CHAPTER 27
Hindi na ako masyadong makapag-isip sa nangyayari ngayon. Agad kong niyakap ang beywang ni Khalvin at pilit na inilalayo ito sa lalaki.
“Calm down, okay! Ano ba ang nangyayari sa 'yo?!” sigaw ni Zahiro at tinulungan ang lalaking nakahiga na puno ng dugo ang mukha. “Kita mo ang ginawa mo, Khalvin? Why the f*ck did you do that?”
Hindi nakapagsalita si Khalvin, parang ayaw n'yang sabihin kung bakit. Marahas at magbibigat ang paghinga n'ya habang masamang nakatingin sa lalaki na papatayo pa lang mula sa pagkakasalampak sa sahig.
“S-Sorry po, hindi ko alam ang sinasa—”
“Pa-biktima ang p*ta!”
Kumawala sa hawak ko si Khalvin at sinugod ulit ang lalaki. Dahil sa marahas na galaw ni Khalvin ay muntik na akong matumba kung matumba sa pagkakaatras ko. Kaagad akong inalalayan ng lalaking kararating lang.
Mahigpit na humawak s'ya sa braso at likuran ko. Pigil ang hininga ko nang itayo n'ya ako ng maayos.
“Ayos ka lang?” tanong ng lalaki na mukhang kamag-anak nila Khalvin dahil sa buhok nito na blonde rin. Siguro akong hindi kapatid 'to ni Khalvin.
Tumango ako at pinahid ang mga luha ko. Tahimik na pala akong umiiyak dahil sa takot ko. Nakita ko na naman kasi ang mabangis na kabilang personalidad ni Khalvin. Akala ko hindi ko na ito makikita pa ngunit nangyari na nga ngayon.
Nag-alala na hinawakan n'ya ang balikat ko. “Hatid na kita sa sala, miss. Mukhang hindi ka—”
“Anong ginagawa mo, huh?!”
Nagulat lamang ako nang biglang tumungo sa amin si Khalvin at tinulak ang dibdib ng lalaking nakahawak sa akin kanina. Kinuwelyuhan n'ya ito at nanliliksik na tinignan da mga mata.
“Calm down, insan—”
“H'wag mo s'yang hahawakan! Naiintindihan mo ba, huh?! Baka gusto kong magaya sa lalaking iyan!” sigaw ni Khalvin sa pagmumukha ng pinsan n'ya.
Sobra-sobra na si Khalvin. Para akong aatakihin sa sunod-sunod n'yang pagsigaw ngayon. Gumawa s'ya ng gulo at tinulak pa ang kan'yang pinsan na walang ginagawang masama.
Hindi na ako nakapagpigil pa. Tinulak ko si Khalvin ng makakaya ko ngunit isang hakbang lamang itong napaatras dahil sa lakas n'ya. Ang nanliliksik n'yang mga mata ay napunta sa akin.
“Anong ginagawa mo, Yannie, huh?!”
“Ikaw dapat ang tanungin ko! Anong katarantaduhan ang ginagawa mo ngayon, huh?!” sigaw ko pabalik sa kan'ya na ikinatagis ng bagang n'ya.
“Yannie, do'n ka muna.” Nilapitan ako ni Zahiro at seryosong tinignan kaming dalawa ni Khalvin. Hindi na rin maganda ang timpla n'ya.
Umiling ako rito. “Hindi. Sobra na ang pinaggagawa ni Khalvin, eh!” nanginginig ang labi kong bulalas.
Napasinghal si Khalvin at tinuro ang pinsan n'ya. “Kinakampihan mo s'ya? May gusto ka ba sa kan'ya?!”
“Anong pinagsasabi mo d'yan, huh?! Ikaw ang tumulak sa kan'ya tapos iisipin mo na suportado ako sa mga maling gawain mo?”
Napabuga s'ya nang marahas na hininga at hinawakan ako sa braso. “Let's get out of her—”
“Hindi! Dito ka lang at ako ang aalis! Hindi na kita maintindihan sa totoo lang, Khalvin.” Binaklas ko ang kamay n'ya sa akin. “Gan'yan ka palagi. Nang-aaway kahit wala namang kasalanan ang isang tao. Ano? Uhaw ka na ba sa rambulan, huh? Dahil ba hindi na kita pinayagan na pumunta sa bahay na iyon?”
BINABASA MO ANG
His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)
Romance(COMPLETED) (CADDEL BROTHERS SERIES #2) (R-18) KHALVIN GAEL CADDEL Everyone is aware of his rude side, yet he is a good man overall. He could care less. But why did he become into such a decent person and a compassionate person after meeting this wo...