CHAPTER 23
Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdaman ng selos na isa sa ayaw kong maranasan. Nawawala ako sa sarili. Kapag nagalit at nagseselos ako ay wala na akong maiintindihan sa sasabihin nila. Hindi ako makapag-isip ng maayos.
Inaya ako ni Jarian sa kan'yang kaarawan. Hindi sana ako sasama dahil plano ko sanang kausapin at makipag-ayos kay Khalvin ngunit nagbago na ang isip ko. Nando'n naman si Steff kaya hindi nag-iisa.
Nakasuot ako ng wrap dress na kulay itim na umaabot ang haba hanggang sa itaas ng tuhod ko. Naka-heels din ako ng two inches, kulay black din. Tinali ko ng pony tail ang buhok ko. Nilagyan ko ng kaunting baby hair sa bawat gilid ng noo ko.
Umupo ako nang maayos sa malaking sofa at nilagok ang isang basong red wine. Sinubukan akong pigilan nila Jarian ngunit hindi ako nagpaawat. Minsan lang naman ako magkaganito kaya sulitin na.
Dito kami nag-celebrate sa bahay ni Jarian. Since maraming kakilala si Jarian at sikat sa eskwelahan namin ay marami ring taong nandito. Mga kaibigan n'ya'y nasa pool side may mga kasamang babae.
'Di na bago ito sa iba pero nakakaasiwang tignan kapag may nakikita akong lalaki na nakikipaglaro sa babae. Kung p'wede lang silang itulak sa pool... Hayst, lasing na talaga ako.
“Mukha kang broken hearted, girl. Naghiwalay ba kayo ni Khalvin?” singhap na tanong ni Steff, napatingin tuloy sa akin si Jarian.
“Totoo ba, Yannie?” agad na tanong ni Jarian.
Napapikit ang mga mata ko at sumandig sa sandalan. Talagang pinapaalala pa nila si Khalvin sa akin. Blurd na ang paningin ko dahil sa tinamaan na ako ng alak tapos ito pa ang pag-uusapan namin?
“P'wede bang kahit ngayon lang h'wag n'yong banggitin ang lalaking iyon? Nakakainis,” asik ko, lumagok ulit ng wine. Pabagsak kong nilagay ang wine glass nang natapunan ako. Malas ang araw ko ngayon.
“Girl, last na talaga ito. Bakit palaging kasama ni Khalvin ang babaeng iyon? You know naman kung sino ang ibig kong sabihin,” ani Steff.
Napabuga ako nang hininga. Alam kong concern lang sila sa akin dahil kanina pa ako ganito. 'Yong parang wala sa sarili at palagi na lang naiinis sa mga bagay kahit wala namang ginagawang masama.
Ganito ang pakiramdam na galit ang pinapairal, nawawala ka sa sarili. Kahit gano'n, ginawa ko ang lahat para kumalma ako. Ayaw kong makagawa ng masama kahit minsan hindi iyon maiiwasan.
“Hindi pa rin ako makapaniwala na kayo na pala, kilala ko si Khalvin noon pa man. Hindi s'ya mahilig sa babae at mas lalong magkaroon ng relasyon,” tuwang-tuwa na sambit ni Jarian na ikinasimangot ko. “Mga babae nga na nagkakagusto sa kan'ya pinagsasabihan n'ya ng masasamang salita hanggang sa sila na mismo ang lumayo sa kan'ya. Baka nga interesado sa 'yo ang lalaking iyon, Yannie.”
“Bakit may kasama s'yang babae ngayon kung gano'n ang pagkakilala mo sa kan'ya? Baka nga pinaglalaruan lang n'ya si Yannie,” asik ni Steff.
Subukan lang talaga ng gag*ng iyon na paglaruan ako at ako na mismo ang makikipaghiwalay. Sinagot ko s'ya dahil seryoso ako sa relasyon tapos gano'n ang gagawin n'ya? Gag* n'ya, eh.
Nakakainis lang isipin na sinabihan n'ya akong h'wag muna akong makipag-usap sa kan'ya gayong gusto ko nang magkaayos kami. Aaminin kong may kasalanan ako.
Ilang araw n'ya akong sinuyo ngunit hindi ko s'ya pinakinggan dahil sa galit ako. Ayaw ko naman na makipag-usap sa kan'ya kung galit ako dahil alam kong hindi magiging maganda ang resulta.
BINABASA MO ANG
His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)
Romance(COMPLETED) (CADDEL BROTHERS SERIES #2) (R-18) KHALVIN GAEL CADDEL Everyone is aware of his rude side, yet he is a good man overall. He could care less. But why did he become into such a decent person and a compassionate person after meeting this wo...