CHAPTER 10
Sarkastik s'yang napatawa, halatang hindi talaga s'ya natutuwa sa aking sinabi. His eyes was screaming that he was mad right now.
“D*mn it! Anong wala lang iyon?! Naghalikan tayo, Yannie! Tumugon ka kaya dapat mero'n!” nagmamaktol n'yang sabi.
“Eh, ano ba dapat, huh?” nakataas kilay kong sabi. Ayaw kong ipakita na apektado ako sa halik n'ya kanina at unang halik ko iyon. Ayaw kong sabihin at baka lumaki ang ulo n'ya.
Napabuga s'ya nang marahas na hininga at masama akong tinignan na parang ang laki ng kasalanan ko rito.
“Edi panagutan mo ako, panagutan natin ang isa't isa,” aniya na ikinaubo ko, grabe.
“Gag*, wala dapat akong panagutan sa 'yo. Normal lang naman sa mga lalaki na makahalik ng baba—”
“Hindi iyon normal kaya h'wag mo akong igaya sa lalaking sinasabi mo,” sabat n'ya kaagad, inis itong sinuklay ang buhok n'ya kaya bumahaghag ito. “Iba ako, okay?”
“Bakla ka tapos lalaki sila?” taka kong tanong na mas lalong ikinasalubong ng kilay n'ya.
“The f*ck! Stop being sarcastic!” agap n'yang anas. “Hindi ako nanghahalik ng mga babae na walang matinong dahilan, okay?”
Nakagugulat din pala na sasabihin n'ya ito sa akin. Mukha namang totoo ang sinasabi n'ya. Ang kinainis ko lang talaga sa kan'ya ngayon ay 'yong pagiging over reacting n'ya.
Ako 'yong babae tapos s'ya ang nagwawala dahil sa may nahalikan s'yang babae. Ang gusto n'yang mangyari ay panagutan ko raw s'ya.
Napailing na lamang ako rito at tuluyan nang nabuksan ang pinto. “Hinalikan mo ako kaya ikaw ang may kasalanan. Hindi ko kailangan na panagutan ka. Stop over reacting, Khal. As if naman below the belt ang ginawa namin. It was just a kiss.”
Napatagis ang bagang n'ya habang hindi makapaniwalang tinignan ako. Napakurap-kurap din ang mga mata n'ya na kumikislap na parang may pinipigilan, kumuyom ang kamao n'ya.
“Just a kiss?” bulalas n'ya, napanganga ang bibig n'ya at pinalandas ang dila sa ibaba ng kan'yang labi. “It was like tinapakan mo ang pagiging lalaki ko dahil isa lamang iyon na halik para sa 'yo. Hindi lang basta-basta halik sa akin iyon, Yannie.”
Parang tinamaan ang dibdib ko dahil sa kan'yang sinabi. Nakonsensya na naman ako dahil sa aking sinabi pero kasi s'ya 'yong unang nanghalik. Pero tumugon naman ako, aaminin kong ginusto ko iyon.
Hindi ko naman kasi alam na ganito pala ang mararamdaman n'ya. I thought okay lang sa kan'ya dahil nga lalaki s'ya. But I think not all men ay walang paki sa halik na binigay nila sa taong gusto at mahal nila, kasama na ro'n si Khalvin.
Maybe I judged him without knowing that he's not like other men who doesn't value about it.
“Get inside your house, uuwi na ako,” malamig na sabi n'ya na bahagyang ikinatalon ko sa aking kinatatayuan.
“Khal—”
“Maga labi mo sa akin kapag pinilit mo pang sabihin na wala lang sa iyo iyon,” agad n'yang sabat at tinignan ako, hawak n'ya ang manibela ng kotse. “Sa tingin mo gano'n lang iyon? Hintayin mo ako at bibigay ka rin sa akin, babe.”
Napasimangot ako sa kan'yang sinabi na puno ng determinasyon at hinaing. Para s'yang bata na gusto n'yang makuha ang isang bagay na pinagkait sa kan'ya.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Mukha naman kasing ganito na talaga s'ya at hindi nagbibiro.
Sinara ko na lang ang pinto ng kotse at hinayaan s'ya ro'n na nagsasalita mag-isa. Nang nasa tapat na ako ng gate ay biglang sumulpot ang kotse n'ya kaya napabaling ako. Bumukas ang binata n'ya at asar na asar ang kan'yang mukha na tinignan ako.
BINABASA MO ANG
His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)
Romance(COMPLETED) (CADDEL BROTHERS SERIES #2) (R-18) KHALVIN GAEL CADDEL Everyone is aware of his rude side, yet he is a good man overall. He could care less. But why did he become into such a decent person and a compassionate person after meeting this wo...