EPILOGUE 07
KHALVIN GAEL CADDEL
Pinakilala ko si Yannie sa aking Mama, alam naman kasi ni Zahiro kung sino si Yannie kaya no need na raw na introduction. Palibhasa fan ni Yannie.
Napansin ko ang lalaking kumukuha ng litrato kay Yannie, kanina pa iyan pero naghahanap ako matibay na ebidensya kung totoo bang kinukuhanan n'ya ito.
Sumalubong ang kilay ko nang sinundan n'ya si Yannie papunta sa itaas. Hinayaan ko si Yannie na gamitin ang banyo ko sa kwarto. Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan kaya sinundan ko na s'ya.
Halos hindi na maawat ang pagtaas-baba ng dibdib ko nang makitang nakasilip s'ya sa siwang ng kwarto ko kung nasa'n si Yannie. Anong karapatan ng taga-bantay na ito na maghimasok sa kwarto ko?
It didn't stop me to punched him hard. Nagkagulo kami, I was fuming mad habang sinusuntok s'ya ng walang tigil.
Dahil sa galit ko ay nadamay ang lahat, pati na rin ang pinsan ko na inalalayan lamang si Yannie ay sumabog na kaagad ako sa galit. Dapat hindi ko iyon ginawa. Ang tanga ko talaga.
Ngayon galit na naman sa akin si Yannie.
"I'm so disappointed, Khal. Akala ko tuluyan na kitang napatino. You know that I'm trying my best for you not to do anything bad. Hindi ako ang makakapagpatino sa 'yo, Khal, kundi sarili mo."
Nanghina ako dahil sa sinabi n'ya. Kasalanan ko naman na may ginawa akong masama, pero dapat pinakinggan n'ya ako. No, she made me change for a better before I decide to change myself.
"Yannie, babe," pagmamakaawa ko, sinusubukan na lapitan s'ya.
"H'wag kang lalapit," matigas n'yang sabi na mas lalong ikinatakot ko. Ito na ba ang kinatatakutan ko? Sa sobrang lungkot ko at guilty ay hindi ko maiwasang maiyak.
S'ya 'yong lakas ko ngunit s'ya rin magbibigay kahinaan sa akin. She was also crying because of what I did and I can't find any words to explain myself. I was clouded of fear and many other emotions that why we didn't talked about it.
'Di pa nakaabot ng tatlong araw ay sumugod na ako sa bahay ni Yannie. Gusto ko nang magkaayos kami para naman mapanatag ang kalooban ko at makatulog sa gabi. Mga tatlong oras o apat lamang ang tulog ko sa isang araw at alam kong masama iyon sa aking kalusugan.
Pinigilan na ako ni Airo na tumungo rito pero nagmatigas ako. Hindi kaagad ako nakapag-isip na nandito ang Ama ni Yannie. Ngunit huli na ang lahat. Kita ko ang gulat sa mukha ni Yannie at maluha-luha n'yang mga mata habang nakatingin sa akin at sa kan'yang Ama.
Para naman aking sinaksak ng daang kutsilyo nang makitang nahihirapan s'ya sa sitwasyon. Napakatanga ko na nagpakita kaagad ako. Hindi ako tumupad sa usapan namin ni Yannie.
Pigil ang luha kong tinignan ang bulto ni Yannie na pabalik sa kan'yang bahay. Nabahala ako na baka saktan s'ya ng Ama n'ya dahil kita ko lang naman ang galit nitong mukha.
Wala na itong atrasan pa. Hinarap ko ang Ama ni Yannie kahit wala akong kasiguraduhan kung sang-ayon ba s'ya sa relasyon namin. Ngunit mukhang ayaw n'ya sa akin.
"Layuan mo ang anak ko, Caddel. Kilala kita at wala kang magandang idudulot sa aking anak," seryosong anas ng Ama ni Yannie.
'Yong luha na pinipigilan ko kanina ay lumabas na lang bigla. Lasing man ako sa kalagayan ko ngayon ngunit alam ko kung ano ang pinaggagawa ko.
Just to lower my pride, so he will let me to be with Yannie, lumuhod ako sa kan'yang harapan. Yumuyugyog na ang balikat ko sa sobrang sakit na hindi ko na mahahawakan si Yannie.
BINABASA MO ANG
His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)
Romance(COMPLETED) (CADDEL BROTHERS SERIES #2) (R-18) KHALVIN GAEL CADDEL Everyone is aware of his rude side, yet he is a good man overall. He could care less. But why did he become into such a decent person and a compassionate person after meeting this wo...