EPILOGUE 02
KHALVIN GAEL CADDEL“Ikaw na ang bahala sa Mama mo, anak. Hindi ko na kayang palakihin kayo. Hindi ko na gustong manatili pa rito.”
Salitang binitiwan ni Papa nang dumating ang araw na kinatatakutan ko. Nangyari na nga... Nasira na ang pamilya namin, lalo na ang pagkatao ni Mama. Hindi ko 'to matanggap. Anong kasalanan ang ginawa ni Mama?
Kagagaling ko lang sa eskwelahan dahil kakatapos lang ng graduation ni Airo sa elementary . Akala ko magiging masaya ngayong araw namin ngunit isang malaking kalokohan na magiging masaya pa ang araw na ito. Sira na ang pamilya ko sa una pa lang, ngayon pa kaya na balak na ni Papa na makipaghiwalay kay Mama?
Nakayukom ang kamao ko. Nag-aalab na ang galit ko at unti-unti akong pinapatay ng pagkasakit ng dibdib ko. Nasaksihan ko kung paano hinagis ni Papa ang flower vase kay Mama na muntik nang ikinatama nito. Hindi ko rin makalimutan ang ilang beses kong nakitang tinutulak ni Papa si Mama.
Ito ba ang pagmamahal na sinasabi n'ya? Mali lahat ng ito. Hindi ko na kayang saktan n'ya pa ulit si Mama.
“U-Umalis ka na lang dito... Hindi ka namin kailangan,” pumiyok pa ang boses ko ngunit matapang na hinarap ko s'ya.
Napatigil s'ya sa pag-iimpake ng damit nang marinig iyon. Masamang tingin kaagad ang pinukol n'ya sa akin at mabilis akong nilapitan. Napangiwi ako nang hablutin n'ya ang braso ko at marahas na tinaas ito.
“Sumasagot ka na, huh? Wala kang respeto sa Ama mo!” nanggagalaiti n'yang bulyaw sa akin na ikinapikit ko.
Kumawala ako ngunit hindi n'ya ako hinayaan. Kinagat ko na lamang ang braso n'ya. Dahil sa marahas n'yang pagbitaw sa akin dahil sa aking ginawa, napaupo ako sa sahig at s'ya naman ay masamang nakatingin na sa kamay n'yang kinagatan ko.
Dumura ako sa tabi. Ako na ang nagsasabing nandidiri na ako sa kan'ya. Hindi pala normal ang pakikipaghalik n'ya sa ibang babae. Sobrang tanga ko na huli ko na napagtanto na hindi dapat iyon ginagawa ng lalaking may asawa na, lalo na't may anak s'ya.
“Ang sama-sama mo! Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito! Inuuto-uto mo ako!” umiiyak kong sigaw sa kan'ya at tumayo. Nagdadabog na umalis ako sa kwarto ni Papa... Iyon ay kung matatawag ko pa s'yang Papa.
Nang tumuntong ako ng high school, hindi na gano'n madalas ang pakikipag-away ko. Unless kung kinakalaban nila ako. Lapitan talaga kasi ako ng away dahil sa kakaiba kaming magkakapatid sa lahat. May lahi kaming italiano galing sa aming Mama kaya kakaiba rin ang buhok namin. Dagdag pa na mahaba ito kasama ang dalawa ko pang kapatid.
Simula nang iwan kami ni Papa, do'n na ako nagkaroon ng galit sa kan'ya. Kinimkim ko ang galit at hindi ko magawang ipaglaban si Mama dahil first year high school pa lang ako no'n. Kaya simula no'n, nangako kaming magkakapatid na hindi kami gagaya sa aming Ama na nanakit ng babaeng mamahalin namin.
Sa tuwing nakatingin ako sa aking repleksyon, si Papa ang nakikita ko. Nakikita ko ang pananakit n'ya kay Mama at mga galit n'yang tingin sa akin. Parang pinagbiyak na bunga kami. Hindi ko gustong makita ang ganitong itsura ko.
Lumalaki na ang katawan ko na parang isang binata na. Tumaas din height ko at lumalim ang aking boses. Parang kailan lang talaga.
Napagpasyahan namin na pananatilihin naming mahaba ang buhok namin. Na kahit sa buhok man lang ay magkaiba kami. Kaya minsan gusto kong suntukin ang salamin, iniisip na si Papa iyon at gusto kong gumanti.
BINABASA MO ANG
His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)
Romance(COMPLETED) (CADDEL BROTHERS SERIES #2) (R-18) KHALVIN GAEL CADDEL Everyone is aware of his rude side, yet he is a good man overall. He could care less. But why did he become into such a decent person and a compassionate person after meeting this wo...