CHAPTER 39

1.4K 41 2
                                    

CHAPTER 39



Matapos ang nangyari sa amin sa mismong engagement party ay bumalik naman kami kaagad no'n. Inalalayan pa nga ako dahil medyo masakit ang ibaba ko. Buti na lang at hindi nagtataka si Babykel kung bakit magkasama kaming dalawa.

I didn't regret giving myself to him. Ginusto ko iyon at gusto ko ulit maranasan iyon kapag alam kong maayos na ang lahat. Na wala na akong pinangangambahang iba.

Pagkatapos ng engagement party ay nilapitan ako ni Fern. Kakausapin sana ako ngunit agad na s'yang hinarangan ni Khalvin. Sinuway ko naman si Khalvin at humingi ng tawad kay Fern. Pinandilatan ko ng mga mata si Khalvin.

Naglapat ang mga ngipin nito at walang ekspresyon na tinignan si Fern. Opposite talaga silang dalawa. Si Khalvin lamang ang nakabusangot habang pa-cool lang si Fern. Kahit noon naman gano'n pa rin sila. May ilan nga lang nagbago.

“I let you to be friends with her, but f*cking don't steal her from me and hold your d*ck,” walang preno na banta ni Khalvin. Nasapok ko ang aking noo at kinurot ulit ito sa beywang.

“Bastos talaga ito, oh,” bulong kong anas dito at pinakita sa kan'ya na hindi ko talaga nagustuhan ang sinabi n'ya.

Tumango si Fern kahit nag-aalinlangan na kausapin si Khalvin. Hindi kasi s'ya sanay sa mga walang prenong bibig.

“I think maayos naman kayo.” Tinignan n'ya ako at saka binalik kay Khalvin. “Please, don't hurt her or treat her like she's nothing and just a low class woman. Taon ko iyan niligawan at minahal na walang kapalit. Alam kong mahirap na sungkitin ang kan'yang puso kaya pahalagahan mo.”

Muntik na nga akong umiyak sa sinabi ni Fern. I smiled at him and I know that he is happy right now. He is a great man, but sadly I can't dictate my heart to love him. Si Khalvin pa rin talaga.

“Hindi ko s'ya binitiwan para lang ibigay sa lalaking sasaktan lang naman s'ya. H'wag mong sayangin ang sakripisyo ko, Caddel,” seryoso ulit na dugtong ni Fern na mabilis na ikinatango ni Khalvin.

“I won't and I will always remember that. Thank you.”

Akala ko pa naman gagawa ulit ng away si Khalvin but to my surprise, nagpasalamat pa s'ya kay Fern. Fern just bid his goodbye to us at iniwan kami.

“His a good man,” wala sa sariling sabi ni Khalvin at tinignan ako, mukha s'yang inosente ngayon. “I wonder why you choose me. I'm so rude and I'm not a good man either.”

Hinaplos ko ang kan'yang mahabang buhok na nakatali pa. Mukha naman s'yang naapektuhan sa ginawa ko. I miss his hair so much.

“Because my heart choose you. Ewan ko ba. Ayaw ko naman talaga sa iyo noong una pero ito, mahal pa rin kita kahit gag* ka,” bulalas ko.

Imbes na kiligin sa aking sinabi ay napasimangot ito. Natawa na lang ako sa kan'yang mukha. Hinalikan ko na lang ang pisngi n'ya at ngitian ito.

“Maga talaga ang bibig mo sa akin, babe. Nakakasakit ka na.”

“I'm sorry na.” Niyakap ko s'ya sa beywang at tiningala ito. Nakasimangot pa rin s'yang nakadungaw sa akin pero hindi naman ako tinulak. “Let's date tomorrow, my treat, babe.”

Isa si Khalvin sa marupok sa aming dalawa. Nang banggitin kong magd-date kami ay agad s'yang pumayag at bumalik ulit ang masigla n'yang mukha. I can finally see his expression now. Nakaraan kasi ayaw n'yang ipakita. He want to hide it from me.

We dated several times at maraming beses na rin ang nangyari sa amin. Hindi s'ya makapagpigil. Dinadahilan n'ya ay bumabawi s'ya sa apat na taon na iyon. Palagi na tuloy s'ya sa aking bahay natutulog. Uuwi lang s'ya kinabukasan kapag nagising ako. Hinihintay talaga n'ya akong magising bago umalis.

His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon