CHAPTER 12
Dahil pursigido si Khalvin na ligawan ako at makuha ang loob ko ay dinala n'ya ako sa isang lugar na sikat sa San Jose. Sa ilog kami pumunta. Hindi alam ng magulang ko na may ini-entertain akong manliligaw. Naghahanap naman ako ng right time, lalo pa't nalaman kong gusto nila sa chinese ako magkagusto.
"Bakit dito mo ako dinala?" tanong ko sa kan'ya, sabay kaming naglalakad sa tabi ng ilog.
Nakamamangha ang linaw ng tubig ng ilog ngayon, para s'yang lumikinang. Marami ring cottage nakahilira sa tabi at kaunti nga lang mga tao dahil hindi pa bakasyon. Mostly mga couples ang nandito, nagd-date siguro.
"Dahil dito kita unang nakilala," agad n'yang sagot na ikinatingin ko sa kan'ya.
"Talaga? Magkakilala na ba tayo no'n? "
Umiling s'ya, sinuklay ng mga daliri n'ya ang kan'yang buhok at sa ilog bumaling. He secretly wet his lips using his tongue.
"Hindi, kakalipat n'yo lang dito no'n sa pagkakatanda ko. Unang napansin ko ang buhok mo no'n, it was curly yet I really love it." Napatingin s'ya sa akin, lalo na sa buhok ko na nakabuhaghag ngayon. "Gustong-gusto kong hinahawakan ang buhok mo. It was so soft. I always wanted to touch it everyday."
Napatigil kami pareho sa paglalakad nang hawakan n'ya ang dulo ng buhok ko. Binaklas ko na kasi ang pagkatirintas n'ya nakaraan kaya mas lalo s'yang naging curly ngayon. Medyo nahiya lang ako, baka kasi mukha akong bruha ngayon sa curly hair ko.
"It was awkward na kasama kita tapos hindi naging maganda ang pagsasama natin noon," mahina kong tawa para maibsan ang awkwardness namin.
Binitiwan n'ya ang buhok ko at napamulsa. "Yeah, I feel the same. Nakakahiya na nilapitan kita. Pakiramdam ko sobrang taas mo na kahit nasa harapan na kita ngayon."
Napaurong ang dila ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa pagkabigla.
Napayuko s'ya at kasabay no'n ang pagyugyog ng kan'yang balikat. Inangat n'ya ang tingin at bahagyang tinabingi ang ulo.
"You probably hate me so much, huh? I'm really sorry if I made you upset the whole time. I just want to express my affection towards you," he sincerely apologized and smiled at me. "Sa pamamagitan ng pagpapansin at kung anong bagay pa ang ginagawa ko sa 'yo, lalo na sa pag-bully ko noon. It was a childish act of mine. I just want to be your somebody just why I did it."
"S-So this is the reason why? Totoo ba ito?"
"Yes, I adore you for so long already. Maniwala ka man o hindi, I just did it just to have your attention," paos n'yang sabi. Parang ang hirap na sabihin n'ya iyon dahil humihina na ang boses n'ya at namumula na ang kan'yang leeg. "Uhaw talaga ako sa atensyon mo. Kaya... Sana ako na lang. Give me your attention and love, Yannie."
Napalunok ako sa sariling laway. His eyes is sparkling like all he can see right now is a light that he want to be with. No'ng makilala ko si Khalvin, alam kong nasa likod s'ya ng mga bituin, he was a dark sky for me.
Now I understand why he is being just like this. Dahil para sa akin s'ya ay isang itim na kalangitan na paunti-unting lumiliwanag. Pabago-bago ang kan'yang ugali. He was a rude guy, but sometimes he's showing his good side. He is not a totally rude, anyway.
Maybe someone or something just happened to him kaya s'ya nagkaganito. Naging kuryuso tuloy ako kung ano ang naghudyat sa kan'ya para maging ganito s'ya. It was obvious dahil sa kan'yang sinagot nakaraan sa aking tanong kung paano n'ya napapa-ibig ang babae.
BINABASA MO ANG
His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)
Romance(COMPLETED) (CADDEL BROTHERS SERIES #2) (R-18) KHALVIN GAEL CADDEL Everyone is aware of his rude side, yet he is a good man overall. He could care less. But why did he become into such a decent person and a compassionate person after meeting this wo...