Spoken Poetry | 02

3.7K 22 2
                                    

Tagu-taguan
-lahingmusikero


Tagu-taguan maliwanag ang buwan
Pagbilang kong sampo, tayo'y nagkatagpo
Atras-abante, puso ko 'di makampante
Nang masilayan ko ang iyong imahe.

Tagu-taguan aking nararamdaman
Nararamdaman na walang kasiguraduhang masuklian.

Tagu-taguan lumipas ang buwan
Nalulunod na ako, hindi ko na mapigilan
Sinubukan kitang lapitan, upang ito'y mabawasan.
Kamay mo aking hinawakan, alam kong ramdam mo ang panginginig ng aking katawan.
Nagkatitigan, ako'y mas lalong kinakabahan.

Basang-basa ko sa mukha mo ang maraming katanungan.
Katanungan na hindi ko kayang sagutan.
Hindi ko alam kung ano ang susunod kong hakbang.

Napapikit na lang ako bigla at nasabi sa'yong 'Mahal Kita'.

Nalaglag ang iyong panga dahil sa iyong pagkabigla.
Ako rin ay namangha, at hindi makapaniwala.

Gusto kong tumawa.
Gusto kong tumawa ng pagkalakas-lakas dahil sa saya.
Sa saya dahil sa wakas akin ding naipalabas.

Pero, saya ko bigla mo na lang binawi.
Bigla mo na lang binawi dahil sa reaksiyon ng mukha mo na ikaw lang ang nakakaintindi.

Oo nga pala, ngayon ko lang naalala.
Hindi mo pala ako magugustuhan.

Hindi mo pala ako magugustuhan dahil sa aking kalagayan.
Dahil sa hindi ako perpekto.
Dahil sa hindi ako iyong tipong tao na gusto mo.

Tanggap ko.
Tanggap ko at nagpapasalamat pa rin ako dahil sa haba ng panahon na aking pakikipagtaguan, naipalabas ko rin ang matagal ko nang tinatagong pagmamahal sa'yo na walang katumbas.


-End-

Please do vote and support. Thank you so much for reading.

Tagalog Spoken Poetry (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon