CHAPTER 04

2K 50 2
                                    

CHAPTER 04


Most of the time ini-imagine ko na ang mga katarantaduhan na ginagawa ni Khalvin sa eskwelahan no'ng wala pa ako. No'ng senior high kasi lumipat ako ng school kaya wala akong balita sa mga pinaggagawa n'ya.

At nang tumuntong kami ng college ay hindi ko naman s'ya nakikita. Bali-balita nga ay tumigil ito sa pag-aaral, 'di ko alam ang dahilan. Isa s'yang senior namin ngunit kung makaasta ay parang junior pa rin.

Ang 'di ko lang matanggap na ginawa n'ya ay no'ng binuhusan n'ya ng soup ang babae. Maybe there's a reason why he do that. Pero naisip ko rin kasi na baka trip n'ya lang gawin iyon.

Gawain n'ya naman kasi ang mga gano'n pero ngayon ko lang nalaman na kaya n'ya pa lang gawin iyon sa babae.

Dati kasi hanggang pangangasar lang s'ya sa babae tapos mahina lang naman n'ya hinihila noon ang buhok ko. Hindi naman ako nasaktan pero kasi ang kulit at nakakainis s'ya.

"H'wag mo nang problemahin ang lalaking iyon at punta na tayo sa racing field," biglang sabi ni Nakko at saka uminom ng vitamilk.

Nagmamadali kasi s'ya para makaabot sa racing competition na gaganapin sa labas ng university. Nakalimutan ko ang tawag sa lugar na iyon.

Kumunot ang noo ko dahil sa kan'yang sinabi. "Hindi ko s'ya pinoproblema, okay?" suplada kong sabi sa kan'ya na ikinatawa n'ya.

Kilala talaga ako ni Nakko kaya sa sitwasyon ngayon ay hindi na ako makapagsinungaling. He's a law student. Kahit estudyante pa lang s'ya ay talagang uungkatin n'ya ang mali at tinatago mo. Dapat pala imbestigador na lang s'ya 'no?

Nilapag n'ya ang bote ng vitamilk na kakaubos lang. Sumandig s'ya sa kan'yang kinauupuan at naghahamon akong tinignan.

"Oh, really? Rinig ko kaya ang binulong mo kanina pa. Masyado kang halata na naiinis ka sa Caddel na iyon. Kung 'di lang kita kilala ay baka napagkamalan ko na may gusto ka sa kan'ya."

Mas lalo tuloy sumama ang tingin ko sa kan'ya kaya napahalakhak na s'ya. Napailing ito at inabot ang buhok ko para guluhin. Hinayaan ko naman s'ya at nakangiwi na ang aking mukha ngayon.

Ako? Magkakagusto sa lalaking mahabang buhok na parang kabayo? No way. Hindi s'ya 'yong tipo kong lalaki. He's an immature guy. Fern is much better than him.

Sumama ako kay Nakko pagkatapos ng aking klase. Four to five ng hapon kasi vacant time n'ya kaya hinintay pa n'ya ako ng higit isang oras.

Sumakay kami sa kan'yang kotse. Hindi naman nagtagal ang byahe at nakarating kami sa racing field. Tagong lugar pala ito. No'ng first time kong pumunta rito ay hindi ko inakala na sa likod pala ng gubat, nakatago ang field of racing, kung saan legal naman ang racing competition ang nagaganap.

"Ang dami palang estudyante rito," nakangangang sambit ko nang makita ang kabuohan ng racing field, hindi pa nagsisimula pero madami na kaagad nag-aabang sa laro.

"Talagang madami ang nga viewers ngayon dahil mga sikat ba naman ang maglalaro," nakangisi n'yang turan at kinindatan ako.

Muntik na akong matawa sa kan'yang sinabi. "Sino naman ang mga kalaban mo sa racing? Sure naman ako na hindi lang ikaw ang inaabangan nila."

Binaklas n'ya ang kan'yang seat belt at binuksan ang kan'yang pinto. Binalingan n'ya ako na may ngisi pa rin sa labi.

"Si Khalvin lang naman, at saka si Braldon na galing sa engineering department," sagot n'ya saka ako iniwan na nakanganga sa loob ng kotse.

His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon