hinila ni Inay na umalis do'n. Tumungo kami sa San Pedro dahil do'n ang kan'yang kinalalakihan. Do'n kami nanatili ni Inay at sa 'di inaasahang pagkakataon ay nando'n din pala nakatira si Zannie kasama ang asawa n'ya ngayon na si Drago.
Kapapanganak pa lang ni Zannie at saktong dumating kami para bisitahin s'ya. May kontok naman kami ngunit hindi ko inaalam kung nasa'n s'ya at baka malaman din ni Ama kapag tinanong n'ya ako. Minsan hindi ako nakakapag-isip ang diretso lamang akong sumasagot kaya mas mainam na wala akong alam.
May kaya naman sila Zannie ngayon. Isang police si Drago at malaki rin ang sweldo kaya nakapag-aral ulit si Zannie sa college. Nakapag-aral kasi s'ya sa grade 12 at natapos ito bago pa man lumaki ang kan'yang tiyan.
Hinanap kami ni Ama kaya mismo si Inay na ang pumunta para harapin si Ama. Nanatili ako pansamantala sa bahay ni Zannie bago nagpasya na humanap ng apartment malapit sa eskwelahan na papasukin ko.
At simula no'n naging mailap na ako kay Ama. Hindi na n'ya inungkat pa ang tungkol sa kasal na mukhang natauhan din sa sinabi ni Inay. Alam n'ya dapat ang pakiramdam na hindi sang-ayon ang magulang sa relasyon na mayro'n ang kan'yang anak.
Hindi ko na muling tinangkang magpakita kay Khalvin no'n. Masaya na ako na nakapagtapos s'ya at ako naman ang sunod na makapagtapos. Pero hindi na siguro matutuloy pa ang aming relasyon pagkatapos nito.
I'm the one who ruined him, and he also give me pain that I didn't expect to happen. I thought he wouldn't find some other girl pagkatapos naming maghiwalay ngunit siguro... Siguro nga tama si Telly na lalaki s'ya at may pangangailangan. At isa iyon sa ikinagagalit ko.
Khalvin is one of the rich people in San Jose. Nag-aaral pa lang s'ya ay may pinapatakbo na itong negosyo. Habang ako wala pang maipagmamalaki bukod sa tapos na ako sa pag-aaral. Same age sila ni Telly at sa pagkakaalam ko mas gugustuhin iyon ng lalaki dahil matured ang mga kaedad nila.
Galit ako pero hindi ko dapat, eh. S'ya lang 'yong tanging lalaki na mahal ko na hinayaan kong halikan ako pero nagpahalik naman s'ya sa iba. Pakiramdam ko na kaya n'ya talaga akong palitan dahil walang mawawala sa kan'ya dahil maraming babaeng naghahabol sa kan'ya.
“Sasamahan na kita sa barko, ate,” presinta ni Zannie nang makita akong lumabas ng kwarto ko.
Nandito pala s'ya sa apartment ko na ilang taon ko na rin tinuring tahanan. Saksi ang tahanan na ito ang paggugol ko sa pag-aaral. Saksi ito kung ilang beses na akong umiyak.
Ngitian ko si Zannie. “Paano ang anak mo?” tanong ko.
“Isasama ko s'ya pati na rin si Drago. Malapit ang barkong sasakyan mo sa pupuntahan namin kaya isasabay ka na namin.”
BINABASA MO ANG
His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)
Romansa(COMPLETED) (CADDEL BROTHERS SERIES #2) (R-18) KHALVIN GAEL CADDEL Everyone is aware of his rude side, yet he is a good man overall. He could care less. But why did he become into such a decent person and a compassionate person after meeting this wo...