Spoken Poetry | 33

611 1 1
                                    

Bago Ka Lumisan
-lahingmusikero

Mahal, sandali lang.

Teka lang, pakiusap.

Bago mo ako tuluyang iwan, bigyan mo pa sana ako ng kaunting oras.
Kaunting oras para masabi sa'yo ang mga bagay na gusto kong malaman mo.

Mga bagay na sobrang importante sa buhay ko.

Una sa lahat, salamat, mahal.

Salamat na naging parte ka ng buhay ko.

Salamat dahil kahit papano isa ka sa mga nagpangiti at nagpatibok ng puso ko.

Mahal, kung iwan mo man ako, sana palagi mong tatandaan na andito lang ako sa tabi mo.

Andito lang ako handang maging panyo mo sa oras na ikaw ay nahihirapan.

Lahat ng oras libre ako basta ikaw.

Huwag kang mahihiya kasi ako lang naman ito. Hindi ako magbabago pati na rin ang pagtingin ko sa iyo.

Lisanin mo man ako, hindi kita pipigilan kahit labag ito sa nararamdaman ko.

Kahit masakit. Kahit mahirap, okay lang. Basta't alam kong masaya ka, okay na 'yon para sa akin.

Hindi naman kita pagmamay-ari para pigilan sa kaligayahan mo.

Basta ang tanging tatandaan mo, mahal na mahal kita. Hindi 'yan magbabago kahit na ikaw na itong may bago.

-end-

Tagalog Spoken Poetry (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon