"Ako At Ang Pandemya"
-lahingmusikeroAko bilang tao,
Namulat ang mundo
Dahil sa pandemyang
Kinakaharap ko.Marami ang nagbago, binago at magbabago,
Isa na ako bilang isang
Ordinaryong tao.Mga kaibigan na dati'y kasama
Ngayon ay halos 'di na
Masilayan ng aking
Mumunting mga mata.Marami na ang nawalan ng pagasa.
Dahil mga mahal nila sa buhay ay nawala.
Marami ang sumuko
Dahil ang kanilang bukas ay halos 'di na gaya noong una.Nakakaramdam ng pagkabalisa,
Na halos hindi na alam kung ano pa ang magagawa.
Kailan pa kaya masisilayan
Ang ngiti na nakatago sa likod
Ng ating mga maskara?Hanggang kailan pa ako magtitiis?
Ilang bukas pa ang aking bibilangin?
Ilang buhay pa ang mababalitaan ang mawawala?
Ilang ngiti pa ang masasaksihan ang tuluyang maglalaho?Susuko?
Wala ito sa bokabularyo ko.Ako bilang tao,
Nangangako na hindi susuko.
Ako bilang tao lalaban sa pandemyang kinakaharap ko.Ipinanganak akong matapang.
Nasaktan man pero hindi kailanman mapanghihinaan.
Nawalan man pero hindi ko ito gagawing dahilan.Ako ito.
At alam kong kaya ito ng sarili ko.
May tiwala ako dahil
Alam kong hindi ako nag-iisa sa laban kong 'to.Kapit.
Kasi balang araw,
Ako at ang pandemya ay isa na lamang tula sa hinaharap na puwede nating balik-balikan.-end-
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry (Collection)
PoetrySpoken Poetry lamang ang laman ng librong ito. Sana magustuhan niyo at masuportahan niyo. -Lahing Musikero