CHAPTER 30
Ang huli kong kita kay Khalvin ay no'ng nasa labas s'ya ng gate at nakatingin lamang sa ikalawang palapag na bahay namin kung nasa'n ang aking kwarto.
Hindi rin s'ya makatawag at text sa akin dahil 'yong cellphone ko kinuha ni Ama. Kaya ang ginawa n'ya lang ay mag-iiwan s'ya ng sulat kay Inay at iaabot sa akin.
“Para po, Manong,” malakas kong sabi sa tricyle driver na kaagad naman n'yang sinunod. Bumaba na ako sa tricyle.
“Gabi na, Miss, ah. Baka mapano ka rito,” nag-alala n'yang sabi.
“May kikitain naman po ako, Manong. Magiging maayos po ako,” turan ko na lang.
“Ingat lang, Miss.”
Tumango lamang ako at kasunod no'n ay ang pagharurot n'ya ng kan'yang tricyle. Saglit pa akong napatingin sa papalayong sinasakyan n'ya bago napagpasyahan puntahan na si Khalvin.
Saktong paglingon ko ay kita kong kakatayo pa lang ni Khalvin mula sa pagkakaupo sa waiting shed 'di kalayuan. Ang fashion n'ya sa pananamit ay suot n'ya ngayon. Tulad ng hilig n'ya, nakasuot s'ya ng kulay itim na sando at pang army na jeans. May hawak s'yang payong at jacket.
I licked my dry lips and started to take a steps towards him. Nakatitig lamang ang nangingislap n'yang mga mata sa akin hanggang sa nakarating ako sa kan'yang harapan.
“Babe,” paos at lalaking-laki ang boses n'ya na tawag. Agad n'yang kinuha ang aking kamay na nanlalamig sa kaba at pagkasabik. “I miss you so much... I'm sorry if I messed it up.”
Umiling kaagad ako sa kan'ya at mas hinigpitan ang hawak sa kan'yang mga kamay. Kahit sa huling sandali ay mahawakan ko ito ng ganito kahigpit. Baka sa oras na humiwalay ako ay hindi ko na mararanasan pang hawakan ang kamay n'ya.
“Plano ko naman talagang sabihin kay Ama ang tungkol sa atin... 'Yon nga lang maaga n'yang nalaman.” Sinuri ko ang kan'yang buhok na maayos naman ang pagkakulot. Ngunit napahinto ako sa galos sa kan'yang mga mukha. “Masakit pa ba?”
“Ang alin?” tanong n'ya.
Hinawakan ko ang kan'yang mukha na may bahid na galos. Napahinto s'ya at kalaunan hinawakan din ang kamay kong nasa pisngi n'ya. Pumikit s'ya na parang dinadama ang init ng palad ko na matagal na n'yang gustong maramdaman.
“Daplis lang ito sa akin,” dahilan n'ya.
Sarap n'yang kurutin ngunit imbes na gawin iyon ay ginulo ko ang kan'yang buhok. Mga mata n'ya'y payapang nakatingin sa akin. Mas binaba n'ya ang kan'yang ulo para mahawakan ko ang buhok n'ya. Kalaunan ay marahan ko na itong sinusuklay sa aking mga daliri.
“U-Umiyak ka no'ng sinuntok ka ni Ama.”
Nilagay n'ya ang strand ng buhok ko sa likuran ng aking taenga. Walang kahirap-hirap n'yang pinulupot ang braso sa aking beywang at hinila sa matigas n'yang katawan.
“Umiiyak ako dahil sa desperado kong matanggap ang consent n'ya na tanggapin ang ating relasyon,” sagot n'ya na ikinaangat ko ng tingin sa kan'ya. “Hindi pa tayo ayos no'n tapos ito na kaagad ang bubungad sa akin? Gusto ko kitang lapitan ng ganito ngunit hindi ako pinayagan. Mababaliw yata ako sa isipang magkakalayo tayo.”
And that makes my heart aches. Tila sobrang hirap para sa kan'ya na maghiwalay kami kaya s'ya mismo ang gustong ayusin ang aming relasyon. Masuwerte ako dahil s'ya 'yong pinili ko.
Ilan lamang mga lalaki ang kagaya na imbes na tapusin ang relasyon ay pilit nilang aayusin. 'Yong kaya nilang tanggapin ang mga tadyak at suntok para lang mahawakan at ipaglaban ako.
BINABASA MO ANG
His Rude Side (Caddel Brothers Series #2)
Romance(COMPLETED) (CADDEL BROTHERS SERIES #2) (R-18) KHALVIN GAEL CADDEL Everyone is aware of his rude side, yet he is a good man overall. He could care less. But why did he become into such a decent person and a compassionate person after meeting this wo...