CHAPTER 06
"Babykel!" tawag ko sa aking kaibigan na naging kaklase ko no'ng high school.
Pinuntahan ko talaga s'ya rito sa kan'yang room para lang sabihin na sasabay ako sa kan'ya mamaya sa gym kung saan kakanta ang banda nila Kertian. Kertian don't know me, but I just accidentally know his name because of Babykel.
Napangiti si Babykel at nilapitan ako. Marahan n'ya akong niyakap at tumugon naman ako rito. Kaagad naman kaming humiwalay.
"Na-miss kita, Nie. Nandito ka ba para sabihin sa akin na manood ng banda?" nakangiti n'yang tanong na ikinangisi ko.
"Kilalang-kilala mo talaga ako. Yes, iyon nga," tawa kong sabi, mahina s'yang tumawa dahil do'n.
"I was so busy last week. Buti nga may kasama ako mamaya papunta sa gym para manood ng banda."
Napataas ang kilay ko. "Sabihin mong miss mo si Jericho kaya gan'yan ang mukha mo."
She was blushing like a cute kitten right now. Medyo mataba si Babykel pero tinalo pa yata n'ya ang ganda ko. Marami ring nagtangkang manligaw dito dahil bukod sa mabait na nga, girlfriend material pa.
"K-Kasama na rin iyon." Napahawak s'ya sa matambok n'yang pisngi at kinikilig akong tinignan. "H'wag mo na akong asarin. I can't stop blushing here."
Nagtaas ako ng kamay at natatawang tumango. Nag-usap lang kami saglit bago nagpaalam dito na mauuna na ako at pupunta pa ako sa canteen. Naghihintay na kasi mga ka-group mates ko ro'n para roon na gawin ang gawain namin.
"Where are you going?"
Agad akong napalingon sa aking tabi habang hawak ang dibdib ko na tila tumalon dahil sa pagkabigla. Balak n'ya yatang gulatin ako.
Inis ko s'yang tinignan na ikinangisi n'ya. Tuwang-tuwa dahil binigyan ko s'ya ng atensyon.
"Please lang, Khalvin, h'wag mo na akong gambalain pa. Tahimik akong nag-aaral dito kaya h'wag mo na akong pagtripan pa."
Tumabingi ang kan'yang ulo at mas lalong napangisi ang kan'yang labi. Mahina ang tawa n'yang umiling-iling. Agad n'yang nilahad sa akin ang vitamilk na ikinatingin ko rito.
"Peace offering ko. Fifty times i'm sorry, hmm? I know you love vitamilk so I bought 2 dozens of it for you to drink everyday," aniya na ikinanganga ko na lang, unbelievable.
Sa totoo lang gusto ko nang kunin ang vitamilk sa kan'ya. Hindi ko alam kung paano n'ya nalamang paborito ko ito na talagang bumili raw s'ya ng dalawang dosena, kahina-hinala tuloy s'ya.
I was tempted to snatch his vitamilk, baka kasi pinagloloko n'ya ako. Magandang handa na kaagad. Pinigilan ko na lamang ang aking sarili. I have a money to buy those.
"No." Umiling ako rito. "You're kidding me, right? Ikaw? Bibili ng vitamilks para sa akin? Hindi ikaw 'to, Khalvin."
Tumango-tango pa ako na parang sumasang-ayon sa sinasabi ng aking isip. I was about to leave him, ngunit kaagad n'ya akong hinarangan kaya muntik nang mabunggo ang noo ko sa dibdib.
Muntik na akong mawalan ng balanse dahil sa lakas ng impact nang pagkabunggo nang agad n'yang nahapit ang aking beywang at inilapit sa kan'ya.
"Sh*t!" napamura ako sa bigla at kusang kumapit ako sa kan'yang braso.
Nanlalaki ang singkit kong mga matang napaangat ng tingin sa kan'ya. His winded eyes also looked at me. Mukhang kinabahan pa s'ya nang muntik akong matumba at mabilis ang galaw n'yang nahuli ako.
BINABASA MO ANG
His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)
Romance(COMPLETED) (CADDEL BROTHERS SERIES #2) (R-18) KHALVIN GAEL CADDEL Everyone is aware of his rude side, yet he is a good man overall. He could care less. But why did he become into such a decent person and a compassionate person after meeting this wo...