CHAPTER 11

1.5K 40 0
                                    

CHAPTER 11


Hindi na ako kinulit ni Khalvin nang nagsimula na ang klase. Napatingin pa ang instructor banda sa amin bago nagpatuloy sa kan'yang dini-discuss.

Mukhang seryoso naman si Khalvin sa kan'yang pag-aaral, loko-loko lang talaga at bully. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ba ay nambu-bully pa rin s'ya. Sinabi naman n'ya nakaraan na deserve n'yang patawarin kasi nga nagbago na s'ya, baka nga naging good boy na ito.

Kinalabit ako ng katabi kong babae kaya napalapit ang taenga ko sa kan'ya nang sinenyasan n'ya akong bubulong s'ya.

"Palit muna kami ni Jarian ng upuan. Kanina pa kasi n'ya sinasabi na mag-uusap kayo," mahina n'yang bulong sa aking taenga.

Napataas ang kilay ko at saka sinilip si Jarian na kumakaway na ngayon sa akin, sinenyasan n'ya akong uupo s'ya sa tabi ko. Sa kabilang row s'ya at nasa gilid lamang upuan ng katabi ko.

"Sige, baka magalit si Ma'am, ah," ani ko na ikinatango n'ya.

"Wala iyan."

Ayon nga nagpalit sila ng upuan nang saglit na tumalikod si Ma'am. Napadikit ang braso namin ni Jarian nang ilapit n'ya ang kan'yang bibig sa aking taenga.

"Selos pa rin si Caddel sa akin hanggang ngayon,"bungisngis n'yang sabi at mabilis lamang na sinilip sila Khalvin na nasa likuran ko. "May kasalanan pa 'yan sa akin. Inisin ko nga."

Ramdam ko ang tumatagos na titig mula sa likuran. Gumalaw-galaw na nga ngayon ang upuan ni Jarian, mukhang may tumutulak dito. Ngising sumandig si Jarian sa kan'yang upuan, hindi pinansin ang paggalaw ng kan'yang upuan.

"Get back to your seat, f*cker," rinig kong bulong ni Khalvin. Rinig ko ang rahas sa boses n'ya hudyat na nagagalit na ito.

Mas lumakas ang pagsipa n'ya sa upuan ni Jarian. Muntik nang mapansin ni Ma'am. Gag* talaga.

Dahil isa rin si Jarian sa loko-loko ay nagmatigas s'ya. Nilagay pa n'ya ang kan'yang braso sa likuran ng upuan ko. Siniko ko ang braso n'ya at sinenyasan na tumigil na s'ya.

"T*ngina," malutong na mura ni Khalvin.

"Aray!" biglang sigaw ni Jarian at binawi ang kan'yang braso.

Nabigla ako ro'n kaya kaagad akong napatingin sa kan'yang braso. Namumula ang kan'yang balat dahil sa pagkakabaon ng matutulis na kuko na humulma. Napatingin din tuloy ang mga kasama namin sa room pati si Ma'am banda sa amin.

"Ano iyon?" tanong ni Ma'am, hindi n'ya kami nilapitan kaya medyo nakahinga ako nang maluwag.

"Nauntog lang ang siko ko, Ma'am, " nakangiwing sagot ni Jarian at tinago ang braso n'ya sa ilalim.

Napatango na lamang si Ma'am at tumalikod ulit sa amin. Nawala na ang mga tingin ng kaklase namin kaya naman nilingon ko si Khalvin na masamang nakatingin ngayon kay Jarian.

His palm formed into a fist like ready to punch someone. His blazing eyes looked at me and it suddenly vanished.

"Bakit s'ya nand'yan? " inis n'yang tanong sa akin, mukhang naiinis na rin s'ya sa akin dahil hinayaan kong lumapit si Jarian sa akin kahit sinabihan na n'ya ako.

Dahil sa nga tuloy-tuloy pa rin ang paggawa namin ng mga activities ay pumupunta pa rin kami ni Steff sa bahay ni Jarian, kasama na ro'n si Khalvin para lang bantayan raw ako. Wala pang kami pero binabakod na n'ya ako.

Kaya araw-araw akong kinukulit ni Khalvin at araw-araw rin sumasakit ang ulo ko sa sobrang kulit n'ya. Kaya hindi n'ya ako masisi kung naiinis na ako sa kan'yang pagmumukha kahit wala pa s'yang ginagawa.

His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon