CHAPTER 35

1.3K 38 0
                                    

CHAPTER 35



“You left me without saying goodbye yet you're acting just like this? Don't you miss your boyfriend? ”

Walang dalawang isip na sinabi iyon sa akin ni Khalvin habang hindi inaalis ang magaspang n'yang ekpresyon. Sandali pa akong natigilan nang marinig ang huling sinambit n'ya. He's playing again.

Napailing ako sa aking iniisip. “Talk nicely to me, Khal. I'm not comfortable on your behaviour right now.”

Napataas ang sulok ng labi n'ya at mahigpit na hinawakan ang lagayan ng tissue na pabilog. It was like he is pissed off or didn't like what I have said.

“Sa tingin mo ba malambing pa rin ang pananalita ko sa 'yo matapos mo akong lokohin? Don't expect me to be nice to you. Don't expect that I'm still the same Khalvin that you know.”

Napalunok ako sa sariling laway at tinanggap na lamang ang kan'yang sinabi. Why I'm still staying here anyway? Umaasa ba ako na magiging maayos kami dahil lang sa hinabol n'ya ako? Dahil ba sa hindi n'ya ako sinaktan kahapon sa Cruise at pakiramdam ko miss n'ya rin ako?

Wake up, Yannie. Kahit sino naman magagalit kapag iyon ang ginawa ng isang taong mahal mo. He was hurt and felt betrayed so he has a f*cking right to be mad. But I can't stop myself for getting hurting.

Nakakulong ako sa nakaraan at inakalang s'ya pa rin si Khalvin na nakilala ko, na minahal ko. People change, as well as his feelings too. I shouldn't expect that he still love me despite of what I have done.

Nagkatitigan kami sandali ngunit ako rin umiwas. Natulala ako bigla. Nasasaktan ako ngayon ngunit hindi ko dapat pinapakita. Mas lalo lamang s'yang matutuwang nasasaktan ako.

“You're just wasting your time, Khalvin.” Napabuga pa ako ng hangin mula sa ilong. “P'wede bang kalimutan na natin iyon? Wala na tayong magagawa kung nangyari na ang bagay na iyon. Gusto mo bang humingi ako ng tawad dahil do'n?”

“It is not eas—”

“I'm sorry, I am sincerely sorry for what I did. I don't want to defend myself 'cause I admit my mistakes now,” mabilis kong sabi, hinihingal pa dahil sa gusto kong patapusin ko ang salita ko. “You can just literally forget about me. Mas lalo mo lamang pinapalala ang sitwasyon. Ano pa ba ang gusto mo, huh?”

“I want you to pay for what you have did to me,” mariin n'yang sabi, napatagis pa ang bagang. Mga mata n'ya ay tila kinikilatis ang ekpresyon ko.

“Tapos na, Khal... Sobra-sobra pa nga ang kabayaran na ginawa ko sa kasalanan ko,” nahihirapan kong sabi, natatandaan ko lang bigla ang mga pinaggagawa ni Ama sa akin para ipilit ako kay Nakko. “Kalimutan mo na lang ako. Nangyari na ang lahat kaya wala na tayong magagawa.”

“Then why did you came back? Umaasa ka ba na magkabalikan tayo? Did you regret everything?” nakangisi n'yang tanong. His eyes telling me so much emotion that I can only describe in one word, he is hoping for something. Pero kaagad din iyon naalis. “It will never happen because there's someone who will not leave me just like you. Someone who are worth it, not like you. Hatred towards you is what I am feeling right now.”

The more na tumatagal kami rito ay mas lalo lamang akong nadudurog sa bawat salitang binabato n'ya sa akin. Gusto n'ya talaga ipagmukha sa akin na deserve kong masaktan. Pero hindi n'ya siguro naintindihan ang sinabi ko na nasaktan din ako sa aking ginawa.

Comparing his new woman to me is a big insult for me. Mas lalo lamang nagkaroon ako ng dahilan na h'wag na lang s'yang pakialaman at hindi umasa na mahal pa rin n'ya ako.

His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon