EPILOGUE (3)

1.1K 29 0
                                    

EPILOGUE 03


KHALVIN GAEL CADDEL


Please lang, Khalvin! Tama na! Tigilan mo na ako, p'wede ba?!” nagdadabog na sigaw sa akin ni Yannie nang makita akong sinusundan s'ya papauwi sa kanilang bahay. “Hindi ka ba nagsasawa sa pambu-bully mo sa akin?! Anong gagawin mo na naman ngayon?!”

Nagulat ako sa kan'yang biglang pagsigaw at pagkasabog. Ngayon lang s'ya nagkaganito sa akin. Palagi kasi itong nakangiti o sinisimangutan ako kapag nagpapansin ako o inaasar ko s'ya. 'Yon ang tingin n'yang pambu-bully ko sa kan'ya.

“I'm sorry, I just want to take you home by myself. D-Don't mind me.”

Nanlambot ako bigla nang makita ang galit sa kan'yang mga mata. I can't stand seeing her fuming mad at me. She was gripping her dress like she wants to punch me. Mabilis na tumalbog ang dibdib ko.

“S-Sa tingin mo ba ayos lang ako sa pinaggagawa mo? Sinisiraan mo ang utak ko pati ang pag-aaral ko, alam mo ba?!” Duro n'ya sa akin kaya napaatras ako ng isang hakbang. “D-Dahil sa 'yo nawalan na ako ng confidence sa sarili. You did a great job, Khalvin Gael Caddel. You are making fun of me, especially my curly hairs.”

My heart fell down when she said those words in front of my face. F*ck, I didn't know that she's feeling this way. I thought she likes me and enjoying habang inaasar ko ang tungkol sa buhok n'ya. I didn't mean to hurt her like that.

I really like her hair, everything about her. Ang mali ko lang ay inasar ko s'ya tungkol sa kan'yang buhok at hindi ko sinasadyang makapagsalita ng makaka-offend sa kan'ya. Hindi ko alam na binababa na n'ya ang kan'yang sarili dahil sa aking ginawa.

“I-I'm so sorry, hindi ko sinasadya, Yannie,”I uttered. “Believe me, I just want to be somebody to you. P-Please, Yannie, I want to be your friend.  ” Or more than that, babe...

Pero tinignan n'ya lamang ako na parang nandidiri s'ya sa akin. Para akong kakapusin ng hininga sa takot ko na galit s'ya sa akin. Hindi naman s'ya galit sa akin kapag inaasar ko s'ya. O baka akala ko lang iyon?

“No, stop fooling me. Hindi ako naniniwala sa 'yo. Get lost.” At mabilis na ang lakad n'ya para makalayo sa akin.

Gusto ko s'yang habulin ngunit nahihiya ako sa aking sarili, nagagalit ako sa aking sarili. Sinaktan ko s'ya at hindi ko man lang naramdaman na ginagawa ko na pala iyon sa kan'ya.

I was breathing so hard that it's difficult for me to swallow. No, hindi ako katulad ni Papa. Hurting her was not my intention. For f*ck sake, why would I hurt my woman? S'ya ang dahilan kung bakit araw-araw akong pumapasok sa paaralan at nakakasabay na ako sa mga lessons. She was my dream and I want to make it real.

One week after I saw her running away from me, I went to her classroom to say sorry. But her classmates told me that she was no longer attending classes. Wala na s'ya sa San Jose at iniwan man lang ako.

Madami na akong napagtanungan kung nasa'n s'ya. Napahawak na lang ako sa noo nang malamang nasa China s'ya kasama pamilya n'ya. Paano na ako? Ni hindi ko pa pinaramdam sa kan'ya na mahalaga s'ya sa akin.

“Iniwan ka n'ya, anak?” tanong ni Mama nang ikuwento ko sa kan'ya na iniwan ako ni Yannie.

Tumango ako at napahimalos sa mukha ang mga palad ko. “G-Galit s'ya sa akin kasi sinaktan ko s'ya. Ni hindi man lang ako nakapag-sorry.” Inalis ko ang palad sa aking mukha at hinarap si Mama. “But believe me, Ma. Hindi ko sinasadya iyon. Mahalaga s'ya sa akin, Ma. H-Hindi ko alam na mali pala ang ginawa ko.”

His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon