CHAPTER 26
Gusto akong ipakilala ni Khalvin sa kan'yang pamilya kaya balak n'yang dalhin ako sa bahay nila. Ngayon ko lang din nalaman na nags-stay pala sa apartment si Khalvin dahil malayo ang bahay nila sa university. Hindi pa nga ako nakapunta ro'n.
Bigla akong kinabahan nang makaharap ko na ang Mama ni Khalvin. Alam kong mabait s'yang klaseng Ina ngunit hindi ko maiwasan na mag-isip na baka ayawan n'ya ako para sa kan'yang anak.
Half Italian and half Filipino pala ang Ina ni Khalvin, gano'n din ang Ama n'ya, sabi n'ya sa akin. Kaya pala sobrang ganda ng kan'yang Ina. Bakit kaya wala ang Ama n'ya?
Bigla akong nahiya nang hawakan ng Mama ni Khalvin ang aking kamay at saka ako niyakap saglit.
“Kay gandang babae,” nakangiting sabi ng Mama ni Khalvin at nanunuksong tinignan ang kan'yang anak na nasa likuran ko lamang. “Mga binata na talaga ang anak ko, may mga nobya na, bukod sa aking bunsong anak na si Airo. Mukhang walang plano iyon sa pagkakaroon ng nobya.”
Kilala ko nga si Airo, kasama na si Zahiro. Sabi ng mga estudyante walang hilig ang mga Caddel sa pagkakaroon ng babae o nobya, mas lalo na 'yong bunsong si Airo. Medyo hindi lang ako makapaniwala na sa kaguwapuhan nila na madalas habulan ng babae ay wala silang hilig sa babae.
Kung iba 'yan baka ginamit na nila ang kaguwapuhan nila para magkaroon ng maraming babae.
Totoo kayang walang babaeng dumaan kay Khalvin? Nakaraan pa bumabagabag ito sa aking isipan matapos ang nangyari sa amin. Magaling s'ya mang-akit at isa na ako sa biktima. Kaya minsan napapaisip ako kung nagsisi ba ako.
“M-Maganda rin po kayo, Madam,” nahihiyang sabi ko at tumabi kay Khalvin.
Agad naman akong hinapit ni Khalvin sa beywang at hinalikan ang noo ko sa harapan ng Mama n'ya. Pasimple ko s'yang kinurot sa tagiliran at wala naman s'yang paki kung tadtad ng kurot ang tagiliran n'ya sa ginagawa ko.
Tumawa ang Ginang, mukhang nagustuhan naman n'ya ang sinabi ko. Totoo naman kasing maganda s'ya. Kaya na-speechless ako bukod sa suplada n'yang aura.
“Honest din ang girlfriend ng panganay ko. O s'ya sige na mga anak, kumain na kayo sa kusina at susunod ako.” Tinapik n'ya balikat ko. “Welcome ka palagi rito anak, ah?”
Nakangiting tumango ako. Sarap sa taenga na matawag na anak galing sa Ina ng mahal mong lalaki.
“Nando'n si Zahiro, Ma?” tanong ni Khalvin bago pa man makaalis ang ginang.
“Nando'n na, kasama nga ang girlfriend n'ya. Si Airo 'di ko alam kung nasa'n. 'Yong batang iyon mahilig magsekreto.”
Nandito nga si Babykel. Hindi man lang ako sinabihan na sila na pala ni Zahiro.
“Okay, Ma.”
Tinignan ako bigla ni Khalvin nang umalis na ang kan'yang Ina. Napataas ang kilay ko nang makitang nakangisi na s'ya ngayon sa akin.
“You heard it, right?”
“Ang alin?” taka kong tanong.
“Na may girlfriend na si Zahiro. Akala mo nakalimutan kong may paghanga ka sa lalaking iyon, ah,” maangas n'yang turan na ikinasimangot ko.
“Parang gag*. Masaya ka na n'yan?” taas kilay kong tanong na ikinatango n'ya.
“Of course I'm happy. Hindi ka na maaaring magkagusto sa kan'ya dahil may girlfriend na s'ya. Para ka talaga sa akin, babe,” nagmamayabang n'yang sambit.
BINABASA MO ANG
His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)
Romance(COMPLETED) (CADDEL BROTHERS SERIES #2) (R-18) KHALVIN GAEL CADDEL Everyone is aware of his rude side, yet he is a good man overall. He could care less. But why did he become into such a decent person and a compassionate person after meeting this wo...